Jillian Ward on Ryzza Mae Dizon: “Hindi naman ako nakikipagkumpitensiya... para ko rin siyang baby sister.”

Jillian Ward has not experienced being bullied: “Wala po, sila po ang mabu-bully ko. Kahit po mas malaki sa akin kapag may nambully po, lalabanan ko.”


Parehong Kapuso ang child stars na sina Jillian Ward at Ryzza Mae Dizon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jillian, sinabi niyang natutuwa siya na sikat na sikat si Ryzza Mae ngayon.

Aniya, “Opo, kasi po wala naman pong kumpitensiya po para sa akin.

“Hindi naman po ako nakikipagkumpitensiya kaya, ayun po, happy po ako kasi po.

"Para ko rin siyang baby sister.”

Parehong eight years old sina Jillian at Ryzza, ngunit mas matanda lamang ng halos apat na buwan si Jillian.


TWO CHILD STARS. Kamakailan lamang ay naging guest si Jillian sa show ni Ryzza na The Ryzza Mae Show sa unang pagkakataon.

“Masaya po!” ang tugon ni Jillian nang kamustahin ang pagpunta niya sa show.

Ano ang napag–usapan nila?

“Marami po, kung anu-ano.

“Kasi po, nag-‘Little Miss Philipines’ din po ako dati, pinanood po namin.”

Ang "Little Miss Philippines" ang beauty pageant ng Eat Bulaga! para sa mga bata.

Si Jillian ay sumali noong 2009, ngunit nabigo siyang manalo.

Si Ryzza naman ang nanalong Little Miss Philippines noong 2012.

Kuwento pa ni Jillian, “Pero natalo po ako noon.

“Pero sabi po ni Mama, huwag daw akong mag-alala kasi may darating pa pong mas maganda.

“Four years old lang po ako noon, e.”

Pagkaraan ng kanyang pagsali sa Little Miss Philippines, nagkasunud-sunod na ang projects ni Jillian bilang commercial model hanggang sa maging artista na siya sa TV at pelikula.



LAST EPISODE. Ang project ngayon ni Jillian sa GMA ay ang One Day Isang Araw, na magtatapos na sa Sabado, November 16.

Tinanong ng PEP kung ano ang mami-miss niya, lalo na sa kanyang mga co-stars dito.

Tungkol kay Milkcah Wynne Nacion, ani Jillian, “Yung kulitan po tsaka yung pag naglalaro po kami ng games, yung Mindcraft.”

“Makulit, sobrang kulit” naman ang description niya kina Mark Justine Alvarez at Joshua Uy, kaya mami-miss daw niya ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman nalulungkot si Jillian kahit matatapos na ang show nila.

“Kasi po, alam ko naman na nandiyan palagi ang mga friends ko,” pagtukoy niya sa co-stars.

Ang paborito naman daw niyang episode sa One Day, Isang Araw ay ang tungkol sa aso.

Naikuwento ni Jillian na namatay ang aso niyang toy poodle na si Coco dahil sa virus.

Bigay pa raw ito sa kanya ng aktor na si Richard Gutierrez, kaya naka-relate siya sa episode.

Aniya, “E, ganoon din po yung breed niya, sobrang parehas sila ng hitsura at kulay, kaya po naka-relate ako.”

Sa tanong kung sino naman ang gusto niyang maging paglaki niya, mga artista ang kanyang binanggit.

Sabi niya, “Puwede po sa Hollywood? Si Angelina Jolie po! ’Tsaka si Jennifer Tilly.”


HOME STUDY. Bukod sa pag-aartista, patuloy ang pag-aaral ni Jillian sa pamamagitan ng home-study program.

“Grade 2 po, pero Grade 3 ang books namin, advance po.”

Hindi naman daw siya naninibago sa home-study program na hindi niya nakikita ang mga dati niyang kaklase sa regular school.

“Kasi nandoon din naman po yung mga sister ko, kasama ko po sila kapag nagho-home study ako.”

BULLYING. Sa mura niyang isipan, alam na ni Jillian ang isyu tungkol sa bullying, na hindi pa raw niya nararanasan.

Sabi niya, “Wala po, sila po ang mabu-bully ko. Kahit po mas malaki sa akin kapag may nang-bully po, lalabanan ko.”

Wala raw siyang kaaway.

“Lahat naman po kasi kaibigan ko.”


HOLIDAY PLANS. Magba-bonding raw silang pamilya sa Pasko, ayon kay Jillian.

Ano ang gusto niyang matanggap na Christmas gift?

“Ayoko na po ng toys, ang gusto ko po good health at happy family.”

Kung materyal na bagay?

“A, sige, ano ba? Kahit ano po, e, hindi naman po ako choosy.

“Pero gusto ko po talagang magka-business. Tapos po, bibili po ako ng resort at saka rest house.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May plano na ang mga magulang ni Jillian na simulan ang isang food business para sa child actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN