Sarah Geronimo admits to experiencing "quarter-life crisis"

Sarah Geronimo on arguing with her parents: "Importante na hindi mo babastusin, idi-disrespect ang mga magulang mo, kapag ine-express mo yung stand mo, kapag ipinaglalaban mo ang stand mo. At, importante na nakikinig ka rin sa kanila."


Sa edad niyang 25, nararanasan na raw ni Sarah Geronimo ang "quarter-life crisis."

“Alam niyo po yung maraming tanong? Parang, saan ba patungo ang buhay ko, karera ko?

“Parang, ano pa ba ang kailangan ko sa buhay ko? Paano na ako kapag mas tumanda pa ako?”

Ito ang pahayag ni Sarah sa live interview sa kanya ni Boy Abunda sa Buzz Ng Bayan kahapon, November 10.

Kapag dumarating ang pagkakataong nagtatanong siya, ano ang ginagawa niya?

Sabi ng singer-actress, “Naku, mahaba-habang pagmumuni lang—and mag-isa.

“Masarap din na nagiging open ka sa ibang tao. Naririnig mo ang perspective ng ibang tao, mga opinyon nila.”

Sino yung mga taong kinakausap niya?

Sabi niya, “Unang-una po sa lahat, yung mga magulang ko po at kapatid.

“Mga malalapit ko pong kaibigan dito sa industriya, at mga nakilala ko na rin sa industriyang ito.”

MOMMY DIVINE AND DADDY DELFIN. Gaano kalaki ang impluwensiya ng mga magulang na sina Delfin at Divine Geronimo sa kanyang career?

Ayon kay Sarah, “Unang-una po sa lahat, sila ho yung naghulma sa akin, sa talentong meron ako.

“Sila yung pinakaunang tao na naniwala sa talento ko at kung ano ang puwede kong marating.”

May pagkakataon ba na may gustong ipagawa ang daddy at mommy niya, pero ayaw niyang gawin?

“Noong bata ako, wala po. Kasi, sobrang love na love ko ang music.

“Pero siguro po, noong nag-teenager ako, noong dumating yung point na feeling ko wala namang nangyayari sa ginagawa namin, feeling ko, hindi naman talaga ako sisikat.

“Yung Star For A Night, ayoko na pong sumali nun. Ayoko nang mag-audition.”

Ang Star For A Night (2002), ang dating talent search ng Viva Entertainment hosted by Regine Velasquez, ang finally nagpasikat sa kanya.

Fourteen years old lamang si Sarah noong sumali siya at tanghaling grand champion.

Yun ang panahon na akala niya, tapos na, pagod na siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo, akala ko, hindi para sa akin.”

Sino ang pumilit na magtuloy siya sa Star For A Night?

“Si Daddy po.

"Sabi ni Daddy, ‘Anak, kung hindi mo susubukan ngayon, kung hindi ka mag-o-audition, paggising mo kinabukasan, wala kang aasahan.

"’Wala kang aasahan na magandang buhay. Wala kang aasahan sa pagtupad ng pangarap mo sa pagkanta, pag-entertain ng mga tao.”

Ngayong siya ay si "Sarah Geronimo"na, gaano kalaki ang porsiyento na may pakialam ang kanyang mga magulang —tulad sa styling at repertoire?

Sabi niya, “Siguro po, parte po ng pagiging twenty-five years old ko na, siguro para kang nahahati.

“Parang part of me, gustung-gusto ko nang maging independent. Decide on my own. Gusto ko, ako lagi.

“Pero, napakalaking halaga ng say ng mga magulang ko and, most of the time talaga, tama sila.”

Nagtatalo ba sila?

“Opo… siguro ho, talagang bahagi na yun ng paglaki!

“Pero, importante na hindi mo babastusin, idi-disrespect ang mga magulang mo, kapag ine-express mo yung stand mo, kapag ipinaglalaban mo ang stand mo.

“At, importante na nakikinig ka rin sa kanila.

“Alam naman natin ang mga magulang, ‘Anak, hindi, ito, ito…’ Ang cute lang!

“Ako na lang yung… hay, naku, nakukyutan na lang ako sa amin.”

Nasabihan na rin ba siya ng kanyang mga magulang na ayaw ng mga ito sa isang kaibigan niya?


Sagot ni Sarah, “Hindi naman po directly na sinasabi nilang ayaw nila.

“Siguro, sinasabi nilang, ‘Anak, mag-ingat ka. Kikilalanin mo kung sino yung kinakaibigan mo, pinagkakatiwalaan mo.’”

HAPPINESS. Sa puso niya, masasabi niya bang masaya siya ngayon?

“Opo naman, opo, opo...” tugon ni Sarah.

“Sa bawat tao naman, lagi namang may kokonti tayong hinahanap.

“Importante lang na you keep in your mind, yourself... how blessed you are. Count your blessings.

“At saka, ang mga magulang ko, there’s a point in my life na—actually, pinagdadaanan ko po siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na, yun nga, may hinahanap ako na makakatulong naman sa pagkatao ko.

“Hindi as a performer, hindi as a singer, pero yung totality ko bilang tao at twenty-five.”

May panahon bang naisip niyang kailangang may sinusunod siyang buhay dahil public figure siya? Panahong nakaramdam siya ng pagod at nasabing, "Puwede bang huwag na muna?"

Pag-amin ng Pop Princess, “Meron po.

“Couple of times po, kapag kasi, kapag nagbi-breakdown, di ba?

“Sorry, ha, kapag may time na talagang pipikit ka, e.

“Wala… talagang iiyak mo na lang lahat, dahil pagod ka na nga, ang dami mong iniisip.

“May problema ka pa. Masakit pa ang puso mo.

“Meron pang nanakit sa ‘yo, alam mo yung ganun?”

Paano siya nakakabalik?

“Magulang... again, magulang ko po.”

HONOR THY PARENTS. Nung panahong walang naniniwala sa mga magulang niya at ginagawang kontrabida ang mga ito, ano ang sinasabi ni Sarah?

“Noong umpisa po, siyempre, napakasakit po, di ba?

“Kasi siyempre, alam mo naman kung ano ang totoo.

“May phase pa na nahahati ka. Nahahati ka sa sinasabi ng ibang tao sa sarili mong pamilya.

“Pero, dumating ako sa pagkakataon na buung-buo ako.

“Buung-buo yung paniniwala ko sa pagmamahal ng pamilya ko sa akin, ng mga magulang ko.

“Na the best lang ang gusto nila sa akin.”

Ano ang ibig sabihin ng nahati siya noon?

Paliwanag ni Sarah, “Di ba, may freedom of speech ang ibang tao?

“May nababasa o naririnig ka na, may point sila. Bakit nga ba ganun?

“Pero, importante pa rin po na inu-honor mo ang mga magulang mo.

"At evident ‘yan na kapag inu-honor mo ang iyong parents at sinusunod mo sila, ire-reward ka ng Diyos.”

Gaano kadalas niya sinasabi ang mga katagang “I love you” at “I’m sorry” sa kanyang mga magulang?

“How often? Ako kasi, maano po kasi ako, malambing…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo, yung si Daddy, makita ko lang siya, may time na nanggigigil ako sa kanya, sinisiku-siko ko, kinakagat ko.

“Si Mommy naman, iba rin ang lambingan namin... kulitan namin ni Mommy.”

Expressive ba siya o idinadaan niya sa ibang paraan?

“Halo po, pero hindi po ako ganoon ka-frequent magsabi, pero sinasabi ko naman po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN