ABS-CBN anchor Korina Sanchez gets flak from netizens for slamming CNN news anchor Anderson Cooper

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa mga social media ang patama diumano ni Korina Sanchez tungkol sa CNN news anchor na si Anderson Cooper tungkol sa sitwasyon sa Tacloban City, limang araw pagkatapos manalasa ang bagyong Yolanda.


Hindi pinalampas ng ABS-CBN news anchor na si Korina Sanchez ang mga report at tweets ni CNN anchor Anderson Cooper mula sa Tacloban City.

Nasa Pilipinas ngayon si Anderson upang i-cover, para sa CNN, ang pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Sa kanyang radio program sa dzMM kahapon ng umaga, November 13, may blind item si Korina tungkol sa isang "blonde reporter ng CNN" na "mali-mali" raw ang mga balita at hindi alam ang sinasabi.

Inisip agad ng listeners ni Korina na si Anderson ang subject ng kanyang blind item, dahil katatapos lamang ipalabas noon ang show ng American reporter sa CNN, ang AC360.

Nagpahayag ng frustration si Anderson sa mabagal na pagtulong ng mga kinauukulan sa mga biktima ni Super Typhoon Yolanda.

Sa official Twitter account ni Anderson na @AC360° ay ipinost ang ilang quotes mula sa kanyang report, tungkol sa mga nakapanlulumong sitwasyon na nasaksihan niya nang personal sa paglalakad niya sa Tacloban:

“The scene here at the airport is desperate."

"The people in Tacloban have great dignity and deserve better than what they have gotten."

"I have not seen a large Philippine military presence out around here."

"The search and rescue never materialized."

"There are mothers searching for their children, it is a sickening sight five days later."

Read: CNN anchor Anderson Cooper says there’s "no real evidence of organized recovery or relief"; local celebs wonder why

Umani ng mga batikos si Korina mula sa netizens dahil sa kanyang "blind item" tungkol kay Anderson.

Maraming netizens ang nagsabing mas pinaniniwalaan nila ang mga report ni Anderson dahil nasa aktuwal na lugar ito ng mga pangyayari.

Sabi pa ng netizens, ipinagtatanggol lamang ni Korina ang asawa nitong si Department of the Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, na naatasang manguna sa rescue and relief operation sa Tacloban City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinatotohanan din ng ilang netizens ang mga pahayag ni Anderson dahil nasaksihan daw nila ang mabagal na pagtulong ng pamahalaan sa mga biktima ni Yolanda.

Tila nakumpirma ito sa mga balita ng local news programs kagabi, na kararating pa lamang sa Tacloban City ng unang batch ng relief goods—limang araw pagkatapos manalasa ng malakas na bagyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN