Angel Locsin says being active in relief operations is her way of giving back

Naiyak daw si Angel Locsin nang mapanood niya ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga biktimang nasalanta ng bagyong Yolanda. “Kasi hindi ko alam kung paano ka makakatulong, kasi ang layo-layo mo, di ba, kung papano ka ba makakatulong,” sabi ng aktres sa Kris TV kahapon, November 11.


Bukod sa hangaring makatulong sa mga nangangailangan, ang pagtulong ni Angel Locsin sa panahon ng kalamidad ay simpleng paraan daw niya nang pagbabalik sa mga taong sumuporta sa kanya upang marating kung nasaan man siya ngayon.

“Lahat ng ito, utang natin sa tao.

"So, ano ba naman yung mag-share tayo, kahit papa’no, kung ano man yung naitulong nila sa akin?” saad ni Angel, nang mag-guest siya sa episode ng Kris TV kahapon, November 11, Lunes.

Isa si Angel sa mga artistang aktibo sa pagtulong sa mga biktima ng bagyo at baha.

Marami ang humanga sa inisyatibo ng aktres na makalikom ng pondo para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy noong 2009.

Noong kasagsagan ng Habagat, nitong Agosto 2013, nilusong ni Angel ang baha upang tumulong sa relief efforts ng Philippine Red Cross.

Read: Angel Locsin and Jericho Rosales join rescue operations for Habagat victims

Ngayon namang dumaranas ng kalbaryo ang mga kababayan natin sa ilang bahagi ng Visayas at Luzon, dala ng matinding pinsalang idinulot ng super typhoon Yolanda, isa uli si Angel sa mga artistang gumagawa ng hakbang upang makatulong.

Bukod sa pagbibigay ng donasyong pinansiyal sa Philippine Red Cross, magdamag ding tumulong si Angel, kasama ng iba pang volunteers ng humanitarian movement, para mag-repack ng relief goods.

Kuwento niya, “Nung nakita ko yung balita talaga, naiiyak ako.

"Kasi nakikita ko yung mga naghihirap na tao, parang nakatambay lang ako sa Twitter feeds ko.

“Kasi, hindi ko alam kung paano ka makakatulong...

"Kasi, ang layu-layo mo, di ba... kung papa’no ka ba makakatulong.

"Basta ang ending ko, nagalit na lang ako kay Napoles."

Ang tinutukoy ni Angel ay si Janet Lim-Napoles, ang negosyanteng sinasabing mastermind ng P10-billion pork-barrel scam.

Nang manawagan si Angel sa mga nais magbigay ng kanilang donasyon, inisa-isa niya ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nasalanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang kailangan kasi, basic... pagkain, kasi gutom na yung mga tao.

"Yun muna, next na yung mga panglinis, next natin rehabilitation.

“Ngayon, ang kailangan talaga, ready-to-eat food, kumot, banig, tubig.”

Nakiusap din ang Kapamilya actress sa mga biktima ng kaunti pang pang-unawa, kung sa tingin nila ay hindi sila naaabutan ng relief at rescue operations.

“Siguro po, gumagawa ng paraan [ang pamahalaan], bilang ang hirap-hirap pasukin ng mga lugar, hindi pa po talaga naipapasok.

"Pero ginagawan po ng paraan ‘yan for sure.”

Nanawagan din si Angel na isa sana sa mga susunod na plano ay ang rehabilitasyon ng mga paaralan upang maipagpatuloy ng mga batang biktima ng kalamidad ang kanilang edukasyon.

“Sa ngayon, evacuation na maganda sa lahat ng klaseng tao.

"Tapos, tsaka magandang eskuwelahan, pantay na learning para sa lahat,” ani Angel.

Samantala, bagamat hindi niya ipinapaalam sa publiko, isa pang hakbang na ginawa ni Angel para matulungan ang typhoon victims ay ang pag-o-auction ng kanyang 1970 Chevrolet Chevelle, isang vintage car.

Ang impormasyong ito ay hindi nanggaling kay Angel, kundi sa editor-in-chief ng Top Gear Philippines magazine na si Vernon Sarne.

Read: Top Gear editor claims anonymous owner of Chevrolet Chevelle to be auctioned off for Yolanda typhoon victims is Angel Locsin


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN