More international celebs express support for typhoon victims in the Philippines via social media

Ngayong lumalawak na ang kamalayan ng mundo sa malaking pinsala ng super typhoon Yolanda sa Pilipinas, bumabaha na rin ng suporta mula sa iba’t ibang panig ng mundo, kabilang ang international stars na sina Sarah Jessica Parker, Christina Aguilera, Josh Groban, Selena Gomez, Thalia, at Ricky Martin.


Ngayong nabibigyang-linaw na kung gaano kalala ang iniwang pinsala ng super-typhoon Yolanda—may international name na Haiyan—sa southern Luzon at central Visayas noong November, 8, Biyernes, patuloy rin ang pagdami ng mga bansa, organisasyon, at mga taong gustong makiramay at tumulong sa mga biktima ng bagyo.

Patuloy rin ang pagdami ng prominent presonalities at international celebrities na nagpapaabot ng kanilang simpatiya at suporta sa Pilipinas gamit ang social media.

Nauna nang nagpaabot ng kanilang mga dasal sina Pope Francis at Rihanna sa pamamagitan ng kanilang Twitter accounts.

Read: Pope Francis, Rihanna, other celebs urge followers on Twitter to pray for the Philippines after killer typhoon

Ilan pa sa international stars na nakikidalamhati sa Pilipinas, gamit ang iba’t ibang social networking sites, ay ang Hollywood stars na sina Sarah Jessica Parker, Selena Gomez, Christina Aguilera, at Josh Groban; ang international Latin stars na sina Thalia at Ricky Martin; at ang boxing champ na si Floyd Mayweather.

Ani Sarah Jessica, bida ng kilalang TV series at movies na Sex And The City, "devastating" ang balita tungkol sa kalamidad na sumalanta kamakailan sa Pilipinas.

Binanggit pa ni Sarah Jessica ang pagbisita niya sa bansa noong May 2013 para sa launching ng isang kilalang mall sa Taguig City.

Ipinaabot din ng singer na si Josh Groban ang kanyang pakikiramay sa mga Pilipino sa Twitter account niyang @joshgroban.


Isa pang sumisikat na singer ngayon na nakiisa sa panawagan para tulungan ang mga Pilipinong biktima ay si Sara Bareilles.

Nag-tweet pa ang American singer kung paano makapagbibigay donasyon ng mga gustong tumulong.

Hinimok naman ni Selena Gomez ang kanyang 17 million followers na suportahan ang United Nations Children’s Fund o UNICEF sa misyon nitong tulungan ang mga batang Pilipinong apektado ng bagyo.


Nagpaabot naman ng kanyang mga dasal ang Mexican superstar at original Maria Mercedes star na si Thalia sa kanyang Twitter account na @thalia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pati sa kanyang Instagram account ay nag-repost din si Thalia ng larawan para ipagdasal ang Pilipinas.

Dekada ’90 nang sumikat si Thalia sa Pilipinas dahil sa kanyang mga telenovelas na Marimar, Rosalinda, Maria la del Barrio na lahat ay nagkaroon ng remake sa Pilipinas.

Nakiramay rin ang Puerto Rican singer at actor na si Ricky Martin, na miyembro ng boy group na Menudo, na naging hit sa Pilipinas noong dekada ’80.

Nanawagan din ang international pop star at The Voice judge na si Christina Aguilera na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Isang magandang gesture naman ang ipinakita ng American boxer na si Floyd Mayweather nang mag-tweet siya ng pakikiramay sa Pilipinas, lalo pa’t matagal nang isinusulong na magkaharap sila ng Pinoy boxing champ na si Manny Pacquiao.

Aniya: "My thoughts and prayers are with everyone in the Philippines."

May mga sikat na personalidad ding nag-retweet ng mga mensahe ng ibang tao para tumulong sa mga nasalanta ng bagyo, kagaya ng American country pop singer na si LeAnn Rimes at English author na si Neil Gaiman.

Inialay rin ng katatapos na Miss Universe 2013 pageant ang 62nd edition nito sa mga biktima ng bagyo sa Pilipinas at Vietnam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN