Pope Francis, Rihanna, other celebs urge followers on Twitter to pray for the Philippines after killer typhoon

International figures of influence in and out of the country, including—(L-R) Pope Francis, Ariella Arida, and Rihanna; plus (not in photo) Nonito Donaire and Anne Curtis—urge help for victims of typhoon Yolanda. Yolanda’s international name is Haiyan.


Sa patuloy na pagsisikap ng Pilipinas na bumangon mula sa trahedyang idinulot ng super typhoon Yolanda noong November 8, patuloy din ang pagbuhos ng suporta mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Kabilang na sa mga nagpaabot ng kanilang simpatya at humimok sa iba upang ipagdasal ang Pilipinas—sa pamamagitan ng kanilang Twitter accounts—ay mga kilalang personalidad sa loob at labas ng bansa.

Kasama rito sina Pope Francis at Rihanna.

Ilang oras bago ang laban ni Nonito Donaire ngayong November 10, Linggo, nag-alay siya ng dasal para sa kanyang mga kababayang nasalanta ng bagyo.

Inialay naman ni Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida ngayong madaling araw, November 10, Linggo, sa mga kapwa Pilipino ang kanyang tagumpay sa katatapos lamang na international beauty pageant.

Ang masugid tumulong sa tuwing may bagyo at baha na si Anne Curtis ay hinalughog ang kanyang closet para makapag-organisa ng garage sale, kung saan ang malilikom na salapi ay idu-donate sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

RIHANNA AND POPE FRANCIS. Nakaka-touch naman ang mensaheng ipinost ni Rihanna noong November 9, Sabado, sa kanyang Twitter account na @rihanna.

Sabi ng music icon, "Navy please keep the people of The Philippines in your prayers!!! I was just there and this truly breaks my heart!!!"

"Navy" ang tawag sa Twitter fans ng international singer na umaabot ng higit sa 32 million.

Matatandaang nag-perform sa bansa si Rihanna noong September 19 para sa kanyang Diamonds World Tour Concert.

Muli ay nagpaabot ng kanyang pakikiramay si Pope Francis sa mga Pilipino nang mag-post siya ng mensahe sa kanyang Twitter account na @Pontifex: "I ask all of you to join me in prayer for the victims of Typhoon Haiyan / Yolanda especially those in the beloved islands of the Philippines."

Matatandaang noong October 20, pagkatapos ng Angelus ay hinimok ng Papa ang congregation sa Vatican City, na tinatayang 100,000 ang bilang, na ipagdasal ang Pilipinas pagkatapos ng 7.2 earthquake na yumanig sa Central Visayas noong October 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinahayag noon ng Papa ang kanyang "closeness to the people of the Philippines affected by a strong earthquake, and I invite you to pray for that dear nation, which has recently undergone several disasters."



PHILIPPINE PRIDE. Ilang oras bago ang laban ni Nonito Donaire sa Armenian boxer na si Vic Darchinyan sa Texas, USA, nag-tweet ang pambato ng Pilipinas at sinabing ang kanyang laban ay iniaalay niya sa mga kababayan.

Ani Donaire sa kanyang account na @filipinoflash, "Dedicating my fight to uplift the Filipinos spirits. Our indomitable spirit has been recognized WORLDWIDE, even by CNN. Keep faith, HE will not abandon us in our time of need. Continued prayers for the Earthquake and Typhoon victims."

Pinaglabanan nina Donaire at Darchinyan ang WBO Super Featherweight title.

Gaya nang nabanggit, inihahandog ni Ariella Arida, na nagwagi ng fourth place sa Miss Universe 2013 contest, ang kanyang tagumpay sa kanyang mga kababayan.

Ilang oras pagkatapos ng Miss Universe pageant sa Moscow, Russia, nag-tweet si Ariella (‏@araarida): "To all my kababayans, thank you to all your support!! Thank you to my BPCI family and to Madam Stella! This is all #ForThePhilippines"

Kahit noong pagkatapos ng bagyo ay nagbigay din ng words of encouragement si Ariella via Twitter. Aniya, "Filipino spirit is stronger than any typhoon! Stay safe everyone #prayforthePhilippines."

Sunud-sunod naman ang tweets ni Anne Curtis sa kanyang Twitter account na @annecurtissmith, upang ma-update ang kanyang higit na limang milyong followers sa inorganisa niyang garage sale sa Market Market, Taguig City.

Overnight lang ang naging preparasyon ni Anne, na katulong ang kanyang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith at boyfriend na si Erwann Heussaff, sa inorganisang garage sale.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN