CNN anchor Anderson Cooper says there’s "no real evidence of organized recovery or relief"; local celebs wonder why

CNN anchor Anderson Cooper has expressed frustration over lack of immediate relief and rehabilitation efforts in typhoon-hit Tacloban City. "The people in Tacloban have great dignity and deserve better than what they have gotten," said Anderson on Twitter.


Umani ng batikos ang administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sanhi ng mabagal na pag-usad ng relief at rehabilitation efforts para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Mismong mga kilalang personalidad ang kumukuwestiyon kung bakit marami pa rin sa survivors ng kalamidad ang patuloy na nagugutom.

Ito ay sa kabila ng mahigit dalawang bilyong pisong donasyon na nalikom ng Pilipinas mula sa iba’t ibang bansa.

Read: DFA releases list of international assistance for victims of typhoon Yolanda; cash donation reaches P2.3 billion

Isa sa mga dismayado sa kakulangan ng aksyon ng gobyerno ay ang sikat na CNN news anchor na si Anderson Cooper.

Dumating si Anderson sa Pilipinas noong November 11, Lunes, upang personal na magkalap ng balita tungkol sa matinding sinapit ng ilang probinsiya sa Central Visayas, partikular na ang Tacloban City, sanhi ng bagyong Yolanda.

Nauna na niyang naiulat sa CNN ang tungkol sa miserableng sitwasyon sa Tacloban, kung saan libu-libong mga katao ang patuloy na walang masilungan.

Napansin din ni Anderson na marami sa mga biktima ng kalamidad ay natutulog sa tabi ng mga nasawi nilang mahal sa buhay, na hindi pa rin maayos na naililibing.

Higit sa lahat, wala pa rin daw siyang nakitang feeding centers sa lugar, limang araw matapos naganap ang bagyo.

Watch video: CNN’s Anderson Cooper reports Tacloban still in miserable situation 5 days after the storm

ANDERSON’S TWEETS. Kahapon, November 13, naging viral sa social media ang sunud-sunod na tweets ni Anderson, kaugnay pa rin ng kalunus-lunos na estado ng mga residente ng Tacloban:

Maraming celebrities ang nag-repost sa Instagram ng tweet na ito ni Cooper.

Kabilang sa kanila ay sina Angelika dela Cruz at Aiza Marquez.

Ayon naman sa journalist at dating pulitiko na si Teddy Locsin Jr., kung hindi dahil kay Anderson ay mananatiling walang alam ang taong-bayan tungkol sa kawalan ng maayos na sistema ng relief at rehabilitation efforts ng gobyerno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WHY? Bukod sa tweets ni Anderson, isang photo-message ang patuloy na nire-repost ngayon sa Instagram.

Ang mensahe nito ay kung bakit hanggang ngayon ay marami pa ring survivors ang nagugutom at hindi napapadalhan ng relief goods, gayong limang araw na ang nakalipas mula nang nanalasa ang bagyong Yolanda.

Ayon pa sa Instagram post: “There are millions worth of donations coming in… from multi-national companies, international organizations, foreign aid…

"So WHY are the survivors still hungry and thirsty and desperate on DAY 5?”

Bahagi rin sa naturang post ang panawagang mabigyan at mahatiran na ng relief goods ang mga nabiktima ng bagyo: “NOW? Not tomorrow, Now?’

Ilan sa mga artistang nag-repost nito ay sina Kaye Abad, Guji Lorenzana, at DJ Durano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN