Yeng Constantino on her boyfriend Victor Asuncion: “He’s the one.”

Abot-langit ang ngiti ni Yeng Constantino sa tuwing napag-uusapan ang non-showbiz boyfriend niyang si Victor Asuncion. "Aminin ni’yo naman po, hindi naman araw-araw feeling mo, maganda ka. Pero minsan talaga napapatangin ako sa salamin, ‘Uy, ok ‘to ha! Parang gumaganda yata ako.’ May gano’ng feeling!” bulalas ng Pop-Rock Princess.


Kaliwa’t kanan ang trabaho ni Yeng Constantino, ngunit hindi niya raw hinahayaang maging sagabal ito sa pagkakaroon niya ng quality time kasama ang non-showbiz boyfriend.

Kahit busy ang kanyang schedule, sinisiguro raw ni Yeng na maisisingit niya ang pakikipag-date sa nobyong si Victor Asuncion.

“Hindi kami nawawalan ng time ng boyfriend ko. Gano’n po talaga pag mahal mo yung tao.

"Hindi naman pwedeng busy ka nang busy. Hanggat kaya, gagawan mo ng paraan.

“Minsan humahabol kami ng last full show after work,” bungad na pahayag ni Yeng.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters si Yeng sa kanyang solo press conference, na ginanap sa Garage 88 restaurant sa San Juan City, kahapon, November 7.

Hindi ba isyu kay Victor ang madalas niyang pagpunta sa ibang bansa para sa trabaho?

“Hindi po problema sa kanya yun.

“Both ways, naiintindihan namin yung responsibilities namin.

“Hindi ibig sabihin na busy ka, hindi mo na priority ang love life or yung boyfriend mo.

“It’s just that kailangan ko lang talaga gawin yung mga kailangan kong gawin.”



FINDING MR. RIGHT. Halos magli-limang buwan pa lang ang kanilang relasyon, pero ramdam daw ni Yeng na si Victor ang gusto niyang mapangasawa balang araw.

“He’s the one for me,” kinikilig na saad ni Yeng.

Ano ang katangiang mayroon si Victor para masabi niya ito?

“Sobrang bait po, e. Yung bait na hindi matatawaran ng kahit anong bagay sa mundo.

“Grateful ako sa magulang ko. Ang sabi nila sa akin, ‘Anak, basta makahanap ka ng lalaking mamahalin ka—whoever you are—and susuportahan ka sa ginagawa mo.’”

Ang boyfriend ni Yeng ay nagtratrabaho bilang worship director ng Victory Christian Fellowship, isang religious congregation na kinabibilangan din ni Yeng.

Paliwanag ni Yeng, lahat ng pagsisikap nila ni Victor ngayon ay para rin sa kinabukasan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagtratrabaho rin naman kaming dalawa.

“Para rin sa amin in the future.

“Mas better na gawin namin yung dapat gawin namin now.

“Kapag dumating yung time na yun, kung sakali man, handang-handa na kami."

WEDDING TALK. Umpisa pa lang ng kanilang relasyon ay bukas na ang Pop-Rock Princess sa pagsasabi kung gaano niya kamahal ang kanyang nobyo.

Ngunit nang tanungin kung niyayaya na ba siya ni Victor na magpakasal, agad na sinabi ng 23-year-old singer na hindi sila nagmamadaling sumabak sa isang lifetime commitment.

Hindi tuloy maiwasang usisain ng press kung pinagbabawalan ba siya ng kanyang manager na si Eric Raymundo na magpatali, lalo ngayong maganda ang takbo ng kanyang career.

Bahagyang napaisip si Yeng bago sinabing, “Pinagbabawal? Siguro po, sama-sama rin po.

“Sa akin po, lahat ng nangyayari sa career ko, hindi lang naman ito tsamba lang.

“And mahirap magkaroon ng gano’ng opportunity and ma-miss out ‘to.”

Kumpiyansa rin si Yeng na buo ang suporta ni Victor sa kanyang music career.

Aniya, “Hindi siya yung, ‘Wag ka d’yan, nagseselos ako d’yan!’ Sobra siyang supportive."

Handa rin daw itong maghintay kung kailan niya gustong lumagay sa tahimik.

Sabi pa ni Yeng, “Ang pinakagusto ko sa boyfriend ko, naiintindihan niya yung nature ng work ko.

“Yung thought na maghihintay siya, yun ang nakaka-touch sa akin.

“Parang, ‘Grabe naman itong lalaking ito!”

Walang dahilan para madaliin nila ang pagpapakasal. Si Yeng ay 24 taong gulang pa lang at si Victor ay 28.

Hindi kaya umabot ng sampung taon ang paghihintay ni Victor sa dami ng gustong gawin ni Yeng sa buhay?

“Magkaanak pa kaya ako nun?" balik-sagot ni Yeng. "Ang tagal naman po ng 10 years!"

Dagdag nito, “Mararamdaman mo kapag tamang oras na. Kumbaga, ito na yun.

“Walang balakid na sirkumstansiya. Lahat pabor sa inyong dalawa.

“Kapag nangyari yun, bakit hindi?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw siya yung tipo ng babae na pinaplano ang tamang edad ng pagpapakasal.

“Wala, kasi sa panahon ngayon, mas open na.

“Hindi na masyadong pressure sa babae yung mag-asawa ng late kasi very professional na ang mga kababaihan.

“Wala akong timeline.”

Sa kasalukuyan, aminado si Yeng na nasa kilig stage pa rin ang kanilang relasyon ni Victor.

Natatawang pag-amin ni Yeng, “Lalo akong nagiging blooming dahil sa kanya!

“Aminin ni’yo naman po, hindi naman araw-araw feeling mo, maganda ka.

“Pero minsan talaga, napapatangin ako sa salamin, ‘Uy, ok ‘to ha! Parang gumaganda yata ako!’ May gano’ng feeling.”



FULLY-BOOKED. Ngayong buwan pa lang ng Nobyembre ay puno na ang schedule ni Yeng para sa mga nakatakdang trabahong gagawin niya.

Una na rito ang promo events para sa kauna-unahan niyang Cinema Originals indie film, ang Shift. Ipapalabas ito sa mga piling sinehan sa November 10.

Bilang Filipino ambassador ng Academy of Rock, nakatakdang lumipad si Yeng patungong Taiwan para sa opening ng naturang music school sa November 11.

Pagkatapos ay magtutungo siya sa Singapore para mag-promote ng kanyang first single, ang "Better Than Yesterday," na ire-release doon.

Pinaghahandaan na rin ni Yeng ang nalalapit niyang birthday concert, ang Plugged-In: Yeng Constantino Birthday Concert, na gaganapin sa Samsung Hall, SM Aura, Bonifacio Global City, sa November 30.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN