Bea Binene hints at possible reconciliation with Jake Vargas: “All this time, siya pa rin naman ang nasa puso ko.”

Bea Binene on Jake Vargas’s efforts at trying to win her back: “Well, I’m happy... I’m happy. Pero ayoko talagang mag-expect. Siguro, I will just let him do what he wants, and I will just let him surprise me more. At saka ako, hindi ako naniniwala na para maging maayos ang lahat ay kailangang mag-set ako ng standards. Siguro kailangan lang niyang mapatunayan na this time, mas seryoso siya, and it’s for the better.”


Kasama ni Bea Binene ang dating kasintahang si Jake Vargas sa launching ng kanyang second album, ang Dito Sa Puso Ko, na ginanap kahapon, November 9, sa Activity Center ng Harrizon Plaza sa Malate, Manila.

Napapabalita na muling sinusuyo ng aktor ang kapwa Kapuso star matapos sorpresahin ng binata ang dalaga isang gabi bago ng kanyang ika-16th birthday noong November 4.

Sa holding area ng venue ng album launch, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataon para alamin sa teen star kung ano ang totoong estado ng relasyon nila ni Jake ngayon.

Bungad na pahayag nito, “I can say na we’re okay now.

“Ano ba ang feeling ko? Ano... masaya. Thankful ako na nandiyan siya. Nakaka-touch.

“Jake and I are good friends now. Medyo nag-e-effort siya ngayon, pero hindi pa kami ulit.

“But, we can never tell.”

OPEN TO RECONCILIATION? Ibig kayang sabihin nito ay bukas siya sa anumang posibilidad na puwedeng mangyari sa pag-effort ni Jake?

Aniya, “Kung ano ang plano sa akin ni Lord, siguro yun ang mangyayari.

“Kung magbalikan kami, hindi ko pa rin alam.

“Marami kasi akong focus ngayon—career, school, family and friends.

“Like sa school, second year high school pa lang ako and, as early as now, gusto kong mag-enroll sa Communications in college kasi gusto ko talagang maging reporter.”

Dagdag pa niya, “Of course, open ako sa reconciliation.

“Maganda naman ang aming pinagsamahan, marami na rin.

“Kung yun naman talaga ang gusto ni Lord, pero ayokong i-rush ang mga bagay-bagay.

“Ayokong pangunahan.

“Siguro kung mangyayari, mangyayari.”

Inalam namin kay Bea kung ano ang mga ginagawang effort ni Jake para muling makuha ang matamis niyang oo.

Nangingiting saad ng dalaga, “Kung sa efforts, marami. Pero, sa akin na lang yun.”

Kinulit naming i-reveal niya kung anu-ano ang mga ito.

“Sinorpresa niya ako nung birthday ko,” sabi din naman niya kinalaunan. “Meron kasing reunion yung tweens noong November 3, nag-overnight kami sa isang suite sa Ortigas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bigla na lang may tumawag sa phone ko. Sabi niya, ’Gusto lang kitang batiin. Gusto lang kitang makausap.’ Ganun.

“Tapos sabi pa niya, ’Di ko alam kung nababasa mo ang messages ko sa Viber, pero ngayon papunta talaga ako diyan, kaya lang nabangga ako dito sa SLEX. Basta, darating ako diyan.’

“Tapos nagulat ako, mamaya, nandiyan na siya.”

SETTLING PAST ISSUES. Ano ang napag-usapan nila nang magkaharap na silang dalawa?

“Wala namang masyadong seryoso,” paliwanag niya.

“Actually, ngayon lang [sa album launching] kami nagkausap nang maayos. Ngayon lang kami nakapag-usap nang matino.

“Gusto ko lang isipin na sa ngayon, we’re okay.

“May mga bagay pa kaming dapat i-settle nang maayos... kung ano ang mga naging problema namin before.”

Ayon kay Bea, kasama sa mga isyung ito ang sobrang pakikipagbarkada ni Jake, pati na ang wala sa lugar na pagseselos nito sa kaibigan niyang si Ken Chan, na kasama rin niya sa album launch bilang featured artist.

“We’re really starting to [talk], pero hindi ko pa masasabing settled na talaga,” ayon pa kay Bea.

“We’re trying to, we’re trying to. Pero hindi ko alam kung ano. Nasasa kanya na rin ’yan kung paano niya ako iwi-win back, di ba?

“Tungkol naman kay Ken, siya [si Jake] na lang ang tanungin niyo kung nagseselos siya.

“Unfair naman na... di ba? Kami kasi ni Jake, iba naman ang pinagsamahan namin.

“Kami ni Ken, magkaibigan po talaga kami. Magkaibigang matino—no more, no less.

“Clear ’yan sa kanya [kay Jake], nag-usap na kami tungkol diyan.”

Sa takbo ng panayam namin kay Bea, kapansin-pansin ang lagi niyang pagtingin sa kung saan nakaupo si Jake. Kapansin-pansin din ang kinang sa kanyang mga mata.

AT THE RIGHT TIME.” Senyales ba talaga ito na hindi malayong maging silang dalawa ulit?

Natatawang reaksiyon niya, “Well, I’m happy... I’m happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka sa tingin ko kay Jake, mas better siya ngayon.

“Pero ayoko talagang mag-expect. Siguro, I will just let him do what he wants, and I will just let him surprise me more.

“At saka ako, hindi ako naniniwala na para maging maayos ang lahat ay kailangang mag-set ako ng standards.

“Siguro, kailangan lang niyang mapatunayan na this time, mas seryoso siya. and it’s for the better.”

Sabi pa ni Bea, “Ayaw ko rin namang baguhin niya kung ano ang pagkakakilala ko sa kanya, kasi ganun siya, e.

“I can’t and I don’t wanna change him, pero I want him to be a better person.”

Kung babalikan nga raw ang kanilang breakup, may mga natutunan naman daw siyang leksyon dito.

“That breakup made me realize and learn something na puwede kong i-apply kung sakaling magkabalikan kami,” saad niya.

“All this time, siya pa rin naman ang nasa puso ko.

“Okay naman siya sa akin, pero this time, at the right time. I don’t know when is the right time, but it will come.”

SECOND ALBUM. Tungkol naman sa kanyang second album, natutuwa siya na pinagbigyan siya ng PolyEast Records na muling magkaroon ng album kahit hindi naman talaga siya singer.

“I’m very thankful and blessed,” bulalas niya.

“Ibang-iba ito sa first album ko.

“Ibang-iba ang cover, ang packaging, and yung choices of songs, ibang genre at ibang atake sa mga kanta.

“Meron akong original song dito at, yung iba, revivals na.

“Yun nga ang nakakatuwa kasi kahit hindi naman talaga ako singer, meron akong opportunity to do something na hindi ko naman akalaing magagawa ko.

“So, pasalamat na lang ako.”

Sa mga detractors niya, na hindi gusto ang kanyang pagiging recording artist, isa lang daw ang pwede niyang sabihin.

“Christmas naman na, pagbigyan na lang po nila ako,” nangingiting pakiusap niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know na hindi ako singer, pero kung pakinggan nila ang songs, maa-appreciate naman nila ’to.

“Kung ano ang sasabihin nila, okay lang po. Kasi, meron din namang ibang tao na nagugustuhan ang album ko, so peace na lang.

“Open-minded naman ako at alam kong hindi lahat ay mapi-please ko,” sabi ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN