Imelda Marcos shielded from extent of typhoon damage in Tacloban

Na-confine sa ospital si dating Unang Ginang Imelda Marcos dahil sa severe fatigue kamakailan. Kaya’t sadyang hindi ipinarating sa kanya ang tungkol sa pinsalang dulot ng bagyong Yolanda sa Tacloban, kung saan nagmula ang pamilya Romualdez. "You know very well know that Ma’am is very emotional. So, her relatives looking after her tell her that the television set is out of order [to isolate her from the news]," sabi ni Lito Gorospe, ang media relations officer


Sadyang hindi ipinaalam kay dating Philippine First Lady Imelda Marcos kung ano ang sinapit ng Tacloban City sanhi ng bagyong Yolanda.

Ang naturang probinsiya, na kalunos-lunos ang inabot na pinsala dala ng pananalanta ng matinding bagyo, ay ang bayang kinalakihan ni Imelda.

Si Imelda ay kasalukuyang kumakatawan bilang representative sa ikalawang distrito ng Ilocos Norte, ang bayan ng namayapa niyang asawa at dating Presidente na si Ferdinand Marcos.

Nailathala sa ABS-CBN News website ngayong araw, November 13, ang panayam ng Kyoto News kay Lito Gorospe, ang media relations officer ni Mrs. Marcos.

Sabi ni Lito, “You know very well know that Ma’am is very emotional.

“So, her relatives looking after her tell her that the television set is out of order [to isolate her from the news].

“She knows about the typhoon, but she doesn’t know the extent of the damage.”

Ibinahagi rin ni Gorospe na isang linggong na-confine sa ospital ang congresswoman dahil sa severe fatigue, kaugnay ng fluctuating blood sugar levels nito.

Kalalabas lang daw ni Imelda ng ospital noong Sabado, November 9, at mahigpit na ipinagbilin ng doktor na dapat ay iwasan ng dating Unang Ginang na ma-stress para tuluyan itong gumaling.

Sa kabila nito, ginarantiya ni Gorospe na maayos na ang kalagayan ni Imelda.

Aniya, “She’s ambulant. And I presume, she takes medicine.”

Sa kasalukuyan, nakabalik na raw si Imelda sa kanyang condominium unit sa Makati City.

Ngunit hindi siya pinapayagang tumanggap ng kahit sinong bisita, dahil bilin ng doktor na magpahinga siya nang mabuti.



CONCERN FOR CHILDHOOD HOMETOWN. Bandang 1940s nang manirahan si Imelda sa Tacloban, kasama ang kanyang amang si Vicente Romualdez.

Nagpasya ang kanyang ama na lumipat sa naturang probinsiya mula sa tirahan nila sa Maynila, pagkatapos pumanaw ng asawa nitong si Remedios Romualdez.

Hanggang sa kasalukuyan, karamihan sa mga residente ng lugar ay malaki pa rin ang pagtatangi para kay Imelda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Tacloban ay itinuturing ding balwarte ng kanyang mga kaanak.

Mga pamangkin ni Imelda sina Albert Romualdez, ang kasalukuyang mayor ng Tacloban City, at Martin Romualdez, Leyte first district representative.

Patuloy na pahayag ni Lito, gumagawa na ng aksiyon ang mga kaanak ni Imelda kaugnay ng pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo at pagsasaayos ng mga napinsalang imprastraktura sa naturang probinsiya.

Aniya, “It’s the... Romualdez family who are actively trying to help their home province, and it includes Ma’am’s son, Senator Bongbong Marcos.”



SENATOR BONGBONG’S PLEA. Sa hiwalay na ulat ng Philippine Star noong November 11, umapela si Senator Marcos sa taong-bayan na patuloy na magpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Tacloban at mga karatig-bayan.

Aniya, “The tragedy that befell our hapless countrymen has instantly brought us together for one noble cause.

“Let us not abandon them until they have fully recovered.”

Iniutos na ni Senator Marcos na maglunsad ng relief operation, gamit ang P800,000 na pondo mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), para sa 3,200 na pamilyang biktima ng bagyong Yolanda.

Nabanggit din ng senador na nakatanggap siya mula sa pribadong sektor ng relief items, na nagkakahalaga ng lampas isang milyong piso.

Nakikipag-coordinate na raw siya kina Mayor Romualdez at Congressman Romualdez para sa maayos na pagdi-distribute ng mga donasyon sa mga apektadong lugar.

Sa huli, nagpasalamat si Senator Marcos sa mga kapwa-Pilipinong agad na rumesponde at tumulong sa mga biktima ng pananalanta ng bagyong Yolanda.

Sabi niya, “Again, we have seen the compassion of our people and we should be thankful to them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN