Sharon Cuneta pledges P10M for Yolanda victims; other celebrities sell "pre-loved items" to raise funds

More and more celebrities are doing their part to help victims of super typhoon Yolanda. Sharon Cuneta (left) and Kris Aquino (right) have offered financial support, while other personalities are selling personal belongings to raise funds for typhoon victims.


Sa kabila ng mga bumabatikos sa sunud-sunod na panawagan ni Sharon Cuneta na tumulong sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda, hindi naman humihinto ang Megastar sa pagkakawanggawa.

Read: Sharon Cuneta dismayed by negative reactions to her plea for relief efforts for typhoon victims; hits back at Twitter bashers

Bilang tulong, nangako ang Madam Chairman actress na magbibigay siya ng P10 million para sa mga biktima ng bagyo, na may international name na Haiyan.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Sharon na ipapaabot niya ang tulong sa pamamagitan ng Aboitiz Foundation ng Aboitiz Group at Alagang Kapatid Foundation ng TV5.

Ang Aboitiz Group ang nagmamay-ari ng SuperFerry, ang transportasyong pandagat na dating inendorso ni Sharon.

Ang TV5 naman ang kasalukuyang home network ng kinikilalang Megastar ng local showbiz.

KRIS & LUCY. Bukod kay Sharon, agad ding nagbigay ng tulong si Kris Aquino sa kanyang malapit na kaibigang si Lucy Torres-Gomez, matapos humingi ang huli ng tulong sa pamamagitan ng Instagram (lucytgomez).

Si Lucy ay kasalukuyang representative ng fourth district ng Leyte, na kabilang sa mga lugar na matinding napinsala ng super typhoon Yolanda.

Ayon sa post ni Lucy, nagpadala ng tseke ang nakababatang kapatid ni President Noynoy Aquino na nagkakahalaga ng P400,000.

Sa caption ng Instagram post, isinulat ni Lucy: “Numerous pledges have poured in and first physical check donation is here. Thank you @krisaquino214!🌺🌺🌺 may your generosity be rewarded a millionfold.

“Btw, a website is being set up at this very moment for purposes of accountability and transparency.

“All donations, in cash and kind, will be posted in the website, and all recipients as well.

“Will announce web address as soon as it is up and running. God bless the Philippines🌺🌺🌺 #rebuildOrmocandLeyteIV”



FUNDRAISING ACTIVITIES. Bukod kina Sharon at Kris, ilang celebrities na rin ang nagbigay tulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa na rito ang It’s Showtime host na si Anne Curtis, na nagsagawa ng garage sale sa Taguig City kahapon, November 10.

Sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga gamit na damit at sapatos, nakalikom si Anne ng P370,000 na diretsong mapupunta sa World Vision, na siyang magbibigay ng pagkain, tubig, gamot, at iba pang bagay na kailangan ng mga biktima.

Samantala, narito ang ilan pang celebrities na nagbabalak magbenta ng kanilang mga gamit para makatulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.

Regine Velasquez-Alcasid

Julia Barretto

Aiko Melendez

Miriam Quiambao

Rhian Ramos


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN