Kylie Padilla admits more mature relationship with boyfriend Aljur Abrenica; gears up for first starring role in Adarna

Kylie Padilla’s message to boyfriend Aljur Abrenica, who happily fulfilled yet another wish with his recently-concluded solo concert at the Music Museum: “Masaya ‘ko para sa ‘yo at nagawa mo ang pangarap mo na kumanta. Alam ko na malayo pa ang mararating mo, hindi lang ‘to. Mas gagaling ka pa. Mas marami ka pang mai-inspire na tao at isa ’ko ro’n. Sana, nandoon ako sa mga susunod.”


Pagkatapos makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur Abrenica sa naging solo concert nito sa Music Museum na Come & Get Me noong Huwebes, November 7, nakausap din namin ang girlfriend nitong si Kylie Padilla na posibleng hinihintay si Aljur para makapag-celebrate sila matapos ang matagumpay nitong concert.

Hindi itinago ni Kylie ang naramdamang kaligayahan para kay Aljur sa ipinakita nito sa concert.

“Naiiyak nga ako, ayokong ipakita. Sasabihin naman, ’Bakit umiiyak si Kylie?’

“Masaya lang!” natatawa niyang sabi bilang pagpuri kay Aljur.

Saang parte ng concert ni Aljur naramdaman ni Kylie na parang maiiyak siya?

“Noong pinakita na nanalo siya, tapos, yung journey niya [sa showbiz] for seven years. Nakakatuwa, sobra,” nakangiti niyang sabi.

Si Aljur ang nanalo bilang Ultimate Hunk sa fourth season ng StarStruck noong 2006.

Inamin ni Kylie na naiyak siya sa tuwa dahil nararamdaman niya kasi na unti-unti nang natutupad ni Aljur ang kanyang mga pangarap.

Dagdag pa ng dalaga, “Oo, at saka, deserve naman talaga niya.”

Si Aljur din naman, nagpahayag na natutuwa rin ito para kay Kylie ngayong siya na ang magbibida sa bago niyang primetime series na Adarna sa GMA-7.

Pangarap nga raw nilang dalawa ang mga nangyayari sa career nila ngayon na sabay nilang natutupad.

“Masaya kaming dalawa talaga,” ang nasambit na lang niya.

BREAKUP RUMORS. Yung pagdating at suporta ba niya kay Aljur sa concert ay nangangahulugang walang katotohanan ang mga balitang break na sila o nagkakalabuan?

“Hindi po totoo,” mabilis niyang tanggi.

Pero, bakit nagkaroon ng gano’ng isyu na nagkalabuan o nag-break na nga sila?

“Hindi ko rin po alam kung kailan nga na okay kami talaga, saka naman doon lumabas yung mga ganoong tsismis. I don’t know,” pag-amin niya.

Paano nila hinarap yung isyu na yun?

Paliwanag ni Kylie, “Ako ang unang tumawag, nagti-taping yata siya noon. Tapos, mineyk-sure ko muna; kung kanino ba nanggaling, kung kilala niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi naman niya, wala naman siyang alam. So, sabi na lang namin, sige, huwag na lang nating pansinin kasi, hindi naman totoo.”

Hindi nakaka-apekto sa kanila ang mga ganoong intriga?

“Hindi na, hindi na. Dati pa siguro,” pag-amin niya.

MORE MATURE RELATIONSHIP. Kung dati’y naaapektuhan sila kapag may mga isyu, ngayon pala ay puwedeng sabihin na nag-mature na rin ang relasyon nila?

Sambit ni Kylie, “Kailangan, kailangan kung gusto naming mag-advance talaga.”

Kasama ba sa pagma-mature na yun ang kakayahan ni Kylie na panoorin sa stage si Aljur kasama ang dating loveteam partner nitong si Kris Bernal? Hindi ka ya siya nagseselos habang pinapanood sila?

“Actually, gusto ko ngang umalis kanina,” natatawang sabi niya.

“Kasi, feeling ko, baka mailang sila. Dapat moment lang nila.

“Kaso, naisip ko, kung aalis ako, baka naman isipin ng tao, ’Ay, nag-walkout,’ o ’Ay, nagselos.’ Kumbaga, respeto lang sana sa kanila.”

Kapag napapanood niyang sweet at nagpapakilig sina Aljur at Kris sa kanilang mga fans, wala siyang nararamdamang selos?

“Hindi, actually, kinilig nga ako sa video clip ng Prinsesa ng Buhay Ko, yun,” nakangiting sabi niya.

May mensahe ba siya kay Aljur?

Sabi naman niya, “Masaya ko para sa ‘yo at nagawa mo ang pangarap mo na kumanta. Alam ko na malayo pa ang mararating mo, hindi lang ‘to.

“Mas gagaling ka pa. Mas marami ka pang mai-inspire na tao at isa ’ko ro’n. Sana, nandoon ako sa mga susunod.”

ADARNA LEADING MEN. Sa parte naman ni Kylie, tatlo ang bago niyang leading men ngayon sa Adarna—sina Mikael Daez, Benjamin Alvez at Geoff Eigenmann.

Nakasama na niya si Benjamin dati at si Mikael naman, pareho silang mina-manage ni Betchay Vidanes. Si Geoff ang bago niyang makakapareha.

Kumusta naman sila ni Geoff?

“Nag-taping na kami, dalawang araw pa lang yata. Okay naman, nangangapa pa rin,” kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May wall pa rin ba o hiyaan sa pagitan nila?

“Actually, nakasama ko na siya sa gym, so, wala na masyado yung wall. Pero siyempre, para maging kumportable ka sa isang loveteam, kailangan matagal.

“Para sa akin, matagal talaga. Kailangan mong makilala at ma-build yung trust.

“Nandoon pa lang kami,” dagdag pa niya.

FEELING THE PRESSURE. Ipinapakita na sa telebisyon ang teaser ng Adarna.

Ano ang mas nararamdaman niya ngayong malapit na ngang mag-pilot sa GMA-7 ang kanyang pinagbibidahan serye? Pressure ba o excitement?

“Ayokong sabihin, pero, napi-pressure ako,” natatawang pag-amin niya.

“Kasi, first primetime. Ang tagal ko rin pinangarap. Pero, alam ko kasi na mahirap ang labanan. Kailangan mo talagang galingan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN