Enzo Pineda on biggest lesson learned since cool-off with Louise delos Reyes: “Know your priorities in life first.”

Enzo Pineda on some of the greatest lessons he learned since his cool-off with Louise delos Reyes: “...unang–una, know your priorities in life first. May tendency kasi minsan, pag nasosobrahan sa mga ibang bagay or sobrang saya, nawawala ka sa focus. You always have to, like, be grounded and stay humble and alamin mo talaga kung ano yung mga responsibilities mo. Kasi, para sa akin nung time na yun, na-realize ko I just don’t wanna waste my time anymore here


Sa taping ng Dormitoryo nitong nakaraang Huwebes, November 7, sa Tagaytay City, ipinakita sa amin ni Enzo Pineda ang larawan niya sa kanyang cellphone na kinunan kamakailan para sa holiday pictorial niya para sa isang clothing line.

Ang nakakagulat, naturingang holiday pictorial ito pero naka-skimpy trunks si Enzo sa larawang ipinakita niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Proud na proud e, ’no?” pagbibirong sabi ni Enzo habang ipinapakita sa amin ang kayang sexy photo. “I have one in briefs, I have one in apparel also.”

At sa larawan rin, isang malaking wrecking ball ang hawak ni Enzo, kaya biniro namin siyang siya pala ang lalaking Miley Cyrus.

Kalalabas lang ng bagong music video ni Miley para sa kanyang awiting "Wrecking Ball," kunsaan umani na naman ng kontrobersya ang mang-aawit dahil walang-takot siyang naghubad at nagpakita ng kaseksihan sakay ang isang wrecking ball.

“Hindi naman,” ang natatawang sagot ni Enzo.

Base sa ipinakita niyang larawan, tiyak na mas daring pa ang gagawin niyang pictorial para sa summer campaign naman ng naturang brand.

“Nakita ko na yung peg, e. It’s simple pero sexy siya.

Napayatan daw siya sa sarili niya sa holiday campaign pictorial.

“So, honestly, I really want to bulk up, to gain more muscle.

“Alam mo yung parang mga international models, sila David Gandy, yung parang medyo, or yung kay JLo, yung Antonio Sabato, yung sa kanta niyang “I’m Into You,” iyon.

“So hindi masyadong ma-abs pero parang yung Hercules-type na body, na not too big naman.”

DIET AND WORKOUT REGIMEN. Ipinakuwento namin kay Enzo ang kanyang diet and workout regimen.

“Sinabihan kasi ako a week before [the pictorial]. So, simula Sunday ’til Wednesday, nag-everyday workout ako. Two to three hours. Minsan pag gabi pag may oras ako magdyi-gym ulit ako, tatakbo ako.

“Tapos, ayun, since may taping [for Dormitoryo], rest day, tapos Friday to Tuesday magdyi-gym ulit ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually hindi naman ako nagbabawas ng pagkain, yung pagkain ko ngayon, it’s healthy but I need to eat a lot kasi gusto kong mag-gain ng weight.

“Tapos naka-plan ’yan, from Monday to Thursday, medium carbs na intake, tapos high protein.

“Simula Friday to Sunday low carbs, Tuesday to Wednesday wala na akong carbs, protein na lang. So naka-prepare lahat yung gagawin ko for the week,” detalye niyang kuwento.

Hindi siya rumampa sa nakaraang Cosmo Bachelors Bash ng Cosmopolitan Philippines, isa sa pinakamalaking magasin ng Summit Media.

“Siguro, I just wanted to show, like, something else. I mean more on acting ako this year. Pero nami-miss ko yung Cosmo, nanibago ako kasi two years straight ako nandun e, tapos this year hindi.

“Of course may halong, parang, ‘Sayang dapat nagpunta ako!’

“Pero siguro next year. I wanted to show something different naman, so ayun,” dagdag niya.

TACKLING GRAY CHARACTER. Speaking of acting, sa Dormitoryo ay medyo gray character ang role niya.

Paano niya namu-motivate ang sarili samantalang hindi siya ganoon sa tunay na buhay?

Bilang si Burn Chaves ay may pagka-bad boy at misteryoso ang papel ni Enzo sa weekly thiller ng GMA-7, na palabas tuwing Linggo ng hapon.

“Kasi sa workshop namin before, we had these mga tests so, honestly, nag-excel daw po ako sa pagiging masama.

"Even though kilala ninyo ako, ganito ang image ko, parang mabait, wholesome—pero there’s this side of me na, siguro, na dark side.

“So maybe that’s why they got me for Dormitoryo, na okay, mabait tingnan, pero minsan tinotopak. Alam mo yung ganun?

“So I like it, it’s kinda challenging kasi every week kasi, sila Direk Jun [Lana], si Direk Topel [Lee] gina-guide nila kami.

“Tapos, gusto ko siya dahil it’s not the usual character that I usually do na mabait.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang saya kasi minsan nagsi-shift bigla, pero may moments na alam mong hindi consistent yung character mo.

"You have to work extra hard on it kasi baka, alam mo yun, may tendency din, mahirap na pumalpak kasi palipat-lipat yung emotions, e.

“So nakakalito for an actor, so kailangan mag-prepare talaga,” pahayag ni Enzo.

Pag umuwi na siya, paano niya iniiwan sa set ang karakter niya? O meron siya talagang dark side?

Ayon kay Enzo, “Siguro, may hangganan din naman yung patience ko lagi, parang ganun.

"Siguro, lahat naman tayo. So, kailangan, siyempre sa totoong buhay kailangan mas mataas ang pasensya, iyon lang.”

Madali ba niyang nagagawa ito dahil masaya ang personal life niya?

“Masaya ako, pero it doesn’t work na kung malungkot ka, ganun.

“So, it’s all about the character, and yung challenge to it kasi medyo technical kasi yung character, at the same time it’s different, e.

“Parang, I feel that binigay sa akin ng GMA ito because it’s a risk na tingnan natin kung ano ang kaya ko. So, I’ve been getting good feedbacks from it naman na bagay yung character sa akin so happy ako dun.

“Parang, at least, yung challenge and yung fulfillment nandoon, hindi yung parang alam mong kaya ko na itong role na ito, so parang wala lang, relax lang ako so wala siyang fulfillment. Alam mo yun?

“At least itong role ko, may fulfillment, pag sinabing okay ako parang okay talaga ako, so happy ako doon,” pahayag pa rin ng Kapuso actor.

ON LOUISE DELOS REYES. Kinumusta rin naman namin kay Enzo ang tungkol sa relasyon nila ni Louise delos Reyes.

“Okay naman kami,” at tumawa si Enzo. “Okay na okay kami.

“As of now, happy ako, I mean kami. Wala kaming problema na iniisip ngayon. And I like it because I get to separate yung personal life ko from showbiz life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Compared to before, parang alam mo na pag bago pa, alam mo yung parang nagkakapaan kayo, yung schedule and stuff.

“So, at least ngayon, I have my own thing. I can do my own thing, siya ganun din.”

Dati ba ay hindi?

“Hindi naman pero parang kulang sa understanding yung isa’t isa to the point na parang... ’tsaka nawawala na kami sa direction namin bilang artist also na minsan parang puro ganun lang, hindi mo na naiisip yung mga responsibilities mo which is bad.

“Kasi para sa akin mas importante sa amin na ma-achieve muna lahat ang mga goals mo before you have a relationship or something like that. Because mas malaki yung fulfillment nun.

“Hindi mo kailangang mag-alala na ganyan-ganyan.

“At least now, there’s trust. Parang kuntento kayo sa isa’t isa, you don’t have to worry about anything. So, iyon.

"She has her own career, I have my own career so good kami dun,” pag-amin niya.

LESSONS LEARNED. Matapos ang cool-off nila ni Louise, ano ang biggest lesson na natutunan ni Enzo?

Kuwento niya, “Actually, madami, e. Pero siguro, unang–una, know your priorities in life first.

"May tendency kasi minsan, pag nasosobrahan sa mga ibang bagay or sobrang saya, nawawala ka sa focus.

“You always have to, like, be grounded and stay humble and alamin mo talaga kung ano yung mga responsibilities mo.

“Kasi, para sa akin nung time na yun, na-realize ko I just don’t wanna waste my time anymore here in showbiz.

“Sabi ko, it’s my fourth year, so I just wanna make a difference.

"Para, sooner or later, magre-renew na rin ng contract and stuf,f so gusto ko naman may significant akong ginawa.

“Not just the usual na every Sunday na sasayaw ako, even though I love dancing. But gusto ko, I want to be, like, somebody. Not just yung star lang na ayan paikut-ikot lang, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto kong makita nila na seryoso ako kasi, siyempre, may mga ibang perception din sa akin na parang I have an okay life, na I don’t have to worry about anything.

“So, on my part, it’s actually harder kasi hindi naman ako... I have to prove myself, kumbaga. It’s not about me, kailangan ko ng pera ganun, pero me as an artist na.

“Iyon na yung basehan dun, e. Kasi alam nila na okay naman yung buhay ko, e. So, kailangan nilang makita kung gusto ko ba talaga yung trabaho ko or seryoso ako dito.

“So, at least na-open up ko ’yan sa GMA and everything, so.

“May time na frustrated ako, umiyak pa nga ako, e. Ayoko kasi napupunta sa mga spot na ganun, na alam mo yung feeling mo, wala kang kuwenta, wala kang ginagawa.

“Ayoko talaga yung ganun, so at least now parang I’m always trying to push myself na to do better all the time.”

Exclusive contract artist ng GMA Network si Enzo.

”This is where I started, so gusto kong ibalik lahat ng efforts at pagmamahal nila sa akin at tiwala, sa GMA. So, that’s why I wanna do well, for GMA also,” pasasalamat niya sa kanyang home network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN