Ruru Madrid on being pitted against Daniel Padilla: “Mas gusto ko pong makipag-compete sa sarili ko.”

Ruru Madrid on being pitted against Daniel Padilla: “Siyempre po, natutuwa ako kasi big star siya tapos talagang marami na siyang napatunayan. Ano ako, parang simpleng tao lang, simple lang, and natutuwa po ako kasi, para sabihin nila na parang gusto nilang itapat, pero para sa akin po kasi ayoko pong makipag-compete, e.”


May mga nagsasabing kapag naalagaan nang husto ang career ni Ruru Madrid ay siya ang puwedeng ipantapat ng GMA-7 kay Daniel Padilla, na hottest male teenstar ng ABS-CBN ngayon.

“Siyempre po, natutuwa ako kasi big star, siya tapos talagang marami na siyang napatunayan.

“Ano ako, parang simpleng tao lang, simple lang and natutuwa po ako kasi para sabihin nila na parang gusto nilang itapat, pero para sa akin po kasi ayoko pong makipag-compete, e.

“Mas gusto ko pong makipag-compete sa sarili ko. So ganun po,” umpisang sinabi ni Ruru sa taping ng Dormitoryo, sa Divine Word Seminary sa Tagaytay City, noong nakaraang Huwebes, November 7.

Inamin naman ni Ruru sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na medyo may pressure sa kanya kapag ikinukumpara siya or itinatapat sa ibang artista.

“Medyo po kasi hindi po natin maiiwasan pagka sinasabi nila. Siyempre, kailangan pati yung ano ko, kailangan ayos lahat, kailangan andun lahat patungo sa kung ano’ng gusto nila.

“Pero ayun nga po, katulad ng sinabi ko, parang ayoko pong makipag-compete po talaga,” pag-amin niya.

WANTS TO DO ACTION ROLES. Ano bang genre ang gustong pasukin ni Ruru sa showbiz?

Kuwento ni Ruru, “Ako po talaga, simula bata pa lang ako pangarap ko talaga action, but now kasi, siyempre, bata pa po ako."

Fifteen-years old pa lamang si Ruru ngayon.

"Siguro, pagka age ng twenty na po, gusto ko po talaga action, e.

“Pero ngayon siguro, panay drama po, ganun. Gusto ko po lahat maranasan.”

Bakit action ang gusto niya?

“Ewan ko po, bata pa lang po kasi ako mahilig na po akong manood ng mga FPJ [the late action star Fernando Poe Jr.], mga Robin Padilla, mga Phillip Salvador—yung mga paborito ko po lahat,” saad niya.

Bukod sa mga nabanggit, may iba pang mga paborito o idolong artista si Ruru.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa local po, paborito ko like si Christopher de Leon, at iyon nga po, si Phillip Salvador. Marami po mga action nga po, like sila Cesar Montano, Robin Padilla, ayun po.”

Sino sa mga iniidolo niya ang nakatrabaho na ni Ruru?

“Si Tatay Ipe po,” pagtukoy ni Ruru kay Phillip Salvador, na siyang naging mentor niya sa Protégé, kung saan sumali si Ruru bago siya naging ganap na Kapuso talent.

PROTÉGÉ REUNIONS. Speaking of Protégé, tatlo na lang silang aktibo sa showbiz ngayon—siya, si Jeric Gonzales, at si Thea Tolentino.

May komunikasyon pa rin daw siya sa ibang nakasama niya sa Protégé.

“Lagi po kaming magka-Viber, lahat po kami. May group po kami dun. Tapos, gusto po naming mag-reunion.

“Last week may reunion po kami, kaso tatlo lang pumunta,” ang natatawang kuwento ni Ruru. “Si Ate Arny [Ross], si Jeric, ’tsaka si Zandra [Summers], yun lang."

Dagdag nito, “E, sabi ko mas maganda kung marami tayo. Siguro mag-ano talaga tayo ng time, tapos i-schedule po talaga namin para marami kami.”

Si Jeric ang male winner sa naturang artista search ng GMA, pero tila mas nabibigyan ng magagandang breaks si Ruru sa ngayon.

Mas nauna pa siyang nai-launch sa Paroa (Ang Kuwento Ni Mariposa), kunsaan kasama niya si Barbie Forteza.

Pag-amin ni Ruru, “Siguro po, para sa akin po, natutuwa rin po ako para sa akin."

Ngunit kumpiyansa raw siya para sa mga kasamahan. "Pero, siyempre, naniniwala ako sa GMA, na hindi naman nila papabayaan yun [Jeric], kasi sila yung winner, e.

“Sila yung talagang pinili ng tao para manalo. Kaya siguro ang GMA hindi nila papabayaan si Jeric, si Thea."

Pagmumuni nito, "Siguro, ako lang po yung una but next sila na po, ayun po.”

LOVETEAM. Ano na ang nangyari sa bubuuin sanang tandem nila ni Barbie, ang RuBie, na klarong pinagsamang pangalan nina Ruru at Barbie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko po alam yung mga ganun pero, ewan ko lang po, sila po, yung mga boss naman po, ang nagde-decide.”

Dahil thriller ang Dormitoryo, hindi raw ito masyadong nakasentro sa loveteams.

“Ang loveteam naman po kasi dito, parang hindi naman masyado, kasi parang kay Lauren, mag-bestfriend kami, pero may crush ako sa kanya.

“Tapos, medyo parang hindi ko alam kung matutupad iyong ano, parang magkaka-twist daw, na parang maiiba naman daw ang loveteam,” paliwanag niya.

Kung si Ruru ang tatanungin ng GMA, sino ang gusto niyang maka-loveteam?

“Ako po, kahit sino," panimulang tugon ni Ruru.

"Pero talagang dati po kasi gustung-gusto ko talaga si Barbie, so siya. Kasi marami pong tao na parang nagsasabi talaga na bagay, ganun, kaya iyon po siguro.”

GETTING IN CHARACTER. Paano niya inilalagay ang sarili sa karakter niya bilang si Charlie Chavez sa Dormitoryo?

“Ako po kasi, ang role ko dito parang nerd po. So ang ginawa ko po, nag-research po ako about sa mga nerd, tapos yung mga nerd po na kakilala ko, tinatanong ko sila kung ano po yung lagi nilang ginagawa.

“So ayun, parang medyo napapasok ko po yung sarili ko sa pagiging nerd, kaya ayun po siguro.

“Bago mag-take parang iniisip ko nerd ako dito, ganyan, kaya nagagawa ko naman po.

“Talagang gusto ko po kasi bago mag-start yung show, gusto ko po malaman talaga kung ano yung character ko, so that naaaral ko po siya.

“Kaya ganun po yung ginawa ko, nung sinabi po ni Direk sa akin yung role ko, ayun po, inaral ko po.”

CLOSEST FRIENDS IN DORMITORYO CAST. Sa cast na kinabibilangan nina Lauren Young, Enzo Pineda, Joyce Ching, at Winwyn Marquez, sino ang pinaka-close ni Ruru?

Ayon kay Ruru, “Lahat po, e. Si Lauren kasi, naging close ko si Lauren nung nag-workshop po kami sa [GMA] Artist Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Joyce, madaming beses ko na pong nakasama, like sa Paroa. Si Enzo naman, sa Sunday All Stars kasama ko po siya lagi— kaya lahat po talaga. Even sina Winwyn.”

Si Elmo Magalona ba, na napapabalitang espesyal sa buhay ni Lauren, ay ka-close rin ni Ruru?

“Opo, close po kami, nung ano kasi, Party Pilipinas, nagkakasama kami,” sagot niya.

Hindi ba ito nagseselos sa kanya ngayong si Ruru ang kapareha ni Lauren sa Dormitoryo?

“Hindi naman po,” ang natatawang sinabi ni Ruru. “Hindi naman. Ewan ko lang, bakit naman magseselos?

“Hindi naman po siguro, kasi lagi naman po kaming nagkikita ni Elmo. Nagkita po kami last Sunday sa SAS, nag-guest po siya.”

Sa Sunday All Stars, biniro namin si Ruru, isa siya sa mga hindi pa naghuhubad sa mga male stars ng show.

Ang mga kapwa niya tween stars—tulad nina Alden Richards, Kristoffer Martin, at Derrick Monasterio—ay naghubad na sa Sunday musical variety show ng GMA Network.

“Siyempre po, hindi pa po maganda ang katawan ko, e. Bata pa po ako, e. Si Derrick, eighteen na po, e.”

Balang araw, kapag nasa tamang edad na siya at tamang porma ng katawan, papayag ba siyang magpakita ng katawan tulad ng ginagawa sa Cosmo Bash?

“Opo naman!” mabilis niyang sagot.

Hindi pa raw siya nagwu-work out sa gym ngayon.

Sabi niya, “Ngayon po, hindi pa daw po puwede, e. Kasi siyempre tatangkad pa daw po ako, e.”

Five ten ang height ni Ruru.

Exclusive contract artist ng GMA Network si Ruru, at limang taon ang kanyang kontrata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN