Cristina Gonzales-Romualdez tearfully recalls terrifying super-typhoon experience in Tacloban

Napaiyak si Cristina Gonzales-Romualdez nang muli niyang inalala ang personal na karanasan nang tumama ang bagyong Yolanda sa Tacloban City, Leyte. "We were thankful we were alive. But as I sat there, I thought, ‘Is this a dream? Is this a movie?’ People were coming in wounded and houses were flattened.”

Ang larawang ito ay kuha sa isang beach resort sa Tacloban noong Hunyo 2013.


"No city could have been prepared for this. It wasn’t a storm surge, it was a tsunami.”

Ito ang emosyunal na pahayag ng dating aktres na si Cristina Gonzales-Romualdez, maybahay ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, sa personal na karanasan niya sa gitna ng matinding hagupit ng bagyong Yolanda.

“Di pa ko umiiyak. Ngayon pa lang.

"When I see all of these, and when I see all of the people helping, it’s overwhelming,” naiiyak na turan ni Cristina.

Bukod sa pagiging maybahay ni Mayor Romualdez, si Cristina ay nasa ikalawang termino niya ngayon bilang konsehal ng Tacloban City.

THE FALSE REPORT. May kumalat na balita noong Sabado, November 9, na isa si Cristina sa mga nasawi nang manalasa ang super typhoon Yolanda.

Lalo pang nag-alala ang mga malalapit sa dating aktres dahil hindi ito makontak. Yun pala ay nasira ang mga linya ng telepono sa Tacloban dahil sa napakalakas na hangin.

Ngunit ngayong araw, November 11, ay nakumpirmang hindi totoo ang balita.

Nakausap ng GMA News at iba pang reporters si Cristina sa isang press conference na ginanap sa isang gym sa Makati kanina.

Lahad ng actress turned politician, nang sumalanta ang bagyong Yolanda, kasama niya ang kanyang dalawang anak at iba pang kasambahay sa second floor ng kanilang two-storey house, na matatagpuan sa tabing-dagat.

Walang sabi-sabi ay bigla na lang daw dumagsa ang tubig at tinangay ng malakas na hangin ang bubong ng kanilang bahay.

Sanhi ng matinding bagyo, umabot daw sa ikalawang palapag ang tubig, na dulot ng “storm surge” o pag-apaw ng tubig mula sa dagat papuntang pampang.

Sabi ni Cristina, “We didn’t expect the water to be rushing in so fast...

"It wasn’t a storm surge, it was a tsunami.

"The waves were probably caused by the storm, but we didn’t really expect it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We monitored this for days.”

Sa katunayan, kinailangan raw nilang kumapit sa natitirang bahagi ng nasirang kisame ng kanilang bahay, para hindi sila tangayin ng rumaragasang tubig.

Akala raw ni Cristina ay iyon na ang katapusan ng kanilang buhay. Ngunit pinilit daw niyang magpakatatag para sa kapakanan ng mga anak.

Kuwento pa niya, “I put our ten-year-old near the ceiling.

“My fourteen-year-old daughter was saying, ‘Ma, I don’t want to die, I don’t want to die.’

“I said to her, ‘You’re not going to die. God’s going to save us.’”

Nang sa wakas ay humupa na ang bagyo, abot-langit ang pasasalamat ni Cristina na ligtas ang buo niyang pamilya.

"We were thankful we were alive.

“But as I sat there, I thought, ‘Is this a dream? Is this a movie?

“People were coming in wounded and houses were flattened."



DEFENDS “MISSING” HUSBAND. Nag-aalala rin si Cristina para sa kaligtasan ng kanyang mister, na agad daw rumesponde upang tumulong sa kanilang constituents.

Ito ay taliwas sa kumakalat na balita sa kanilang lugar na hindi umano mahagilap si Mayor Romualdez.

Pagtatanggol naman ni Cristina, “Sinasabi nila, hindi mahanap yung asawa ko, na yung mayor daw nagtatago.

“E, siyempre, disaster yun, e.

“Busy siya sa immediate aftermath on the ground, magpapa-picture pa ba kami?”

Dagdag pa ng konsehala, personal na inasikaso ng kanyang mister ang pag-clear ng mga daanang napinsala sanhi ng sakuna.

Ang mister pa raw niya mismo ang nagmaneho ng bulldozer na ginamit sa pagsasaayos ng isang partikular na ruta patungong airport.

“Nandun siya. He was operating heavy equipment na nga.

"He was on the ground, kasi kulang mga tao."

Sa huli, nakiusap ni Cristina na imbes na magsisihan ay mag-focus na lang ang mga tao sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

“Sana, let’s not play the blame game. We’re all victims here,” giit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatakdang bumalik ng Leyte si Cristina bukas o di kaya ay sa susunod na araw.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN