DFA releases list of international assistance for victims of typhoon Yolanda; cash donation reaches P2.3 billion

Countries from all over the globe have generously extended donations for the victims of Super Typhoon Yolanda in the Philippines.


Umabot na sa halos 54 million dollars ($54 million) o tinatayang lagpas sa 2.3 billion pesos (P2.3 billion) ang cash donations, mula sa halos tatlumpong bansang nagpaabot ng kanilang tulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.

Ito ay ayon sa official count ng Department of Foreign Affairs (DFA) na lumabas sa kanilang website, Martes, November 12.

Narito ang listahan ng mga bansang nagbigay na ng kanilang tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Pilipinas, gamit ang U.S. dollar currency:


AUSTRALIA. Nagkakahalaga ng $7,437,560 ang kabuuang cash donation ng bansang Australia.

Ipinadala nila ito via Australian non-government organizations, United Nations flash appeal, at Red Cross.

Ang ipinadala nilang medical assistance team at search and rescue operation team ay nagkakahalaga ng $929,695.

Nagbigay rin sila ng emergency supplies tulad ng mosquito nets, tarps, at water containers na nagkakahalaga ng $929,695.


BELGIUM. Nagpadala ang Belgium ng 40 medical personnel upang magtayo ng field hospital sa apektadong lugar ng bagyong Yolanda.

Kasama sa kanilang ipinaabot na tulong ay water treatment units at relief goods.

Sa kasalukuyan, hindi pa nailalathala ng DFA ang estimated value ng mga ito.

CANADA. Ang kabuuang cash donation ng Canada ay nagkakahalaga ng $4,726,779, na ipinadala nila via Red Cross.

Nagbigay rin sila ng purification tablets o relief goods na nagkakahalaga ng $102,845,500.

Nagtalaga rin ang Canadian government ng tinaguariang “matching scheme,” kung saan tatapatan nito ang bawat dolyar na ibibigay ng individual donors sa registered Canadian charities.

Sa kasalukuyan, hindi pa nailalathala ng DFA ang estimated value ng naturang matching scheme.


CHINA. Nag-pledge ang China ng donasyon na nagkakahalaga ng $100,000.

Sa kasalukuyan, hindi pa nailalathala ng DFA kung cash donation o relief goods ang ipapadalang tulong ng naturang bansa.


DENMARK. Ang kabuuang cash donation ng Denmark ay nagkakahalaga ng $1,775,623, na ipinadala nila via United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (UNOCHA).

EUROPEAN INVESTORS INC. / EUROPEAN COMMISSION. Ang kabuuang cash donation ng isang grupo ng European investors ay nagkakahalaga ng $3,971,316.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpadala rin sila ng isang grupo ng humanitarian experts na tutulong sa pag-aasikaso ng mga pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.

Sa kasalukuyan, wala pang naitala ang DFA kung magkaano ang gastusin sa pagpapadala ng mga taong ito.


FINLAND. Nagbigay ang Finland ng 9,500 supply ng vaccine at medical packages.

Sinamahan din nila ito ng dalawang motor boats na maaaring gamitin sa search and rescue operations.

Ang nabanggit na relief items ay nagkakahalaga ng $1,323,772.

Ipinaabot nila ito via Finnish Red Cross.

FRANCE. Nagpadala ang France ng isang grupo ng first responders, na may karanasan sa relief operations ng UNOCHA.

Mamimigay sila ng isang toneladang relief goods para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Sa kasalukuyan, wala pang naitalang estimated value para sa mga ito.


GERMANY. Ang kabuuang cash donation ng Germany ay nagkakahalaga ng $661,886.

Nagpadala rin ng iba’t ibang grupo ng humanitarian experts ang mga sumusunod na German aid organizations:

Cooperative for Assistance and Relief Everywhere (CARE), Malteser International, HelpAge…

…German Federal Agency for Technical Relief (THW), Adventist Development and Relief Agency (ADRA) at Johanniter Unfallhilfe.

Ang World Vision at International Search And Rescue Team (ISAR Germany) ay nagpadala ng 23 tons na relief goods tulad ng bottled water, ready to eat food, at hygiene kits.

Bukod dito, nagpadala rin ang ISAR Germany ng 24 medical experts na magtatayo ng makeshift clinics sa mga lugar na pinakanasalanta ng bagyo.

Nagpadala rin ang Action Medeor ng dalawang toneladang medical supplies via ISAR Germany.

Sa kasalukuyan, wala pang naitala kung magkano ang estimated value ng mga ipinaabot na relief assistance ng naturang bansa.

HUNGARY. Nagpadala ang Hungary ng humanitarian experts at search dogs na maaaring gamitin sa pag-rescue ng mga biktima ng bagyong Yolanda.

Sa kasalukuyan, wala pang naitala kung magkano ang ginastos para sa ipinadala nitong search and rescue team.

INDONESIA. Ang kabuang halaga ng cash donation ng Indonesia ay $1 million, na ipinadala nito via Jakarta private equity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpadala rin sila ng C130 aircrafts na puno ng relief goods at isang “naval asset” na nagkakahalaga ng $1 million.

ISRAEL. Nagpadala ang Israel ng 200 medical experts, sakay ng dalawang 747 na eroplano.

Mayroon silang mobile desalination equipment, medical supplies, at pagkain para sa gagawin nilang relief efforts.

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang estimated value para sa mga ito.

JAPAN. Nagpadala ang Japan ng 25 katao para sa medical assistance operations.

Sa kasalukuyan, walang nakatalang estimated value para sa mga ito.

LUXEMBOURG. Ang kabuang halaga ng cash donation ng bansa ay $529,509, na ipinadala via Luxembourg humanitarian partners.

Nagpadala rin sila ng isang search and rescue operation team para sa International Humanitarian Partnership team ng UNOCHA.

MALAYSIA. Bukod sa relief goods, nagpadala rin ang Malaysia ng military medics at search and rescue operation team.

NETHERLANDS. Nag-pledge ang Netherlands ng cash donation na nagkakahalaga ng $2,647,549, na ipinadala via Red Cross.

NEW ZEALAND. Ang kabuang halaga ng cash donation ng New Zealand ay $1,631,725, na ipinadala via Red Cross.

NORWAY. Ang kabuang halaga ng cash donation ng Norway ay nagkakahalaga ng $3,226,944, na ipinadala via UNOCHA at Red Cross.

RUSSIA. Sakay ng isang hospital plane (Ilyushian 76 Soviet aircraft) ang ipinadalang medical team at relief goods ng Russia.

SINGAPORE. Nag-pledge ang Singapore ng donasyon na nagkakahalaga ng $158,775.

Sa kasalukuyan, wala pang nailathala kung cash o relief goods ang ibibigay ng naturang bansa.

SWEDEN. Nag-pledge ng financial aid ang Sweden, ngunit wala pang nailalathala kung ano ang estimated value nito sa ngayon.

TAIWAN. Ang kabuuang donasyon ng Taiwan ay $198,143.

Nagpadala rin sila ng isang eroplanong puno ng relief goods.

Sa kasalukuyan, wala pang naitala kung magkano ang mga ito.

TURKEY. Nag-pledge ang Turkey ng financial aid at humanitarian experts na tutulong sa search and rescue operations.

UNITED ARAB EMIRATES (U.A.E). Nag-pledge ang U.A.E. ng donasyon na nagkakahalaga ng $9,907,138.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan, wala pang naitala kung cash o relief goods ang ibibigay nila.


UNITED KINGDOM (U.K.). Nagpadala ng cash donation na nagkakahalaga ng $9,514,892 ang U.K., sa pamamagitan ng kanilang partner organizations.

UNITED STATES (U.S.). Ang kabuuang halaga ng cash donation ng U.S. ay $100,000.

Bukod sa dalawang grupo ng medical team, nagpadala rin ang U.S. ng ships at aircrafts para sa mas mabilis na search and rescue operations at pag-transport ng emergency supplies.

VATICAN. Ang kabuuang donasyon ng Vatican ay nagkakahalaga ng $150,000, na idi-distribute sa mga local na simbahan na nasalanta ng bagyong Yolanda.

VIETNAM. Nag-pledge ang Vietnam ng donasyon na nagkakahalaga ng $100,000.

Sa kasalukuyan, wala pang naitala kung cash o relief goods ang ibibigay nilang tulong.



INTERNATIONAL ORGANIZATIONS. May hiwalay ring ibinigay na donasyon ang iba’t ibang international organizations.

Ang UNICEF (United Nations Children’s Fund) ay nagbigay ng 60 tons na relief goods tulad ng tent, medicine, at water purification and sanitation equipment.

Ang Medecins Sans Frontieres (Doctors Without Borders) ay nagbigay ng 200 tons na relief goods tulad ng tent, medicines, at hygiene kits.

Ang OXFAM (Oxford Committee for Family Relief) ay nagpadala rin ng search and rescue operation team.

Ang UNOCHA ay nagbigay ng cash donation na nagkakahalaga ng $25,000,000, na manggagaling sa Central Emergency Relief Fund. Tatlong U.N. partner organizations ang naatasang magbigay ng naturang donasyon para sa Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN