Jake Cuenca denies that his courtship of Jessy Mendiola is a promo gimmick

Jake Cuenca on Maria Mercedes: “Dapat abangan nila yung quadrangle—me, Jason [Abalos] and Ariel [Rivera] and Jessy. Yun dapat, abangan talaga nila kasi napaka-interesting.”


Hindi kinakaila ni Jake Cuenca na nililigawan niya ang kapareha niya sa Maria Mercedes na si Jessy Mendiola.

Sa pagiging bukas ni Jake sa layunin niya sa aktres, may mga espekulasyon na pang-promo lang ito sa ginagawa nilang teleserye.

Kampante namang pinabulaanan ni Jake ang akusasyon sa kanya.

“Natural lang naman nilang sabihin ‘yun kasi magkasama kami sa iisang show,” paliwanag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News.

“’Yan nga ang reason kung bakit ayokong i-announce noong una kasi nga, di ako ganoong tao.

“Kung ano ang iniisip ng ibang tao, kung iniisip nila promo, okey, pero ang importante naman sa akin, kung ano kami ni Jessy.


MORE GIFTS. Kinumpirma rin ni Jake na niregaluhan niya ng botas si Jessy.

Ang aktres mismo ang nagkumpirma sa isang interview na mahilig talagang magbigay ng regalo ang actor.

Ginagawa rin daw ito ni Jake, hindi lang sa kaniya, kundi sa iba pa niyang katrabaho at mga kaibigan.

Pagkumpirma rin ni Jake sa reegalo niya kay Jessy, “Yes, niregaluhan ko siya.

“Mahilig siya sa Doc Martens, so niregaluhan ko siya noong nasa States ako noon, touring for the 60 years’ anniversary of ABS-CBN.

“Parehas kami, gusto niya yun, di naman ako nagdalawang-isip na bilhin yun. Masaya siya when I gave it to her.”


TAKING HIS TIME. Ayon kay Jake ay tuloy-tuloy ang panliligaw niya sa aktres, pero hindi naman siya nagmamadali na sagutin ni Jessy.

Sabi niya, “Tuluy-tuloy, pero gaya nga ng sinabi ko, di kasi ako yung the manliligaw type, e—I take my time, di ako nagmamadali.

“Di rin naman siya pine-pressure, pero klinaro ko naman nang ilang beses na interesado ako sa kanya, na may gusto ako sa kanya.”

Araw-araw silang magkasama sa Maria Mercedes, kaya natanong si Jake kung bentahe ba ang show para malapit siya kay Jessy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Okay naman. Siyempre mas nakikilala ko siya, mas naa-appreciate ko siya kasi nakakasama ko siya every day.

“Di ko naman sinasamantala yun. Gaya ng sinabi ko, di naman ako nagmamadali.”

Ayon kay Jessy, consistent din daw sa panliligaw sa kanya si Sam Milby, isa ring Star Magic talent, na naging bukas din sa pagkakagusto nito sa aktres.

Bagay na hindi naman ikinaaalarma ni Jake.

Aniya, “May the best man win, lagi naman yun ang sinasabi ko.”

Nagpapasalamat si Jake sa mga taong sumusubaybay at sumusuporta sa Maria Mercedes.

“Masaya… maraming salamat sa panonood ng Maria Mercedes.

“Sana abangan ninyo gabi-gabi—sobrang haba pa ng show, maraming dapat abangan.

“Siyempre, dapat abangan nila yung quadrangle—me, Jason [Abalos] and Ariel [Rivera] and Jessy.

“Yun dapat, abangan talaga nila kasi napaka-interesting.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN