Toni Gonzaga on Piolo Pascual’s admission that he courted Toni in the past: “’Wag na nating buksan ang nakaraan.”

Toni Gonzaga on Piolo Pascual’s admission that he courted Toni several years ago: “Ha? Pagkatapos ng sampung taon, saka mo lang aaminin ang totoo? Dati ayaw niya, ewan ko diyan. Ayoko na tuloy mag-react, baka pag may sinabi ako, sabihin niya, ’Bakit mo sinabi?’ Ayoko talagang pag-usapan ’yan kasi alam kong ayaw niya talagang pinag-uusapan ang ganun. Nagsi-secret kasi yun, wag ko raw sabihin, siguro nahihiya. Baka ano, nabanggit lang. Wag na nati


Sa pagkakaalis nila Charlene Gonzalez at Toni Gonzaga bilang hosts sa programang The Buzz, marami sa mga tagahanga ni Toni ang hindi sumang-ayon sa naging desisyon ng management ng ABS-CBN na ipalit sa kanila sina Janice de Belen at Carmina Villarroel.

Dala ng kanilang pagkadismaya, patuloy pa rin ang pagti-tweet at komento ng mga fans sa Instagram na dapat ibalik si Toni sa show.

Sa interview naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Toni, positibo ang naging sagot ng TV host/actress. Sabi nito ay dapat tanggapin na ng lahat nang maluwag sa puso ang nangyari.

NO HARD FEELINGS.” Hindi ito naiba sa kapuri-puring pananaw ni Toni, na bilang empleyado raw ng ABS-CBN, ay tinatanggap lang naman niya at ginagawa ang lahat sa bawat trabahong ipinagkakatiwala sa kanya ng network.

“Oo nga, gusto ko lang sabihin sa kanila, ganun talaga, ganun ang buhay. You win some, you lose some.

“Pero wag kayong mag-aalala. Ganun talaga yun, desisyon ng management yun, nirerespeto natin.

“At the end of the day, empleyado tayo sa ABS-CBN, kung ano lang ang iatas na trabaho natin, gagawin natin.

“I will still support Buzz ng Bayan dahil I still feel in my heart na part ako ng Buzz family, so mahal ko yang sila Tito Boy, and I learned so much from Tito Boy.

“Sila Sir Louie [Andrada, unit head], Ms. Nancy [Yabut, executive producer], for me, no hard feelings.

“This is one show na masasabi kong namaalam ako na magaan ang loob ko kasi wala namang sama ng loob na dapat itanim.

“Yung shows naman, they come and go. Na-experience ko na ‘yan sa halos sampung taon ko sa industriya. What really remains is the friendship,” makabuluhan niyang pahayag.

Siniguro ni Toni na wala siyang sama ng loob nung nawala siya sa The Buzz, lalo’t Abril pa lang ay alam na niya ang planong pagre-reformat ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam na naman yun April pa, nagpaalam nga ako sa Instagram, ’Bye Buzz family, I will miss you.’ Management decision, tapos iba na ang inatang sa amin na project, so parang there’s a new chapter naman.

“Di naman mawawala ang hosting sa akin, it’s just that nagku-concentrate dun sa sitcom, pero yung sa The Buzz matagal na yun, April pa. Di siya surprise talaga.”

“Nag-three years ako sa kanila.

“Wala akong sama ng loob, naging pamilya ko ang talk unit nang matagal na matagal na panahon, and lagi namang ina-assure sa amin ni Sir Louie na dahil natapos na yung show, forever na yun, in the future magkakatrabaho din kami.

“We’re looking forward in the future na pagsasama uli.

May ilang nagsasabi na nakukulangan daw sila sa hosting na ipinapakita nila Carmina at Janice at malayo raw ito sa husay nila Charlene at Toni.

Pero para kay Toni, mataas ang respeto niya sa kakayahan at galing ng dalawang bagong Buzz hosts.

“Magaling naman talaga, experienced na sila, and they really deserve it also. When I was there lang sa The Buzz before, siyempre ganun din ang welcome na ibibigay natin para sa kanila.

“Siyempre mga seniors na sila, mga beterana. Siyempre bagu-baguhan pa lang tayo sa industriya,” sabi nito.

SITCOM WITH JOHN LLOYD. Kung nawala man ang The Buzz, isang sitcom naman na pagsasamahan nila ni John Lloyd Cruz ang pinagkakaabalahan ni Toni ngayon.

Nasubukan ang tambalan ng dalawa nang maging box office ang pelikula nilang My Amnesia Girl, at masaya si Toni sa pagbabalik-tambalan nila ng mahusay na aktor.

“Oo, yun ang bago kong ginagawa ngayon. Masaya, kasi medyo mapapahinga ako sa intriga.

“Dati kasi, pag may intriga, ’Anong nangyari? Sino?’ Kailangan updated.

“Ngayon tahimik na ang buhay ko. Pag may mga kaguluhan, dadaanan ko na lang kayong lahat. Wala akong narinig, wala akong nakita, di ko na ina-absorb.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tahimik na ngayon, masaya na sitcom ang na-assign sa akin, magpapasaya lang kami, ang adhikain lang namin dun ay magpasaya, ibabalik ng ABS-CBN ang comedy.

“Masaya, kasi di ko siya [John Lloyd] ine-expect na makatrabaho sa ganitong klaseng proyekto.

“Ang alam ko lagi siyang teleserye, mga ganyan, so this is something new for him, and I’m very happy na makakasama ko siya sa bagong proyekto na ito,” masaya niyang kuwento.

NEW MOVIE. Ginagawa rin ngayon ang pelikulang Unlove You, kung saan makakapareha naman niya si Piolo Pascual. Ayon kay Toni ay ito na ang pinakamahirap at pinaka-challenging na pelikulang nagawa niya.

“Napaka-nahirapan ako sa tanang buhay ko, ngayon lang ako na-challenge ng ganito. Parang magre-retire na ako after, hahahahaha!

“Parang naibigay ko na ang lahat, nasagad ko na ang buong emotions, lahat ng paghuhugutan ko, naibigay ko na sa pelikulang ito.

“Parang last romcom ko na ito. Parang after nito, maghe-heavy drama muna ako.

“Iba siya... Direk Olive Lamasan, ibang level siya.

“Basta ang lalim niyang direktor, di ka basta puwedeng magpatawa, di ka puwedeng basta mag-drama, di puwedeng basta-basta.

“Kailangan lahat pinag-iisipan, pinaghahandaan, talagang pag nasa set ka, para kang estudyante na nag-aaral,” pagmamalaki ni Toni.

ON “PAST” WITH PIOLO. Sa isang interview ng Cinema News kay Piolo ay inamin nito na nanligaw siya dati kay Toni, pero di raw natuloy dahil pareho silang naging busy sa kani-kanilang mga careers.

Ikinagulat ng aktres ang interview ni Piolo, lalo na’t alam niyang napakapribado nitong tao pagdating sa personal niyang buhay.

Ayon kay Toni, “Dati, nung bata pa ako, pag sinabi kong niligawan niya ako, sasabihin niya, ’Bakit sinabi mo na niligawan kita?’

“Ha? Pagkatapos ng sampung taon, saka mo lang aaminin ang totoo?

“Dati ayaw niya, ewan ko diyan. Ayoko na tuloy mag-react, baka pag may sinabi ako, sabihin niya, ’Bakit mo sinabi?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko talagang pag-usapan ’yan kasi alam kong ayaw niya talagang pinag-uusapan ang ganun.

“Nagsi-secret kasi yun, wag ko raw sabihin, siguro nahihiya. Baka ano, nabanggit lang. Wag na nating buksan ang nakaraan, di naman yun makakatulong sa paghuhugutan namin sa pelikula.”

Ganunpaman, ibinahagi ng magaling na host ang mindset niya noong mga panahong iyon: “Bising-busy, bagung-bago ako sa ABS, wala akong kaalam-alam, wala akong kamuwang-muwang, wala akong naiintindihan.

“Alam mo, sinabi ko ‘yan sa isang nanligaw sa akin na sikat, basta bago pa ako, nag-artista na sila.

“Alam mo yung feeling ko, parang habang buhay, feeling ko they are larger than life. Yung parang di ko ma-accept na, ’Ay, magiging boyfriend ko sila!’

“Parang nasa eskaparate na... parang nasa pedestal sila na nandiyan ka lang, tinitingnan ko lang.

"Parang lumaki ako, nabuo sa isip ko na... malaki kang artista, ganyan ka, iyan ang paningin ko sa iyo, diyan ka.

“Pag naging boyfriend mo, inentertain mo, mawawala na yung mystery.

"Di ko na-imagine, parang ang kapal ng mukha ko nung time na yun na mag-boyfriend ng Piolo Pascual.”

ON LUIS-JENNYLYN BREAKUP. Nang mabanggit sa kanya ang tungkol sa breakup nila Luis Manzano at Jennylyn Mercado, sinabi ni Toni na ikinagulat niya ito dahil di niya inasahan na mauuwi pala sa breakup ang relasyon ng dalawa.

“Yun na nga ang sinasabi ko, bakit ba ganito ang buhay, ano ba ang nangyari?

“Kapatid ko, nakausap siya [Luis]. Okay naman siya, matapang si Luis, ang dami nang pinagdaanan nun.

“Alam mo, nakakatawa, kasi two weeks ago kasama ko silang dalawa, tinanggap namin yung Best Male and Female TV Host [award] sa Aliw. Magka-table pa kaming tatlo.

“Pero, masaya sila nung time na yun, walang pagbabadya, parang lindol na basta.”

ON RELATIONSHIP WITH PAUL SORIANO. Sa nauusong breakups sa ngayon sa local showbiz, hindi kaya nababahala si Toni na baka dumaan din sila sa ganitong pagsubok ng matagal na niyang boyfriend na si Direk Paul Soriano?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakapitong taon na kami, marami na ring napagdaanan. Kung anuman ang mangyari, it’s God will.

"And so far, sa ngayon we’re stronger and matibay pa naman ang samahan, di pa nalilindol ng intensity 7.2,” pagbibiro niya bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN