Jake Cuenca on why he hasn’t courted Cristine Reyes: “Bina-value ko rin naman ang pagkakaibigan ko kay Dennis.”

Jake Cuenca on why he hasn’t courted Cristine Reyes: “Sino ba ang hindi magkakagusto kay Cristine? Ang ganda niya. Pero, siguro, yung circumstances lang na best friend ko si Dennis [Trillo]. Bina-value ko rin naman ang pagkakaibigan ko kay Dennis. At saka every time na may boyfriend si Cristine, ako yung single. Every time na may girlfriend ako, si Cristine naman ang single.”


Sunud-sunod ang mga pelikulang ipinapalabas na pinagbibidahan ng Kapamilya actor na si Jake Cuenca nitong mga nakaraang buwan.

Sa mga pelikula niyang nakatakdang ipalabas ngayong taon, pinakahuli na raw ang When Love Is Gone, na ipapalabas na sa November 27.

Pero hindi pa man naipapalabas ang nasabing pelikulang pinagsasamahan nila nina Gabby Concepcion, Cristine Reyes, at Andi Eigenmann ay may panibagong pelikulang inaalok muli sa kanya ang Viva Films.

Ayon kay Jake, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press, sa press conference ng When Love Is Gone sa City Best Restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, noong November 6:

“May iniaalok na sa akin ang Viva na bago, pero I’m still thinking about it if I wanna do it.

“Gusto ko munang ibuhos ang atensiyon ko sa Maria Mercedes, na feeling ko naman, tama lang, kasi okay ang rating.

“Nagti-trend siya almost every day. Dapat lang naman na ibuhos ko muna ang atensiyon ko sa Maria Mercedes.”

HANDS-OFF ON CRISTINE REYES. Si Cristine Reyes ang kapareha ni Jake sa pelikulang When Love Is Gone.

Matagal na rin silang magkakilala at nagkakasama. Masasabi ba ni Jake na ni minsan ay hindi sila nagkaroon ng anumang relasyon?

Balik-tanong ni Jake, “Kami ni Cristine? No, magkaibigan lang kami. Nakailang teleserye kami, pero yun.”

Factor ba na ex-girlfriend ni Dennis Trillo si Cristine?

Pakli niya, “Isa yun, best friend kami ni Dennis. Pero, magkaibigan kami ni Cristine.”

Hindi niya nagustuhan kahit kailan si Cristine?

“Sino ba ang hindi magkakagusto kay Cristine? Ang ganda niya.

“Pero, siguro, yung circumstances lang na best friend ko si Dennis. Bina-value ko rin naman ang pagkakaibigan ko kay Dennis,” diin ni Jake.

Hindi pa ba nangyayari na ex-girlfriend ng kaibigan niya, pero niligawan niya o naging karelasyon niya?

“Well, papaano ba, I mean, matagal na siguro yun. Pero, bina-value ko pa rin ang pakikipag-kaibigan ko kay Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At saka every time na may boyfriend si Cristine, ako yung single. Every time na may girlfriend ako, si Cristine naman ang single,” natatawa niyang kuwento.

Pareho yata silang single ngayon.

“Ano na nga ba ang nangyayari?” natatawa niyang sagot.

“Pero, ano naman ako ngayon, tulad ng sinabi ko, I put my attention with Jessy.”

ON JESSY MENDIOLA. Sa isang banda, patuloy pa ring nagiging open si Jake sa panliligaw sa leading lady niyang si Jessy Mendiola.

Pero sinabi rin niya noon na “may the best man win,” dahil hindi lang siya ang naging open sa pagsasabing nanliligaw sa Kapamilya actress.

Kilala na rin si Sam Milby bilang isa pa sa masugid na manliligaw ni Jessy.

Muling pahayag ni Jake, “May the best man win. Kung sino ang makakapag-pasaya kay Jessy, that’s the best man. Of course, nakakapanghinayang man, yun naman ang importante.

“Ayoko nang nagpapasikat masyado, kasi hindi naman yun ang totoong pagkatao ng isang lalaki.

"So, kung ano lang ako, yun ang ipinapakita ko sa kanya and, hopefully, magustuhan niya.”

Kumusta sila ngayon ni Jessy?

“Okay kami, magkasama kami sa taping kagabi. Tapos, magkasama kami ulit bukas,” sabi niya.

LIFE IMITATES ART. Noong pinu-promote niya ang pelikulang Status: It’s Complicated, kapansin-pansing tila akma sa kanya ang titulo ng pelikula.

Pero, ngayong When Love Is Gone ang kanyang pelikula, parang pasok pa rin sa kanya ang title.

Natatawang sabi naman ni Jake, “Oo nga, e.

“Siguro, may dahilan kung bakit tinanggap ko ang mga movie na ito. Kasi nakaka-relate ako sa kanila, isa-isa. Pero hindi, hindi naman.

“Tinanggap ko ang mga pelikulang ito kasi talaga namang magkakaiba sila. Pangalawa, tinanggap ko rin siya kasi, nagustuhan ko ang piyesa, nagustuhan ko ang materyal.

“Tulad nga ng sinabi ko kanina, ine-exercise ko ang right kong maging versatile na artista, at yun na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang When Love Is Gone ay remake ng pelikulang Nagalit Ang Buwan Sa Haba ng Gabi, na dinirek ni Danny Zialcita noong 1983.

Sa pelikula, si Jake ang gumaganap sa dating gay character na ginampanan ni Eddie Garcia.

NOT AFRAID OF GAY STEREOTYPE. Dahil bading na naman ang role niya dito, hindi kaya siya nag-aalalang ma-stereotype siya sa ganitong mga role?

“Artista ’ko, e,” pagmamalaki niya.

“At saka sa akin, wala akong limitasyon. Siguro, kaya rin ako binibigyan ng maraming proyekto dahil wala akong limitasyon.

“So, ako, nagpapasalamat lang ako sa lahat ng movie outfits, like Regal, Viva, Star Cinema, at yung mga indie na kumukuha sa akin, at, siyempre, sa ABS-CBN na tuluy-tuloy ang pagbigay nila sa akin.

“But, I think, kung meron man akong sikreto, ito yung hindi ko nililimitahan ang sarili ko to anything.

"Kapag nabasa ko ang script at nagustuhan ko, at alam ko sa sarili ko na isasapuso ko ang role, gagawin ko.”

Pero ayon kay Jake, posibleng huling gay role muna niya ang mapapanood sa kanya sa When Love Is Gone.

“Siguro, ito muna yung last for the near future. Siguro, matagal na ulit bago ’ko makagawa.

"Nagawa ko sa Lihis, halos lahat na. Dito naman, ginawa kong contemporary na bading. Like every day na bading, yung mga nakikilala ko.

“This is a more contemporary way of being gay,” saad niya.

KNOWING WHEN TO GIVE UP ON LOVE. Sa huli, tinanong ng PEP si Jake kung paano niya iha-handle ang sitwasyon kapag dumating ang punto sa totoong buhay na “when the love is gone.”

“When the love is gone, kapag hindi niyo na kayang paglabanan ang isang relationship... kapag pagod na kayong parehas... kapag wala nang nakakapag-inspire sa ‘yo na paglabanan ang isang relationship—wala na yun.

“Kahit pilitin mo pang ayusin yun, wala na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangyari na sa kanya yun?

“Oo, nangyari na. Sinabi ko naman sa The Buzz, sakit ko ‘yan noong bata ako. One day, sobrang passionate ako. One day, sobrang in-love ako. Tapos, the next day, boom, wala na.”

Sa mga nagiging relasyon niya, tila siya ang palaging unang napapagod?

“Oo,” pag-amin naman ni Jake.

“Pero ano naman, parang recently, nandoon na ako sa receiving end niyan. Alam ko na ang feeling na, parang, ikaw naman yung, hindi naman napagsawaan, pero parang naiwan.

“Naramdaman ko na rin ‘yan, at tulad nang nasabi ko kanina, sa susunod na relationship ko, ayoko na rin yung, pag alam ko na hindi gagana, hindi ko na rin itutuloy.

“Kung papasok ako sa isang relationship, it has to be na alam mong siya talaga yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN