Enchong Dee’s birthday wish: "May dumating na sanang babae sa buhay ko."

Enchong Dee says he is attracted to Maria Mercedes co-star Jessy Mendiola, but does not want to join others who pursue her: “Oo, e, pila-pila kay Maria Mercedes—ngayon, okey na ako!”


Noong November 5 ang 25th birthday ng Kapamilya heartthrob na si Enchong Dee.

Pero noon lang Linggo ng gabi, November 10, siya nagkaroon ng birthday party, na ginanap sa The Lounge, Tomas Morato, Quezon City.

Ilang oras bago ang kanyang party, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Enchong sa presscon ng Call Center Girl, ang bagong pelikula ng Skylight Films at Star Cinema.

Ano ang birthday wish ni Enchong?

Sagot niya, “Ang birthday wish ko, isa na siyempre yung, sana, wala nang dumating na kalamidad tulad ni Yolanda.

“Pangalawa, may mga wish ako na sa trabaho.

“Pero, siyempre, wini-wish ko rin na may dumating na sanang babae sa buhay ko.

“Para kapag umuuwi ka ng bahay, inspired ka, hindi yung pagod na pagod ka.”



ON THE LOOKOUT. Dahil sa kanyang sinabi tungkol sa kagustuhang dumating na ang babae para sa kanya, hindi na tinantanan si Enchong ng mga tanong tungkol dito.

Wala pa ba siyang nakikita o nasisipat na puwedeng magustuhan o ligawan?

Nakangiting sagot niya, “Meron, pero balikan ninyo na lang ako.”

Kailan namin siya babalikan?

“Valentine’s day?” natatawang biro niya. “Malapit na yun, three months na lang.”

Nanliligaw na ba siya?

“Hindi naman, hindi naman... eyeing nga lang.”

Showbiz o non-showbiz ba ang babae?

“Parang non-showbiz... naks!” may kilig pa niyang sabi.

Taga-production ba ito?

“Parang promo, e,” sabi niya.

Aware na ba ang babae na sinisipat siya ni Enchong?

“Ay, hindi pa, hindi pa… parang ako, ‘Ang ganda naman nito…’ ganoon pa lang.”

NO NEW INSPIRATION. Bagamat walang direktang pag-amin, ang huling nakarelasyon ni Enchong ay ang Kapamilya young actress na si Julia Montes.

Sa susunod niyang mamahalin, mas magiging mapili ba siya?

Sagot ni Enchong, “Hindi naman, hindi naman mapili ang term.

“Pero, siyempre, kapag naghahanap ka at tumitingin ka ng gusto mong makasama, meron kang standard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag nandiyan na, bakit ka pa pipili?”

Ayaw na niya sa taga-showbiz din?

Aniya, “Hindi naman, ayokong magsalita nang tapos, kasi you’ll never know, di ba?”

Hindi naman itinanggi ni Enchong na naghahangad na rin siyang magkaroon ng bagong karelasyon.

“Oo, kasi minsan, nalulungkot ka rin.

“Kahit gaano ka-successful ang trabaho mo, meron at meron ka pa rin hahanapin.”

Gaano katagal na ba siyang single?

“Magwa-one year na yata,” sabi niya.

Nae-enjoy ba niya ang pagiging single?

“Ayos lang,” nakangiting sagot ni Enchong.

Naging masaya ba ang kanyang pagsalubong sa karagdagang taon sa buhay niya?

Tugon ni Enchong, “Masasabi kong sobrang masaya, kumpleto.

"Pagod lang ako, pero kumpleto.”

Pero nitong kaarawan niya, wala raw siyang “special someone” na kasamang nag-celebrate.

Kaya biro namin sa kanya, baka hindi lang namin alam na meron pala?

“Siguro, you can say that... Oo, siguro, for this year, wala!” natatawang pagsang-ayon din niya.



SUPPORTIVE FANS. Kuwento pa ni Enchong, sa Tagaytay siya nagdiwang noong mismong birthday niya, kasama ang kanyang mga tagahanga.

“Nag-promise na ako sa mga fans ko na, ‘Sa lunch time at saka breakfast, tayo ang magkakasama.’

“Nagpunta kaming lahat sa Tagaytay.

"Tapos, noong dinner time, family ko na ang kasama ko.”

Bakit naisipan niyang makasama ang fans sa mismong araw ng kanyang kaarawan?

“Kasi, grabe yung fans ko talaga, sobrang suporta.

“Sa buong taon, ilang oras ang ibinibigay nila sa akin para dumalaw.

“Para mag-celebrate ng birthday, para mag-celebrate ng birthday nila. Yun ang gagawin nila sa set namin minsan.

“So, sabi ko, yung special day ko, might as well spend it with them.

"Kasi, yung ibinibigay nila sa aking oras, talagang hindi mo mapapalitan.

“Kaya sabi ko, talagang sila yung una kong sasamahan kapag birthday ko.”



GOING WELL. Kahit single siya ngayon, very blessed daw si Enchong pagdating sa kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Single blessedness siguro… single but blessed,” nakangiti niyang sabi.

Dagdag ng binata, “This is the luckiest year I’ve ever had—puro pasasalamat lang ako.

“Sabi ko nga kanina, pagkatapos ng birthday prod ko [sa ASAP], gusto ko lang magpasalamat sa Diyos.

“Itong taon lang na ito, grabe!

"Kumbaga, hindi ko alam kung merong artista na dumaan sa ganitong pagka-busy, pero I’m just thankful.”

Pagkatapos ng pelikulang Call Center Girl, sisimulan naman ni Enchong ang ABS-CBN primetime series na You’re My Home.

Makakasama niya rito sina Richard Gomez, Dawn Zulueta, at Shaina Magdayao.

“Actually, hindi ko pa nilalagay doon, wala pa doon ang utak ko.

"Nandito pa lang sa Call Center Girl," sabi ng young actor.

Ginampanan ni Enchong sa pelikula ang role bilang boss ng mag-inang Pokwang at Jessy Mendiola.

May kaugnayan ba sila rito ni Jessy?

“Meron din, konti, pero yun lang din ang journey na ini-enjoy ko rito.

“Parang, who would have thought na magiging partner mo rin si Pokwang?

“Dito nga, may nagha-hashtag na sa Instagram na ’PokChong’ [loveteam], e. Nakakatawa lang.”

Ito naman ang ikatlong proyekto nina Enchong at Jessy.

Hindi ba siya naa-attract kay Jessy?

Sagot ni Enchong, “Hindi naman maiaalis ang attraction, like physical attraction.

“Pero, siyempre, iba, e, magkaiba siguro kami.

"Siguro ngayon, kaibigan lang talaga.”

Ayaw ba niyang makipila sa mga lalaking nagkakagusto kay Jessy, gaya nina Sam Milby at Jake Cuenca?

“Oo, e. Pila-pila kay Maria Mercedes—ngayon, okey na ako!” natatawang sabi ni Enchong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN