Gabby Concepcion on daughter KC’s rumored suitor Paulo Avelino: “Ang bait na bata no’n.”

Gabby Concepcion says daughter KC has mentioned rumored suitor Paulo Avelino to him: “Oo, nabanggit niya." As for Paulo, Gabby says, "Binati pa nga ako sa birthday ko. Ang bait na bata no’n. Wala lang, ka-text lang ni KC or kausap, hindi ko alam. Basta binati niya lang ako. Yun lang. Hindi ko alam, wala akong alam, honest.”


Buong pagmamalaking inamin ni Gabby Concepcion na 50 anyos na siya.

Bagamat may ilang mga artistang sumailalim na sa stem cell therapy para magmukhang bata, inamin ni Gabby na may takot pa raw siyang gawin ang naturang medical treatment.

Sabi nga ni Gabby nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Porta) at iba pang entertainment press sa presscon ng bago niyang pelikula sa Viva Films, ang When Love Is Gone, sa City Best Restaurant, T. Morato Ave., Quezon City noong November 6:

“Ayoko pa, natatakot pa ko dahil hindi ko alam kung ano ang effect. Siguro kung ngayon mo uumpisahan, baka okay.

“Pero, baka may side effect, di ba? Pero, akin lang yun, baka wala naman.”

Kung 50 years old si Gabby, ang mga nagiging leading ladies naman niya ay tila pabata nang pabata.

Anong pakiramdam niya ro’n?

“Wala, wala sa akin yung numero. Ang importante, yung feelings. As long as nandoon ang feelings.”

Pakiramdam ba niya, 18-anyos lang siya?

“Naku, e, mas bata pa yata,” natatawang sagot ng dating matinee idol.

Dahil sa sinabi niya, biniro namin si Gabby na baka ang pakiramdam niya, para siyang si Freddie Aguilar, ang 60 anyos na Pinoy Rock legend na nasakangkot kamakailan sa kontrobersya dahil sa pagkakaroon nito ng 16 anyos na girlfriend.

Sabi niya, “Wow, nabalitaan ko yun, a! Pero, hindi ko alam ang nangyari ro’n. Wala naman tayo ro’n.”

Yung menor de edad, kaya niya ba?

“Wow! Wow lang,” nakangiting sabi niya.

IN PRAISE OF CRISTINE REYES. Sa pelikula nilang When Love Is Gone, si Cristine Reyes ang leading lady niya.

Kumusta naman ito?

“Nakakatawa at saka full of energy. Palaging masaya sa set. Kaya noong last day namin, okay, all-out. Never a dull moment.”

Dugtong pa niya, “Magaling siya, para siyang si Vilma Santos. Marami siyang katangian na nakikita ko—yung galing niyang umarte ha, parang nakikita ko sa mga nakasama ko na. Malawak yung kanyang range.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sexy rin?

“Oo, yun pa,” nakangiting sabi niya.

NOTHING TO COMPLAIN ABOUT.” Nagpapasalamat naman si Gabby na hanggang ngayon ay nakakarinig pa siya ng paghanga mula sa iba’t ibang tao, at minsan nga’y mayroon pa ring nagpapakita ng pagnanasa sa kanya.

Mapagkumbaba niyang pag-amin, “Salamat, salamat. Di ba, noong dumating ako, I have nothing to complain about and everything to be thankful for?

“Totoo yun hanggang ngayon. Kahit na anong mangyari sa buhay ko o trahedya o merong hindi magandang nangyari, pagkatapos nang dumating ako, wala pa rin, e.

“Parang nothing to complain about and everything to be thankful for. Na-accept ko na ang buhay, kung ano ang sa ‘yo, sa ‘yo.

“Kung mangyayari ‘to, mangyayari ‘to. There’s a reason. Ibig sabihin, kahit anong mangyari sa akin, I have nothing to complain about.”

LUIS MANZANO. Noong gabi naman ng November 5— birthday ni Gabby—magka-bonding daw sila ng panganay na anak na si KC Concepcion, ang anak ni Gabby kay Sharon Cuneta.

Anong mga napag-usapan nila noon?

“A wala, binibiro ko lang,” nakangiting sabi niya.

“Nakita ko sila ni Luis Manzano sa TV. E, si Luis, kahihiwalay lang. Sabi ko, o, baka kayo na? Sabi niya, ’No, we’re just friends’.

“Sabi ko, ’Okay lang, kaibigan ko si Ate Vi.’”

Parang ang dating tuloy, boto siya kay Luis para kay KC?

“Mabait naman si Luis. Inaanak ko pa ang kapatid niya.”



ON KC’S RUMORED SUITOR PAULO AVELINO. Naitanong na rin ng PEP kay Gabby ang tungkol sa umaming nakaka-date ni KC ngayon na Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

Nabanggit na ba si Paulo ni KC?

Ayon kay Gabby, “Oo, nabanggit niya."

Tungkol naman kay Paulo, sabi nito, "Binati pa nga ako sa birthday ko. Ang bait na bata no’n.”

Paano siya binati?

“Wala lang, ka-text lang ni KC or kausap, hindi ko alam. Basta binati niya lang ako. Yun lang. Hindi ko alam, wala akong alam, honest,” sabi pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano niya kakilala si Paulo?

Paglilinaw ng ama ni KC, “Hindi ko naman siya kakilala talaga, siyempre, kilala ko siya dahil nagpe-pelikula rin siya. Pero, wala naman kaming bonding na katulad ng pagsasama namin nila Jake [Cuenca], Gerald [Anderson].”

Nagkakilala na sila personally?

“Oo, but not outside showbiz,” dagdag niya.

Puwedeng sabihing, sa ngayon, si Paulo ang naikukuwento sa kanya ni KC sa mga lalaking nali-link dito? Naugnay rin kasi ang pangalan ni KC sa NBA basketball player na si Chandler Parsons.

“Alam niyo, maraming ano, e, haka-haka, chismis, pero hindi ko tinatanong. Ako rin, parang kumakapa rin.

“Kapag tinatanong ko, ’We’re just friends.’

“Lahat ng relasyon niya, wala naman siyang inaamin sa akin. Although, may inaamin siya kapag heartbroken na.

“Nilalapitan na niya ko. Medyo lumalabas na kami. Niyayaya na niya akong magpunta ng beach. E, di okay, that’s good bonding,” nakangiting sabi naman ni Gabby.

LOVE ADVICE FOR KC. Hindi siya nagagalit o sumasama ang loob sa lalaking nakakasakit ng puso ng anak?

“Hindi, relasyon niya yun, e. Wala akong pakialam dun. Kahit anong desisyon niya, I’m here to back her up, support her. It’s her decision. It’s her heart.”

Nagbibigay siya ng advice kay KC pag dating sa pag-ibig?

“All the time,” saad niya.

“Whether direct or indirect, palaging may laman yun.”

Ano ang madalas na naipapayo niya kay KC pagdating sa relasyon?

“The usual na ano, kailangan isipin mo rin, kilalanin mo muna yung tao. Pero, siyempre, hindi mo naman alam kung ano ang nararamdaman nila. Kung kailan mangyayari yun. So, just be careful.”

Hindi raw isyu kay Gabby ang pagiging binatang ama ni Paulo.

Sabi nga niya, “Wala naman akong issue ro’n, basta ang importante minamahal niya ang anak ko. Nagmamahalan sila.”

Kung siya ang masusunod, anong klaseng lalaki sana ang gusto niya para sa anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman akong ano, wala naman akong preference. Kasi, lumaki rin naman ako na ganun, na kahit na sino, okay lang. Basta’t nagmamahalan kayo.”

Open ba kay Gabby ang mga anak niyang babae?

“Hindi, si Garrie [Concepcion], masikreto. Pero, madalas naman, wala. Wala talaga.”

SISTER ACT. Kung tutuusin, si KC ay gumagawa ng paraan para maka-bond ang mga kapatid sa ama, na sina Garrie Concepcion at Cloie Sequia-Skarne.

Gayundin si KC sa dalawang nakababatang kapatid nitong sina Savannah at Samantha Alexis.

“That’s very good na traits niya yun as an ate and as a person. Ako, I’ve always dreamt na, one day, maging close nga silang lahat.

“One effort na ginawa ko, which, I think, nakatulong... Miski naman lahat tayo, when it comes to picture, doon lang natin talaga malalaman kung saan tayo nanggaling, sino mga nakasama natin.

“And because of pictures, nagkaroon tayo ng bonding doon sa mga taong nakasama natin dahil napagkukuwentuhan, napag-uusapan. And somehow, kung psychological yun or what, merong effect yun.

“So, ako, I made it a point na kunan sila ng pictures na magkakasama sila. So, paglaki nila, hopefully, may mangyari.

“Hopefully, mapag-usapan nila. Hopefully, magkaroon sila ng bonding because they will never know na nagkasama sila, without pictures.

“Kung istorya-istorya lang, madali ang istorya, pero wala ang visuals.”

HOPING TO BOND WITH CHLOE. Sa mga anak ni Gabby, kahit ilang beses nang nakauwi ng Pilipinas si Cloie, tila bukod-tanging ang anak niyang ito kay Jenny Syquia ang hindi pa niya nakakasama talaga?

“Wala pa,” saad niya.

“But I’m just waiting for the right time. Just like si KC, si Garie and si Chloe, everybody has their time. Sa lahat ng bagay, palagay ko, timing lang talaga. At yun ang hinihintay ko.”

Masasabing si Cloie na lang talaga ang kulang?

“Si Cloie na lang talaga and, I know, it will happen. Timing lang talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong din ni Gabby, “Balita ko, hawak din siya ng Viva. Pero, hindi pa kami nag-uusap. Nag-usap kami ni Boss Vic [del Rosario] na sana magkita kami, so timing lang din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN