Ariella Arida is third runner-up in Miss Universe 2013; Miss Venezuela wins crown

"For the people who have lack of jobs, I do believe that we people should invest in education—and that is my primary advocacy—because if every one of us is educated, and we’re well aware of what we are doing, we could land into jobs and could land good careers in the future. So, education is a primary source and it is a ticket for a better future." —Ariella Arida.


Ang kandidata ng Pilipinas na si Ariella Arida ang third runner-up sa katatapos lamang na Miss Universe 2013 pageant.

Si Miss Venezuela, Maria Gabriela Isler, ang itinanghal na Miss Universe 2013.

Si Maria Gabriela ang ika-pitong kandidata mula sa Venezuela na nanalong Miss Universe.

First runner-up naman ang kandidata ng Spain na si Patricia Rodríguez; second runner-up si Miss Ecuador, Constanza Báez; at fourth runner-up si Miss Brazil, Jakelyne Oliveira.

Sa Crocus City Hall sa Moscow, Russia, ginanap ang pageant. Ipinalabas ito nang live sa ilang cable channels sa Pilipinas ngayong madaling-araw, November 10.

Dahil sa fourth-place finish ni Ariella ay ipinagpatuloy niya ang magandang rekord ng Pilipinas sa Miss Universe.

Ang 24-year old Chemistry graduate ang ika-apat na Pinay na nakapasok sa Top 5 ng Miss Universe mula pa noong 2010.

Si Venus Raj ay naging 4th runner-up noong 2010.

Third runner-up din ni Shamcey Supsup noong 2011.

First runner-up naman si Janine Tugonon noong 2012.



ROAD TO THE CROWN. Si Ariella ang huling tinawag sa Top 16. Siya ang nakakuha ng pinakamaraming social media votes, bukod pa sa mataas na scores nito sa preliminary competitions.

Nakapasok din sa Top 16 sina Miss Costa Rica Fabiana Granados, Miss Ukraine Olga Storozhenko, Miss China Jin Ye, Miss Great Britain Amy Willerton, Miss Indonesia Whulandary Herman...

Miss Dominican Republic Yaritza Reyes, Miss Puerto Rico Monic Perez, Miss USA Erin Brady, Miss Nicaragua Nastassja Bolivar, Miss Switzerland Dominique Rinderknecht, at Miss India Manasi Moghe.

Rumampa ang Top 16 semifinalists habang suot ang kani-kanilang swimsuits. Sa background ay nag-perform ang bandang Panic! At The Disco.

Pagkatapos nito ay pinili na ang Top 10, base sa scores nila sa swimsuit competition.

Ang mga nakapasok sa Top 10 ay sina Miss Spain, Miss Philippines, Miss Great Britain, Miss India, Miss Brazil, Miss USA, Miss Ukraine, Miss Ecuador, Miss Venezuela, at Miss Dominican Republic.

Sa kanyang VTR, ipinagmalaki ni Ariella ang “Filipino spirit” at “warm Filipino welcome” na siyang pinakamagandang katangian ng bansa, bukod pa sa magagandang beaches at tourist spots.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa evening-gown segment, nag-perform ang Russian singer na si Emin habang rumarampa ang Top 10 finalists.

Suot ni Ariella ang isang matingkad na yellow mermaid gown.

Ayon sa commentator na si Jeannie Mai, akmang-akma ang kulay ng gown kay Ariella dahil ang yellow ay “color of celebration and joy, which really represents her country.”

Pagkatapos nito ay pinili na ng mga hurado ang Top 5.

Nakapasok sa listahan ang mga kandidata ng Ecuador, Brazil, Spain, Philippines, at Venezuela.

Agad na sumunod ang question-and-answer portion.

Ang Olympic medalist na si Tara Lipinski ang nagtanong kay Ariella: "What can be done about the lack of jobs for young people starting their careers around the world?"

Una munang bumati si Ariella sa wikang Russian, at saka sinagot ang tanong:

"For the people who have lack of jobs, I do believe that we people should invest in education—and that is my primary advocacy—because if every one of us is educated, and we’re well aware of what we are doing, we could land into jobs and could land good careers in the future. So, education is a primary source and it is a ticket for a better future."

Sa muling pagrampa ng Top 5 contestants, inilarawan ni Jeannie Mai na “perfect candidate” si Ariella.

Saktong-sakto raw ang sagot nito tungkol sa education dahil naging valedictorian siya ng kanyang klase noong high school.



NETIZENS’ REACTION. Karamihan sa Pinoy netizens na tumutok sa live telecast ng Miss Universe ay nagsabing “anti-climactic” at “nakakabigla” ang naging resulta ng pageant.

Angat na angat umano si Ariella sa kumpetisyon.

Una, siya lamang ang Asian na nakapasok sa Top 5.

Ikalawa, siya lamang ang hindi gumamit ng interpreter sa Q&A portion, at naitawid pa ni Ariella ang kanyang sagot nang walang palya.

Ngunit, sa huli, ay naging pang-apat lamang siya sa kumpetisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging si Ariella ay tila nagulat din nang tawagin siya sa third runner-up position.

Anu’t anuman, napatunayan ni Ariella sa buong mundo na ang ganda ng Pilipina ay tunay na world class.

THE PAGEANT. Nagbukas ang programa ng Miss Universe 2013 sa pagpapakilala ng mga kandidata, sa saliw ng club anthem na “Clarity” ng sikat na DJ na si Zedd at singer na si Foxes.

Ang dating Spice Girls member na si Mel B at TV presenter na si Thomas Robert ang nagsilbing main hosts ng programa. Commentator naman ang isa ring TV presenter na si Jeannie Mai.

Dedicated para sa bansang Pilipinas at Vietnam ang pageant ngayong gabi dahil sa sinapit ng dalawang bansa sa paghagupit ng bagyong Yolanda—o mas kilala sa international name nitong Typhoon Haiyan.

Nagsilbing judges ng kumpetisyon sina Carol Alt, American model-actress at host ng A Healthy You & Carol Alt ng FOX News;

Marc Bouwer, isang New York-based South African fashion designer; Italo Fontana, isang Italian watchmaker at founder ng U-Boat Watches;

Tara Lipinski, isang retired American figure skater na dating nagwagi ng Olympic gold medal; Chef Nobu Matsuhisa, isang Japanese celebrity chef at restaurateur...

Farouk Shami, isang Palestinian-American businessman at founder ng professional hair care products company na Farouk Systems; Anne Vyalitsyna, isang Russian model at coach sa modeling reality show na The Face;

At si Steven Tyler, lead vocalist ng rock band na Aerosmith at dating judge ng programang American Idol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN