DILG Secretary Mar Roxas vows quick government action in retrieval of dead bodies in Tacloban

Nanawagan ng tulong si DILG Secretary Mar Roxas sa international community na magbigay ng gamot sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Pilipinas. Sabi niya, "We appreciate all the help that has come in, but what we need right now are medicines for community-borne diseases, like leptospirosis, anti-typhoid medicine, anti-tetanus medicine."


Live na nakausap ng CNN international correspondent na si Andrew Stevens si Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas kaninang umaga, November 14.

Mariing pinabulaanan ni Secretary Roxas ang claim ni Andrew na matagal bago naalis ang mga bangkay na nakakalat sa kalsada ng Tacloban City.

Ang Tacloban City ang isa sa pinakamalubhang tinamaan ng bagyong Yolanda noong November 8.

Iginiit ni Secretary Roxas na ibang mga bangkay ang nakita ni Stevens, dahil araw-araw raw nag-aalis ng mga walang-buhay na katawan sa kalsada ang military personnel.

(Pinabulaanan ito ng isa pang CNN international correspondent na si Nick Paton Walsh, na nagsabing same bodies ang nakita niya.)

Kinumpirma ni Secretary Roxas kay Andrew na marami ang namatay, ngunit ayaw niyang magbigay ng bilang.

Iba ito sa pahayag ni President Noynoy Aquino kay Christiane Amanpour ng CNN.

Sa interbyu sa kanya ni Amanpour, sinabi ni PNoy na mahigit 2,000 lamang—at hindi 10,000—ang namatay dahil sa Super Typhoon Yolanda.

Sa huling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 2,275 na ang kumpirmadong namatay.

Pahayag ni Secretary Roxas, “It’s gonna be a high death toll.

"I don’t wanna go into just throwing out numbers.

"It’s gonna be high, but what I can do, and I wanted to take this opportunity, and ask help from the rest of the world.

“We appreciate all the help that has come in, but what we need right now are medicines for community-borne diseases, like leptospirosis, anti-typhoid medicine, anti-tetanus medicine.

“We don’t need so much doctors.

"Although we appreciate all the doctors and nurses that have come here, but we have the medical personnel.

"It’s the supply—the bandages, the trauma kits, hygiene kits, tents."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN