Jessy Mendiola reveals ex-boyfriend JM de Guzman is out of rehab

When Jessy Mendiola was asked if she is willing to meet up with JM de Guzman in the future, she answered, "Depende yun kung sa tingin ng mga tao sa paligid niya ay handa na siya. Ako, honestly, I want to see him and how he is."


Ayon kay Jessy Mendiola, nakalabas na ng rehab center ang ex-boyfriend niyang si JM de Guzman.

Sa presscon ng pelikulang Call Center Girl kahapon, November 10, sa ABS-CBN compound, tinanong si Jessy tungkol sa kalagayan ng aktor.

"Ang alam ko, nakalabas na siya," sabi ng Kapamilya actress sa media.

Dagdag niya, "I’m really happy for him, and hindi lang ako. Maraming taong nag-aantay na makabalik siya sa industriyang ito.

"Napakagaling na aktor ni JM at wala akong masasabing masama sa kanya."

Matatandaang noong March ng taong ito, kinumpirma mismo ni JM na dumaan siya sa depression dahil sa pressure na nararamdaman niya sa kanyang trabaho.

Read: JM de Guzman: “Na-depress po ako dahil sa mga sunud-sunod na role na medyo prinessure ko ang sarili ko na mag-excel agad-agad.

Ilang blind items at news articles din ang lumabas na nalulong diumano si JM sa masamang bisyo.

Last July naman, ibinalita ng PEP na hindi natuloy si JM bilang bida ng Metro Manila Film Fest entry Pedro Calungsod dahil sa “health reasons.”

Pinalitan siya ni Rocco Nacino para sa naturang Metro Manila Film Festival 2013 entry.

Matapos nito, naging usap-usapan na pumasok diumano si JM sa isang rehabilitation center.

BIRTHDAY MESSAGE. May communication pa ba si Jessy sa kanyang ex-boyfriend?

Sagot ng 20-year-old actress, "Right now, wala.

"Pero last September, a very close friend of mine sent a message to me asking for a birthday message for him.

"I sent a birthday message for him."

Nagdiwang ng kanyang 25th birthday si JM noong September 9.

Ano ang birthday message na ibinigay niya para kay JM?

"Sana gumaling siya agad at sana makabalik siya agad sa industriyang ito.

"Sinabi ko maraming nag-aantay sa kanya."

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy kung willing ba siyang makipagkita kay JM.

Sagot niya, "Depende yun kung sa tingin ng mga tao sa paligid niya ay handa na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, honestly, I want to see him and how he is."

Open ba si Jessy na maging magkaibigan sila ni JM?

"Ako, I’m open. I want to be friends with him.

"I want people to see who he really is because he is really a good man and a really good actor.

"I don’t want to say anything bad about him because there is nothing bad to say."

Kung sakaling magkita sila ni JM, simple lang ang mensahe na gustong sabihin ni Jessy: "Welcome back."

Last October, nag-post ang ama ni JM na si Ronniel de Guzman ng larawan ng kanyang anak sa Facebook.

Nang lumabas ang larawan na ito, nakausap ng isang PEP source ang ama ng aktor.

Ayon kay Ronniel, “Nagpapalakas si JM.”

CALL CENTER GIRL. Si Jessy ang isa sa mga bida sa upcoming drama-comedy na Call Center Girl.

Makakasama niya sa pelikula sina Pokwang, Enchong Dee, John Lapus, Chokoleit, Alex Castro, Dianne Medina, at Ejay Falcon.

Mapapanood ito simula November 27.

Sabi ni Jessy tungkol sa kanyang role, "Ako po ang gaganap na anak ni Mamang Pokwang.

"Isa rin akong call center agent at rebellious na anak ni Pokwang."

Dumaan din ba si Jessy sa so-called rebellious phase noong bata pa siya?

"Dati," pag-amin niya.

"May phase naman lahat ng tao sa pagiging rebellious, e.

"Ako, nalagpasan ko na yun.

"Heto na ako ngayon. Alam ko na ang mga priorities ko at naka-focus talaga ako sa trabaho."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN