Jay-R confirms he is dating new singer Mica Javier: “Yeah, we’re seeing each other.”

(L-R) Jay-R and Mica Javier performing their duet "Tonight" at Myx Mo! 2013 held Tuesday night at SM Mall of Asia Concert Grounds in Pasay City.


Nagbigay ng kanyang oras ang Prince of R&B na si Jay-R para mag-perform sa Myx Mo! 2013, na ginanap noong Martes ng gabi, November 12, sa SM Mall of Asia Concert Grounds, Pasay City.

Ang mga kinita ng concert ay ibibigay sa mga biktima ng bagyong Yolanda, sa tulong ng Sagip Kapamilya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jay-R bago ang kanyang performance.

Saad niya, “Everyone’s coming together.

"Everyone feels the pain ng Pilipinas kaya okay ‘to, e.

"Na through music, we can help, we can raise money.

“Hindi lang Myx Mo! ang event that’s raising money, e.

"Ang daming event that’s raising money, so mabait ang mga puso ng mga Pilipino.”



DATING RUMORS. Kasama ni Jay-R na nag-perform sa Myx Mo! ang baguhang singer na si Mica Javier.

Ilang beses na ring nakita ang dalawa sa ibang events, kaya naman umusbong ang balitang sila na raw.

Hindi naman ito itinanggi ni Jay-R nang tanungin ng PEP tungkol dito.

Pag-amin niya, “Yeah, we’re seeing each other.”

Ilang buwan na silang nagde-date?

“Maybe eight months na.”

Ayon kay Jay-R, hindi siya nape-pressure na madaliin ang kanilang relasyon.

“Yun nga, e, okay nga e, there’s no pressure, wala…

“No pressure lang, that’s the best thing.

“So, we respect each other and we both love music, kaya it’s a healthy friendly relationship.”

Kaya rin daw madalas makita si Jay na kasama si Mica ay dahil mayroon silang pinu-promote na bagong kanta.

Paliwanag ni Jay-R, “You know, kasi we have the song ’Tonight,’ kaya we’re always performing together.

“So, naturally, we have a chemistry.

“We’re really good friends, we enjoy each other’s company.

“But, you know, right now, just taking it slow lang.”



THE PRODUCER. Samantala, sobrang busy na rin daw ni Jay-R ngayon dahil sa dami ng projects na kanyang ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyang nagpo-produce si Jay-R, kasama sina Kris Lawrence at Billy Crawford, ng isang TV show sa Guam.

Kuwento ni Jay-R, “I got a TV channel now sa Guam.

“We’re ano… I’m like producing four shows right now.

“Kaya ang daming puro shooting namin, e.

“We have a show called Three Stars and A Son.

“Ako, si Billy Crawford, Kris Lawrence, and super producer Marcus Davis, what we do is we make songs for artists.

“Tapos, we shoot them, parang yung process of making the song, and then the process of recording the artist.”

Bigating artista rin ang kanilang mga napili na ma-feature sa kanilang programa.

“Our first artist was Anne Curtis, and then our second was Kyla.

“Kagabi, we were working on Elmo [Magalona].

“Si Julie Anne [San Jose] na ang next.

“Puro mga big artist... si Bamboo [Mañalac] naka-lineup [and] si Martin Nievera.

“So, like it’s really busy, e, ang daming ginagawa ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN