2PM’s Nichkhun to Filipinos affected by typhoon Yolanda: "I hope you guys stay strong and never give up."

Humarap ang K-pop star na si Nichkhun sa mga miyembro ng local press kanina, November 8, kaugnay ng gagawin niyang fan meet bukas, November 9, sa Trinoma at Mall of Asia.


Nasa Pilipinas ngayon ang K-pop star na si Nichkhun, miyembro ng isa sa nangunguna at pinakasikat na idol groups sa South Korea—ang 2PM.

Halos kasabay na dumating sa Pilipinas ni Nichkhun ang super typhoon na si Yolanda noong Huwebes ng gabi, November 7.

Ngayong gabi, November 8, ay humarap ang 25-year-old 2PM member sa local press, sa inihandang presscon ng Bench, sa Bench Tower, Bonifacio Global City, Taguig City.

Dito ay nagbigay siya ng mensahe sa mga Pilipinong apektado ng bagyong Yolanda, na kasalukuyang nananalanta sa maraming lugar sa Pilipinas.

Pahayag ni Nichkhun, “I really hope that this typhoon’s gonna pass without any damage, because it’s heartbreaking to be a victim of something like this.

“So, I really wish all your family and friends are safe… I hope you guys stay strong and never give up.

“I’m sure when everything clears up, everything will go back to normal—or better.”

Nais din daw tumulong ni Nichkhun sa mga biktima ng lindol na yumanig sa Bohol noong October 15.

Aniya, “When I first heard about the earthquake, I already had plans to come here.

“And a part of me was always here in the Philippines.

“So when I heard about the earthquake, it really shook me…

“So I really want this trip to be meaningful to the Filipinos, too, so I’d like to make some donations to the victims…”



THIRD TIME IN THE PHILIPPINES. Ang pagbisita sa bansa ni Nichkhun—na ang buong pangalan ay Nichkhun Buck Horvejkul—ay may kinalaman sa ilang events ng Bench, kung saan isa siya sa global endorsers.

Bukod kay Nichkhun, ang iba pang K-pop stars na endorsers ng Bench ay sina Siwon at Donghae ng Super Junior, at si Lee Min Ho.

Ang iba pang international celebrity endorsers ng clothing brand na ito ay sina Bruno Mars, Joe Jonas, Lucy Hale, Liam Hemsworth, Jessica Sanchez, Adam Levine, Michael Trevino, at Taylor Lautner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa presscon kanina ay sinagot ni Nichkhun ang mga inihandang tanong ni Grace Lee, ang Korean TV host na minsa’y naugnay kay President Noynoy Aquino.

Ito ang ikatlong beses na bumisita ng Pilipinas si Nichkhun.

Ang una ay noong 2010, kung saan pumunta siya ng Payatas para sa Korean TV show na Danbi.

Kuwento ni Nichkhun, “The first time I was here with a TV show where we went to Payatas—to help out the kids there.

“We played with them, we fed them… and stuff like that.

“It was actually an amazing experience for me.”

Ang ikalawang beses ay para sa concert ng 2PM—ang What Time Is It Tour: 2PM Live in Manila—na ginanap sa MOA Arena noong March 2, 2013.

Ang iba pang mga miyembro ng 2PM ay sina Jun K., Junho, Taecyeon, Wooyoung, at Chansung.

Si Nichkhun, na Thai-Chinese, ang tanging hindi Korean sa grupo.

Dahil kararating lang ni Nichkhun dito sa Pilipinas kagabi, at dahil sa masamang lagay ng panahon, wala raw siyang sapat na panahon para makapamasyal.

“It’s kind of a shame that, you know, it’s always hotel, work, hotel, work…”

Bukas ng gabi, November 9, na ang alis ni Nichkhun.



“DON’T TOUCH MY BIRDIE.” Nang dumako ang usapan sa pagiging endorser niya ng Bench, tinanong ni Grace si Nichkhun kung nakita na niya ang kanyang billboards dito sa Pilipinas.

Sagot ng pop star, "Yeah, I have. I’m hoping to see a lot more of me in the Philippines, you know…”

Natawa naman ang press nang magbiro si Nichkhun na baka raw sa susunod na pagbisita niya ay mag-release siya ng single dito sa Pilipinas.

“Maybe put out a single here, because of that song, ‘Don’t Touch My Birdie’! Maybe I’ll do something like that…”

Ang “Don’t Touch My Birdie” ay titulo ng novelty song ng Pinoy band na Parokya Ni Edgar, na na-release noong 1999.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narinig marahil ni Nichkhun ang kantang ito nang pumunta siya sa Payatas noong 2010.

Hindi naman nakasagot at napatawa na lang si Nichkhun nang i-suggest sa kanya ni Grace na dapat ay may matching dance step kapag pinerform niya ang “Don’t Touch My Birdie.”



THE FANS. Tumanggi namang ikumpara ni Nichkhun ang Filipino fans sa Thai fans.

Paliwanag niya, “I actually don’t really like to compare, you know, countries.

“Because I know that every country has its own different culture and traditions.

“But, I mean, Thailand and the Philippines, it’s really close.

“Too bad I haven’t really spent here a lot.

“But, I mean, the ladies here are pretty.

"And I heard there a lot of beautiful beaches here in the Philippines, so one day I will go…”

At gaya ng Thai fans, “welcoming” din daw ang Filipino fans.

“The first time I went here, everyone was so welcoming and they’re always smiling…” sabi niya.

Nanghihinayang lang si Nichkhun dahil, sa naunang dalawang pagbisita niya sa Pilipinas, ay hindi siya nabigyan ng pagkakataong makasalamuha ang fans niya rito sa Pilipinas.

Kaya excited daw siya sa pagbisita niya ngayon ay dahil mayroon siyang fan meet, kung saan makakasama niya ang kanyang mga tagahanga nang malapitan at mas matagal.

Gaganapin ang fan meet ni Nichkhun bukas, November 9, sa Ayala Trinoma (3 p.m.) at SM Mall of Asia (5 p.m.).



MULTILINGUAL. Ipinanganak si Nichkhun noong June 24, 1988, sa Rancho Cucamonga, California.

Lumaki siya sa Thailand, at nag-aral sa New Zealand (Wanganui Collegiate School) at Amerika (Los Osos High School).

Noong 2006 ay naispatan siya ng Korean talent agency na JYP Entertainment sa isang Korean music festival sa Los Angeles.

Dinala siya sa South Korea para maging trainee, kasama ang 24 iba pang estudyante.

Noong 2008 ay ini-launch siya bilang miyembro ng grupong 2PM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbabalik-tanaw ni Nichkhun, “When I was casted in L.A…. I was actually really bad in everything.

“Because it was never my dream to become any type of entertainer… I was really a shy boy.”

Ang pangarap daw niya noon ay maging isang chef o interior designer.

Pero ngayon daw ay nae-enjoy na niya ang lahat ng ginagawa niya—dancing, singing, acting, at modelling.

Fluent sa pagsasalita ng English, Thai, at Korean si Nichkhun.

Pero kuwento niya, “You know, actually, before I went to Korea, I was more comfortable with speaking English.

“And my Thai was getting a little bit rusty.

“But now that I am in Korea, my Korean has become better, but I can’t speak, like, in a business level.

“And then, my English is turning weird. My Thai is also turning weird!

“So, I can’t speak one language properly.

“A lot of people say I speak Korean English.”

Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan daw niya ang Japanese at Chinese.

Sikat din kasi ang grupong 2PM sa Japan, kung saan nakapag-release na sila ng tatlong studio albums.

Sa China naman ay katatapos lang niyang mag-shoot ng isang drama series, ang One And A Half Summer. Ilang bahagi nito ay kinunan din sa Greece.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN