Cristine Reyes denies avoiding Derek Ramsay; insists she’s friends with all her ex-boyfriends

Cristine Reyes explains how she’s able to maintain her friendship with Derek Ramsay after their breakup: "Sayang kasi yung pinagsamahan. Kaya mo nga siya nagustuhan dahil alam mong ok siyang tao, di ba? So, bakit naman sasama ang loob mo kung hindi kayo nagkatuluyan?"


Hindi nagpang-abot ang dating magkasintahang sina Cristine Reyes at Derek Ramsay sa store opening ng Foot Massage Lounge sa The Fort, Taguig City, noong Lunes, November 11.

Tapos na ang blessing nang dumating si Cristine, habang si Derek naman ay nakaalis na dahil may taping pa ito ng teleseryeng For Love or Money (TV5) sa U.P. Village, Quezon City.

Nagkaroon tuloy ng impresyon ang ilan na baka nag-iiwasan silang dalawa.

Ngunit nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang entertainment reporters si Cristine, agad nilinaw ng aktres na hindi niya sinasadyang ma-late para hindi sila magkita ng kanyang ex-boyfriend.

“Alam ko na iniisip ng mga tao. Sorry talaga! Hindi ko iniiwasan si Derek.

“Actually, palagi kaming magkausap ni Derek. Halos every day or every other day, magkausap kami niyan palagi.

“Hindi ko siya iniiwasan talaga,” todo-paliwanag ni Cristine.

Dagdag niya, nagkausap pa sila ni Derek sa telepono, noong mga oras na nasa daan pa lang siya papuntang Taguig.

Sabi ni Cristine, “Pina-guilty niya ako nang sobra.

"Pinagalitan niya ako dahil na-late ako.

“Ganun kasi si Derek sa ‘kin. Lagi niya ako gina-guide, pinapagalitan, at pinagsasabihan sa mga bagay-bagay.

“As in, pina-guilty niya ako, kaya pagdating ko dito, gusto ko na lang kainin ng floor!”

Inamin naman ni Cristine na kaya siya na-late ay dahil sobrang bagal niyang kumilos, at naubos ang oras niya sa pag-edit ng pictures sa bahay niya sa Parañaque City.

"Yung tunay na rason, nakakahiya.

"Sobrang kumampante ako sa bahay," pag-amin niya.

GOOD TIMES IN HAWAII. Marami ang nag-akalang nagkabalikan sina Cristine at Derek nang mag-concert tour sila sa Hawaii noong Oktubre.

Naging usap-usapan pa ang Instagram post ni Cristine, kung saan kasama nito si Derek na namasyal noong magkaroon sila ng libreng oras.

Kuwento ni Cristine tungkol dito, “Sa stage kami unang nagkita after the breakup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After ng first kita namin sa stage, meron pa kaming dalawang show sa Hawaii.

“After the show, nag-bonding na kami.”

Mas nangibabaw raw ang natural na pagkakaibigan nila ni Derek kaysa anumang sama ng loob nila sa isa’t isa.

Kung tutuusin ay parang hindi sila nanggaling sa breakup, base sa masayang bonding moments nila sa Hawaii.

Sabi pa ni Cristine, “Kasama kasi ni Derek yung best friend niya, si Michael Kim.

“So, nag-bonding, as in kulitan, kung anu-anong ginagawang kalokohan.

"Parang mga bata lang kami dun... tumalon yung best friend niya sa pool.

"May ramdom pickup car na hiniram namin para mag-travel lang, to get out sa hotel.

“Nag-skydiving ako, nag-road trip…

"Nag-rent din sila ng car sa Hawaii, so nag-bonding talaga kami."


BEING FRIENDS WITH AN EX. Iginiit ni Cristine na hindi siya nakakaramdan ng pagkailang kapag kasama niya si Derek, kahit pa nauwi sa wala ang kanilang one-month romantic relationship noon.

Inilarawan din ng Kapamilya actress kung gaano sila kakumportable bilang magkapareha sa ginagawa nilang pelikula sa ilalim ng Viva Films, ang Trophy Wife.

“Hindi talaga [kami nagkailangan].

“Baka kayo pa ang magulat pag nakita niyo kaming magkasama.

“Like, nung nag-resume yung shooting ng Trophy Wife, yung mga tao, parang nagugulat kasi sobrang para kaming bata sa set.

"Naghahabulan kami, nag-aasaran.

"Tapos, takot na takot siya pag sinisindak ko siya, as in kulitan.

“Hindi ko siya iniiwasan, promise!”

Paliwanag pa ni Cristine, noon pa man ay naniniwala na siyang posibleng maging magkaibigan ang dating magkasintahan.

“Kasi ganun din naman ako sa mga exes ko, hindi lang kay Derek.

“Sayang kasi yung pinagsamahan.

“Kaya mo nga siya nagustuhan dahil alam mong okay siyang tao, di ba?

“So, bakit naman sasama ang loob mo kung hindi kayo nagkatuluyan?”

Bilang patunay ng kanyang “ex-lovers can be friends theory,” nabanggit din ni Cristine na hanggang ngayon ay nakakasama pa rin niya ang dating nobyong si Rayver Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng aktres, nagpunta si Rayver sa bahay niya noong nawalan ng kuryente sa Parañaque City, noong kasagsagan ng bagyong Yolanda.

Kasama rin daw nila ang kuya ni Rayver na si Rodjun Cruz at girlfriend nitong si Dianne Medina.

Dagdag pa ni Cristine, maging ang ina ng ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo ay nakakasama rin niya paminsan-minsan.

NOT CLOSING HER DOORS. Ano ang reaksiyon ni Cristine na marami ang nagsasabing kinain ni Derek ang sinabi nito noon na “forever” na ang kanilang pag-iibigan?

Sagot ni Cristine, “Bata pa naman ako and si Derek din naman.

“Wala pa namang nagku-close ng door.

“Wala pa namang ikakasal sa aming dalawa.

“Hindi natin masasabi ang tatakbuhin ng life naming dalawa.

“Ako, nag-e-enjoy lang.

“So, ‘wag natin husguhan kung nagbitaw siya ng salita.”

Ang importante raw ay pareho sila ni Derek na walang anumang pinanghihinayangan, dahil sinubukan nilang magkarelasyon.

“Kung yun yung napi-feel niya that moment, ibig sabihin totoo yun.

“May mga situations lang na dumarating na hindi natin alam, hindi tayo handa.

“Para sa akin, walang problema run,” pagtatapos ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN