Nonito Donaire Jr. dedicates win to Filipinos

“It wasnt MY win tonight, it was the PHILIPPINES’ win,” says Pinoy boxer Nonito “The Filipino Flash” Donaire dedicating his recent win to victims of super typhoon Yolanda.


Nagdulot din ng inspirasyon sa mga Pilipino ang pagkapanalo ni Nonito Donaire Jr. laban sa Armenian boxer na si Vic Darchinyan sa Corpus Christi, Texas, kahapon, November 10.

Bago ang kanilang sagupaan, inalay ng tinaguriang “The Filipino Flash” ang kanyang laban sa mga Pilipino, na kasalukuyang nagdadalamhati dahil sa matinding pinsala na idinulot ng super typhoon Yolanda.

Sa kanyang official Facebook Fan Page, humiling si Nonito ng patuloy na pagdarasal para sa mga biktima ng bagyo, at maging ng mga biktima ng 7.2 magnitude earthquake sa Bohol noong nakaraang buwan.

Naipanalo ni Nonito ang 10-round non-title bout nila ni Darchinyan sa pamamagitan ng technical knockout sa ninth round.

Pero katulad ng iniisip niya bago ang laban, inalay pa rin ni Nonito ang kanyang pagkapanalo sa mga kababayang Pilipino.

Sabi niya, “It wasnt MY win tonight, it was the PHILIPPINES win.”


PALACE CONGRATULATES NONITO, ARIELLA. Kaugnay nito, ipinarating ng Malacañang, sa pamamagitan ni Deputy Spokesperson Abigail Valte, ang pasasalamat nila kina Nonito at Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida.

Ito ay para sa pagbibigay nila ng positibong balita para sa Pilipinas sa gitna ng trahedyang dulot ng super typhoon Yolanda.

Sa panayam ng dzRB, na nailathala sa GMA News kahapon, November 10, sinabi ni Valte:

“I think any sort of positive news to us would be very welcome at this point, and we extend our congratulations to Ms. Arida and to the Filipino Flash for excelling in their particular fields—si Ms. Arida, siyempre, doon sa Miss Universe pageant; si Nonito Donaire doon sa kanyang laban.

“We appreciate the efforts to bring a little bit of a smile to the faces of countrymen who are going through so much in the aftermath of the typhoon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN