PEPtalk. Maja Salvador learns to ignore bashers thanks to this phrase: "Don’t let anyone steal your happiness."

Maja Salvador on her career: “Hindi mo kailangan mag-complain. Ako kasi, bawat project na ginagawa ko, blessing yun, e,”


Sa unang bahagi ng PEPtalk kasama ang Kapamilya star na si Maja Salvador, ilang bagay tungkol sa kanyang latest movie project, ang Status: It’s Complicated, ang napag-usapan.

Bukod dito, napagkuwentuhan din ang mga bagay na nakakapagpakilig sa kanya.

Sa pangalawang bahagi naman ng kanyang PEPtalk interview, mas naging mainit ang usapan nang tanungin si Maja kung kumplikado rin ba ang relasyon niya sa ilang kapwa artista—partikular na kina Toni Gonzaga at Dawn Jimenez.

Itinanggi naman ni Maja na may namumuo ngang hidwaan sa kanila ng mga nabanggit na artista.

Sunod na dumako ang usapang kung masaya ba ngayon si Maja sa kanyang career.

“Yes, hindi mo kailangan mag-complain. Ako kasi, bawat project na ginagawa ko, blessing yun, e," pahayag ng dalaga.

“And kung magku-complain ka, ang daming artista na nag-iintay ng project nila, di ba?

“E, ako parang blessing sa akin yung, hindi man ako yung bidang-bida, pero pag pinalabas naman yung project na yun, kakapitan naman ng tao," dagdag pa niya.

Sabi pa ni Maja, meron siyang mga karakter na gustong gampanan, ngunit natutuwa na rin siya dahil sa nasusurpresa siya sa roles na ibinibigay sa kanya.

Kabilang na rito ang Thelma, kung saan naiuwi niya ang best actress award mula sa 35th Gawad Urian.



DETRACTORS. Samantala, hindi rin nakaligtas si Maja sa matatalim na puna ng ilang online bashers.

Inamin ni Maja na minsan na siyang naapektuhan ng mga ganitong mga komento, ngunit ngayon ay hindi na raw niya ito pinapansin.

“Masayahin po kasi ako, e. Siyempre tao ka, maaapektuhan ka.

“Pero at the end of the day, mas iisipin mo kung ano mas makakapagpasaya sa ‘yo.”

Kuwento pa ng Ina Kapatid Anak star, isang libro raw na ibinigay sa kanya ni Paul Soriano, ang direktor niya sa Thelma, ang nagbigay sa kanya ng payo na balewalain na lang ang mga ganitong klase ng pamumuna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ang sinasabi nung libro, ‘Don’t let anyone steal your happiness,’” kuwento ni Maja.

“So, parang yun lang. Kung ikaw, magpapaapekto ka sa sinasabi ng iba, pero ikaw kilala mo sarili mo, hindi ka maaapektuhan.

“Matatakot ako kung yung sinasabi mo negative, tapos alam ko sa sarili ko, ’Oo...’ na ‘Ay, oo nangyayari na nga sa akin.’

“Pero ngayon, parang kung may tiwala ka sa sarili mo and alam mo sa paligid mo na ang daming mga taong naniniwala din sa ‘yo, hindi ka madi-distract.”

Sa susunod na bahagi ng #MajaonPEPtalk, inihalintulad naman ni Maja ang kanyang buhay sa kanyang karakter na si Rina sa Status: It’s Complicated.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN