Julia Barretto refutes report Daniel Padilla visited her on Mirabella set: “Hindi totoo yun kasi wala akong taping nung taping day na yun.”

Julia Barretto says she wasn’t the reason why Daniel Padilla visited Mirabella during one of their taping days: “Hindi totoo yun kasi wala akong taping nung taping day na yun ng Mirabella. Second unit ang nandun. Ang binisita niya dun, yung EP [executive producer] na si Ate Karisa, wala ako dun. There’s nothing to worry about. I’m a KathNiel fan!”


Agad binigyan-linaw ni Julia Barretto ang bali-balitang dinalaw siya ni Daniel Padilla kamakailan lang sa set ng Mirabella, ang seryeng pinagbibidahan ng young actress.

Pumunta nga raw si Daniel duon, pero hindi raw siya ang dinalaw ng aktor.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Julia sa nakaraang Jollibee Choice Ko Yum Awards 2013 sa Music Museum last Wednesday, November 6, kung saan host at isa sa mga awardees ang batang aktres.

Sa nasabing interview ay siniguro ni Julia na walang dapat ipag-alala ang KathNiel fans sa kanya dahil fan din siya ng nasabing tambalan nina Daniel at Kathryn Bernardo.

Paliwanag ni Julia, “Hindi totoo yun kasi wala akong taping nung taping day na yun ng Mirabella. Second unit ang nandun. Ang binisita niya dun, yung EP [executive producer] na si Ate Karisa, wala ako dun.

“There’s nothing to worry about. I’m a KathNiel fan!”

Para kay Julia, bilang isang artista ay sanay na siya na madalas nali-link kung kani-kaninong kapwa artista. Hindi raw ito dapat palakihin pa.

“Ganun naman talaga sa showbiz, maraming guys ang mali-link sa akin pero di ba, di na kailangang gawin pa na isyu yun,” saad niya.

Agad na tinanong namin si Julia kung bukas siya saka-sakaling sila naman ang ipareha ni Daniel sa isang proyekto ng ABS-CBN.

Mabilis niyang sagot, “I’m open to working with anyone. I really want to work with a lot of actors.

“For me kasi kung ano na lang opportunity ang dumating in the future. I love my job, I love my work.”

BASHED BY KATHNIEL FANS? Sa isyung lumabas na dinalaw siya diumano ni Daniel sa Mirabella, katakut-takot na pamba-bash ang balitang natanggap ni Julia mula sa KathNiel fans.

Ayon kay Julia ay hindi naman daw ito nakaapekto sa kanya at kahit sa kanyang ina na si Marjorie Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro normal naman ang ma-bash pero di ko binibigyang atensyon ang mga bashers," sabi ng pinakabagong Barretto child na pumasok sa showbiz.

“Ang binibigyang atensyon ko ay ang mga fans na sumusuporta sa akin, sa mga nagpapasaya sa akin. Sa tingin ko sila ang dapat bigyan ko ng oras.

“It’s normal naman na may nagba-bash, so my mom understands. Not naman masyado, what I think of the most is my work, yung fans ko.”

Hiningan din ng PEP ng reaksyon si Julia sa balitang si Enrique Gil daw ang totoong nanliligaw sa kanya.

Diin niya, “Hindi totoo. Hindi, walang ganun. Hindi ko alam.”

Nang dumako ang usapan sa patuloy na paglala ng away sa pagitan ng mga Barretto, gaya nang dati ay iwas pa ring magbigay ng komento si Julia.

“Hindi ko nga alam ‘yan. Talaga? I don’t know, pero I don’t wanna comment about that. I’m not in the position to comment about that.

“Ayokong madamay diyan. I rather talk about the good things happening to me now,” pahayag ng dalaga.

MIRABELLA AIRING NEXT YEAR? Inakala ng marami na ngayong 2013 ilu-launch si Julia sa seryeng Mirabella, pero sa di malinaw na dahilan ay balitang sa susunod na taon na ang airing nito.

Hindi kaya naiinip ang batang aktres sa pagkaantala ng kanyang launching project sa Kapamilya network?

Sagot ni Julia, “Nagte-taping na po kami tapos marami na kaming nakunang eksena. Maganda yung istorya, sana abangan siya ng mga manonood natin.

“Siguro, kung may makakasagot niyan, siguro yung management na lang, kasi sila naman ang nagdedesisyon.

"Pero exciting siya, I think it makes it more exciting. Hindi naman [ako naiinip] kasi better to be launched na you are prepared than mabilisan, tapos pinilit lang.

"I think it’s just right timing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN