Shaina Magdayao worried about relatives in Tacloban; Angel Locsin, Kim Chiu, LJ Reyes, Iza Calzado, Jennylyn Mercado, KC urge fans to help relief operations

Hiniling ni Shaina Magdayao mula sa kanyang Instagram followers na tulungan siyang magdasal para sa kaligtasan ng kanyang mga kamag-anak at pati na rin ang ibang biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban, Leyte.

Aniya, "Pls pray for my brother in law and dad who are going there tomorrow. Pray that they will be able to rescue lola, my nephew and uncles safely and successfully.”


Hindi pa rin nanunumbalik ang linya ng komunikasyon sa Tacloban City, kaya’t maraming Pilipino na mayroong kamag-anak doon ang nangangamba sa kaligtasan ng mga ito.

Isa na rito ang Kapamilya star na si Shaina Magdayao, na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ma-contact ang lola at tiyuhin na nakabase sa naturang probinsiya.

Huli raw nakausap ng ama ni Shaina ang kanyang lola at tiyuhin noong Biyernes, November 10, ang araw kung kailan nanalanta sa Visayas region ang bagyong Yolanda, na may international code name na Haiyan.

Saad ni Shaina sa kanyang Instagram post ngayong gabi, November 10:

“More than 48 hours already and wala pa din po kaming contact kay Lola and Uncle. They are still not home with us...”

Sa kabila nito, nananatiling positibo ang disposisyon ng aktres.

Nagpasalamat din siya sa mga taong tumutulong sa kanyang pamilya upang siguraduhing nasa maayos na kalagayan ang kanyang mga kamag-anak.

“…but today is still a blessing because we got word only this morning from a friend that they are alive but only have limited water and food. :(

“Please pray they are safe and dry esp lola.”

Bukas daw nakatakdang magtungo roon ang ama ni Shaina upang personal na sunduin ang kanyang lola at tiyuhin sa Tacloban.

“Pls pray for my brother in law and dad who are going there tomorrow. Pray that they will be able to rescue lola, my nephew and uncles safely and successfully.”

Sa huli, ipinahiwatig ni Shaina ang kanyang pakikiramay sa ibang biktima ng bagyong Yolanda.

Aniya, “I pray for all our kababayans esp at this time.

“Ito po ang pinakamahirap na mga oras. Ngayong madilim at malamig.”

“May God clothe them with his strength and protection.

“Esp ang mga tumutulong, rescue volunteers sa lahat po ng mga tumatawag at tumutulong sa amin kanina pa, God bless you all even more.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mula po sa aming pamilya. Salamat po.”



Hanggang sa kasalukuyan ay suspendido pa rin ang mga biyahe sa Tacloban airport, na isa sa mga napinsalang infrastructure roon.

(Ang maaaring gawin ng mga gustong magpunta roon ay kumuha ng flight papuntang Cebu, mag-ferry papuntang Ormoc, at pagkatapos ay mag-land travel papuntang Tacloban.)

Ayon sa mga naunang ulat ngayong araw, accessible by land na ang mga daanan sa naturang probinsiya.



CALL FOR HELP. Gamit ang kanilang Instagram account, patuloy na hinihikayat ng iba pang artista ang kanilang followers sa naturang photo-sharing site, na magbigay ng donasyon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Una na rito si Angel Locsin na patuloy ang pag-post sa Instagram ng iba’t ibang paraan upang makapagpadala ng donasyon sa Philippine Red Cross.

Ganoon din si KC Concepcion na nanawagan sa mga may mabubuting puso mula sa ibang bansa, na magpaabot ng anumang halagang maibabahagi nila sa Sagip Kapamilya.

Si Jennylyn Mercado naman ay nag-post ng drop-off points para sa mga gustong magpaabot ng kanilang tulong (bottled water, ready to eat food, at medicines) sa Lingap Gabriela.

Nag-post din si LJ Reyes ng contact information ng GMA Kapuso Foundation Inc., para sa mga nais magbigay ng donasyon o di kaya ay humingi ng tulong ukol sa mga nawawalang kamag-anak na nasalanta ng bagyo.


POSITIVE VIBES. Samantala, sina Kim Chiu at Iza Calzado ay nagbigay ng kaunting inspirasyon, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng loob ng kapwa-Pilipino na dumanas ng matinding hagupit ng bagyong Yolanda.

Kalakip ng Instagram post ni Kim ay ang caption na ito: "Torn and broken but still standing! Stay strong Philippines #prayforphilippines #prayforvisayas"

Bukod dito, pinangunahan din ni Kim ang Sagip Kapamilya telethon, na ipinalabas sa ASAP 18, ang Sunday nooontime variety show ng ABS-CBN.

Nakatakda rin siyang magsilbing co-host ni Kris Aquino, kasama si Angel Locsin, para sa special coverage ng Kris TV kaugnay ng bagyong Yolanda, bukas, November 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinatuwa naman ni Iza ang positibong mensahe mula sa mga foreign news bureau tungkol sa pagiging matatag ng mga Pilipino kahit sa gitna ng sakuna.

Aniya, "Filipino Spirit ❤️❤️❤️ wonderful to see this comment spreading through CNN website and social media platforms!

"We may not be a perfect nation but we have some amazing qualities that make us stand out!! Proud to be Filipino!!! Mabuhay!!!!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN