PEP EXCLUSIVE. Derek Ramsay upset about "Mr. Fast" tag after his short-lived relationship with Cristine Reyes

Inamin ni Derek Ramsay na masama ang kanyang loob dahil may ibang tao na patuloy siyang hinuhusgahan dahil sa kanyang failed relationships. Aniya, “Everyone seems to forget that I have been in such long-term relationships. I am nowhere near perfect. I made so many mistakes. But I learn from them. Ang sakit lang na ang bilis makalimot ng mga tao at sinasabi pa ng iba na ako si Mr. Fast."


Ibinahagi ni Derek Ramsay ang proseso kung paano nanumbalik ang magandang pagkakaibigan nila ng dating nobyang si Cristine Reyes.

Hanggang ngayon kasi ay maraming hindi makapaniwala na agad silang nagkaayos pagkatapos ng kanilang hiwalayan.

Halos isang buwan lamang tumagal ang relasyon ng dalawa.

Read: Derek Ramsay and Cristine Reyes split after less than a month

Pero ayon kay Derek, dumating sa puntong wala talaga silang komunikasyon ni Cristine, upang bigyan ng pagkakataon ang isa’t isa na makapag-move on.

“We gave each other space, which is normal.

“After we gave each other space, and then we saw each other, yeah, there was an awkward feeling,” pag-amin ni Derek.

Kahapon, November 11, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV5 actor sa store opening ng Foot Massage Lounge sa The Fort, Taguig City.

Pagkatapos ng kanilang breakup, unang beses niyang makita muli si Cristine sa pinagsamahan nilang series of shows sa Hawaii.

Patuloy na kuwento ni Derek, “It was awkward but the friendship was so strong, it was hard not to be normal again.”

“In Hawaii, we hang out not just backstage. Even when we had free time off, my friends, which are her friends, we got together.”

Hindi ba siya nakaramdam ng panghihinayang dahil pinakawalan niya si Cristine?

Sagot ni Derek, “No naman. Like I said, we’re friends.

“It’s just weird na, after you break up, you shouldn’t be friends.

“It’s not like that for me.

“We’re both mature adults here. Yun ang mas importante.”

Ipinagtataka ni Derek kung bakit hindi makapaniwala ang iba na mabilis silang nagkasundo ng pinakahuli niyang naging girlfriend.

“A lot of people cannot understand that’s not what love is.

“Love is about respecting each other, respecting whatever relationship that you have.

“Yeah, we have a very short relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But we found out that our friendship is rock solid because we continue with where we started—as friends, as best friends.

“It’s just amazing how people expect you to hate one another.

Ngunit nang tanungin ng PEP kung bakit sila naghiwalay, nanatiling tikom ang bibig ng aktor tungkol sa bagay na ito.

“That’s something that we keep to ourselves. That’s our thing.

“We told everyone that we were madly in love with each other.

“But unfortunately, it didn’t work out.

“Sabi ko nga, it’s the longest shortest relationship.

"Shortest because it lasted a month, longest because I have a friend for life.

“AA [palayaw ni Cristine] is a good friend. I’ll always be here for her,” giit ng aktor.

Hindi raw siya nagsisisi na sinubukan nila ni Cristine na maging magkarelasyon, kahit na hindi pabor ang ibang tao noon.

“People might say na, ‘What are you saying? Cristine is a mistake.’

“No, it’s not. What we did wasn’t a mistake.

"It was something that we learn together, na magkaibigan talaga.

“Yes, friendship is a good foundation for a relationship.

“But it is not just that. There are so many factors.

"Sometimes two people are not meant to be lovers.

“Sometimes two people are just meant to be friends,” pag-ulit niya.



“MR. FAST” Isang buwang lang ang itinagal ng relasyon nina Derek at Cristine bilang magkasintahan.

Kaugnay nito, lalong napaigting ang playboy image ni Derek, dahil umano sa pagiging mabilis nitong dumiskarte at magpalit ng girlfriend—bagay na ikinasasama ng loob ng aktor.

Halatang ikinabahala ni Derek na may ibang taong nagdududa sa kapasidad niya na manatili sa isang seryosong relasyon.

“Everyone seems to forget that I have been in such long-term relationships.

“I am nowhere near perfect. I made so many mistakes. But I learn from them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sakit lang na ang bilis makalimot ng mga tao at sinasabi pa ng iba na ako si Mr. Fast…

“I was in a six-year relationship, four-year relationship before that,” saad ni Derek.

Ang tinutukoy ng aktor ay ang itinagal ng relasyon niya sa kanyang ex-girlfriends na sina Angelica Panganiban at Solenn Heussaff.

Paliwanag pa ni Derek, siya ang tipo ng tao na hindi takot sumugal sa pag-ibig, dahil ito ang paraan para malaman niya kung ang isang babae ay talagang para sa kanya.

“You know what, I’m not scared to make mistakes. That’s how you learn.

“I am not scared to take risks. Without big risks, you’re not gonna get anywhere.

“So, you shouldn’t be scared to take a risk and make mistakes.

"You shouldn’t be scared in facing the consequences of your actions.”

DATING AGAIN? Isa raw sa mga natutunan ni Derek ay huwag maging masyadong bukas tungkol sa kanyang lovelife. Sa kadahilanang palagi na lang siyang hinuhusgahan kahit walang basehan.

Aniya, “The next time I do that, I keep everything to myself na.

“Whatever it is, sa akin na yun. Ayoko nang i-share.

“I think it will be a long time for me to open up and speak about my feelings again to the public."

Umaasa ba siyang darating ang panahon na gugustuhin niyang lumagay sa tahimik?

Sagot ng TV5 star, “Yeah, I wanna settle down. I wanna have my own family. And I will.

“You know how important family is to me.

“But right now, I have a lot of people around me who love me—my direct family, my friends.

“My parents are getting up there in numbers, so I want to spend as much time with them as possible.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN