Former PPB housemate Johan Santos narrowly escapes from carnappers

Nakaligtas ang actor-commercial model na si Johan Santos mula sa dalawang carnappers na nagtangkang agawin ang kanyang sasakyan kaninang madaling-araw, November 15. Nangyari ang insidente sa tapat ng building ng condominium unit ng girlfriend ni Johan sa Panay Avenue, Quezon City.


Muntik nang mabaril ang former Pinoy Big Brother housemate na si Johan Santos, pagkatapos tangkaing agawin ng dalawang pinaghihinalaang carnappers ang black Montero niyang sasakyan.

Nangyari ang insidente kaninang alas-dos ng madaling-araw, November 15, sa tapat ng building ng condominium unit ng girlfriend ni Johan sa Panay Avenue, Quezon City.

Ikinuwento ni Johan ang pangyayari sa kanyang personal Facebook account:

“Nagpapark ako knina 2am sa TAPAT na mismo ng bahay. Paatras akong nagpark, nakabukas ung window ko sa driver side. Bumaba ako para icheck kung tama park ko (bukas pa makina).

“Napansin ko sa di kalayuan, may kotseng itim (parang Mitsubishi Lancer, walang plate o ‘di ko na napansin) na nakahinto at may dalawang lalake, bumaba at nagsuot ng bonnet at may hawak (pansin ko baril ‘yun).

“Instinct ko na lang na mukhang may masama gagawin. Bigla ako agad balik sa kotse, sabay shift gear.

“Inabutan niya ako at tinutukan ng baril, at ang sabi, ‘WAG KANG TATAKBO!’ (Nasa loob ako at nasa labas sya, bukas window ko).

“Dali-dali akong nag-accelerate, sabay yuko at biglang, ‘BANG’, pinutukan ako!

“Thank GOD, ‘di ako tinamaan. Pinakiramdaman ko katawan ko kung may tama ako. At sumilip ako sa rear mirror kung sumunod. Naghanap na ko ng pwedeng saklolohan.

“Huminto ako sa Shell gas station. Dun na ko nagpatawag ng barangay at police."

Sa huli ay pinaalalahanan pa ni Johan ang Facebook friends niya na mag-ingat.

“Kaya kayo, ingat na kayo sa panahon ngayun. Sobrang delikado na at magpa-Pasko kaya naghahanap mga kriminal na ‘yan ng mga mabibiktima nila. MAG-INGAT KAYO!”

THE ESCAPE. Ngayong tanghali ay nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Johan ng karagdagang katanungan sa pamamagitan ng text messaging.

Wala bang parking area sa loob ng condominium building?

Sagot ni Johan, "Meron po, pero sa labas ako nag-park kanina.

"Naabangan ’ata ako o na-timing talaga na dumaan sila. Mabilis pangyayari, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag late na ako dumarating ng house, sa labas na talaga ako nagpa-park dahil pahaba yung parking sa loob.

"Umaga, umaalis yung karamihan dun, kaya maiistorbo lang ako sa pagtulog, dahil kailangan ilabas yung kotse."

Sabi pa niya, "Buti lang talaga di ako tinamaan. Yumuko lang ako.

"Kung hindi, sapul ako talaga... .45 caliber.

"Malapitan ako binaril. Pag tinamaan ako nun, mahihirapan ako nun."

Gaanong tensiyon ang naramdaman niya nung mga oras na yun?

"Walang nerbiyos pa noon, e.

"Ang nasa isip ko lang, kailangan ko kaagad umalis dahil baka kunin yung kotse.

"Pagtutok niya sa akin ng baril, nagpatakbo na ’ko! ’

"Pero pinutukan niya ako talaga, nakayuko lang ako para di ako tamaan... Buti talaga, di tumama.

"Kung hindi ako yumuko, sapul ako!

"Capitol [Medical Hospital] ako siguro o wala na ako ngayon," sabi ni Johan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN