Benjamin Alves on his lovelife: “My personal life right now is my work, so that leaves little time for dating.”

Benjamin Alves on working with Kylie Padilla in Adarna: “I can see the kid in her, and that’s refreshing. But when we need to work, she’s super professional. I love working with Kylie, I’m glad nga na we play very different characters here from our previous show.”


Naging tulay ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang paggamit ng email upang makakuwentuhan si Benjamin Alves kahapon, November 11.

Sa pamamagitan nito ay ibinahagi ni Benjamin ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon, at tinanong din namin siya ng ilang personal na katanungan.

Paano niya ide-describe ang sarili, professionally, makalipas ang isang taon sa showbiz?

Sabi niya, “One year, but I have gone through the business before under a different name [Vince Saldaña].

“I guess I’m more aware of the business side of things, while always developing and learning more about my craft.”

Tungkol naman sa kanyang lovelife, deklara ni Benjamin, “My personal life right now is my work, so that leaves little time for dating.”

INDIE FILM. Tinanong ng PEP sa Kapuso actor ang mga detalye ng kanyang bagong indie film na Islands.

Kuwento niya, “Islands is for Cinema One Originals.

“I’m with Luis Alandy, Meryll Soriano, Irma Adlawan, Direk Peque Gallaga.

“We’re directed by Whammy Alcazaren.

“It’s a love story set in different times and narratives. Mine is of an astronaut, so I’m set in space.

“But all the stories get weaved together in the end. It’s all about coping with love...

“Our premiere will be November 14, 7:30 p.m., at Trinoma.”



MAINSTREAM AND INDIE. Gaano ito kakaiba sa mga nagawa na ni Benjamin?

Tugon niya, “My first time to play dual roles, so that’s a challenge.

“But I love the fact that it’s challenging and I’m set in space!"

Puri rin niya sa production, “Our production design is amazing.”

Ang Islands ay pangalawang indie movie ni Benjamin. Ang una ay ang Sana Dati, na naging entry sa Cinemalaya ngayong 2013.

Ano ang kaibahan nang paggawa ng isang indie film sa isang mainstream movie?

Tugon niya, “Probably, the only difference for me is less people in an indie set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Also, most of the indie people I’ve worked with tend to be around my age, so the dialogue between all of us are the same.”



NEW TELESERYE. Kasama rin si Benjamin sa GMA Network primetime series na Adarna, na magsisimula nang mapanood sa November 18.

Ano ang role niya dito?

“My role here is very different.

"I play Bok, a kanto boy, medyo bad boy but with a heart of gold."

Ito ang pangalawang beses na makakatrabaho ni Benjie si Kylie Padilla. Ano ang mga nadiskubre ni Benjamin sa young actress?

“[I’ve] worked with Kylie before in Unforgettable [2013].

"Kylie is very talented in acting, and also in drawing.

“I can see the kid in her, and that’s refreshing. But when we need to work, she’s super professional.”

Ayon pa kay Benjamin, “I love working with Kylie.

"I’m glad nga na we play very different characters here from our previous show.

“So, it’ll be a new dynamic to work with for us.

“I guess, this time, mas makulit na kami sa isa’t isa, on and off the set.”



UNDER MERCATOR. Kasama rin ni Benjamin sa Adarna si Mikael Daez.

Magkasama rin sila noon sa talent agency na Mercator Model & Artist Management, na pinamamahalaan ni Jonas Gaffud.

Pero ngayon ay kumuha na ng ibang manager si Mikael sa katauhan ni Betchay Vidanes, na siya ring manager ni Kylie at ng ama nitong si Robin Padilla.

Naging awkward ba sila sa isa’t isa since hindi na sila nabibilang sa iisang agency? May nabago ba sa treatment nila ni Mikael?

Pagsisiguro ni Benjamin, “Of course not.

“Mikael is an energizer sa set, so it’s nice because I tend to be a little quiet at times.

“I’m glad nga we’re working together. It’s always nice to be working with new people.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lalong hindi raw nila pinag-uusapan ang tungkol sa pag-alis ni Mikael sa Mercator.

Sabi niya, “No. We don’t need to.”

Si Benjamin ba ay masaya pa rin sa Mercator?

“I’m happy on how they manage me.

“I’m also happy na they’re always in communication with [GMA] Artist Center, my co-management.

“I feel like I’m at home in both agencies.”


SEXY ACTOR. Dahil kilalalang matipuno ang kanyang katawan, na nairampa na niya sa mga fashion shows, nag-pictorial na ba siya ulit para sa Bench?

Sabi ni Benjamin, “I haven’t. But I look forward to it.”

Hindi ba siya nako-conscious tuwing gumagawa siya ng sexy pictorials?

“Always! But, thank goodness, the photographers can capture the few moments when I’m not laughing at myself.”

Speaking of being daring, hanggang saan ang kakayanin ni Benjamin pagdating sa pagpapakita ng katawan?

“I don’t know. I guess I have to read the script first,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN