Ellen DeGeneres, Paulo Coelho, Jennifer Lopez, more celebs urge Twitter followers to help typhoon victims in the Philippines

Dumagdag na rin ang Hollwood celebrities na sina Ellen DeGeneres at Jennifer Lopez Moore, at ang famous author na si Paulo Coelho sa mga nakiramay at tumulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Pilipinas.


Nasaksihan ng buong mundo sa mga nakalipas na araw kung paano ginamit ng mga kilalang personalidad ang social media upang ipaabot ang kanilang pakikiramay, panawagan, at simpatiya sa mga biktima ng super-typhoon Yolanda, na nanalasa sa Pilipinas noong November 8.

Patuloy ang pagdami ng bilang ng A-list Hollywood stars at iba pang kilalang personalidad na nanawagan, gamit ang Twitter, upang himukin ang kanilang milyun-milyong followers na tumulong sa mga biktima ng bagyo sa Pilipinas.

Dumagdag na rin sa listahan ng nagpaabot ng kanilang malasakit ang talk-show host na si Ellen DeGeneres; ang author na si Paulo Coelho; ang Hollywood actor na si Elijah Wood; ang singers na sina Alicia Keys, Mandy Moore, Barry Manilow, at Jason Mraz; at former Spice Girls members Victoria Beckham and Emma Bunton.

Madaling-araw ng November 12, nag-post si Ellen DeGeneres tungkol sa mga biktima ng bagyong Yolanda—na may international name na Haiyan.

Kalakip ng post ni Ellen, na may higit sa 23 million followers sa Twitter, ang link sa website ng American Red Cross para sa mga gustong tumulong.

Nag-post din ang Brazilian author na si Paulo Coelho ng link ng Philippine Red Cross. Si Paulo ay may higit eight million Twitter followers.

Ni-retweet naman ng Hollywood singer-actress na si Jennifer Lopez ang isang mensahe kung paano makapagbibigay ng donasyon ang mga nais tumulong.

Si J.Lo ay may higit sa 24 million followers sa Twitter.

Ito naman ang tweet ni Victoria Beckham, na may seven million Twitter followers:

Si Victoria ay asawa ng football superstar na si David Beckham, at dating member ng all-female British group na Spice Girls.

Nanawagan din ang isa pang dating miyembro ng Spice Girls na si Emma Bunton na tulungan ang mga batang Pilipino na biktima ng kalamidad.

Si Emma, o nakilalang si Baby Spice, ay may higit isang milyong followers sa Twitter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinimok naman ng The Lord of the Rings trilogy star na si Elijah Wood na i-retweet ang kanyang mensahe para makalikom ng donasyon para sa milyun-milyong pamilyang nabiktima ng bagyo sa Pilipinas.

Ganito rin ang tweet ng Hollywood sweetheart na si Mandy Moore, na may higit two million Twitter followers.

Nakakaantig naman ang tweet ng Hollywood singing icon na si Barry Manilow:

Nakiramay at nakiisa rin ang international singer na si Jason Mraz sa mensahe niya:

Si Jason ay may higit limang milyong followers sa Twitter.

Lubos-lubos naman ang pakikidalamhati ng singer na si Alicia Keys sa mga Pilipino at sa lahat ng biktima ng bagyo.

Naging sunud-sunod ang tweets ni Alicia at inaming lubos siyang naapektuhan sa nangyari.

Hinimok din niya ang kanyang higit 17 million followers sa Twitter na tumulong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN