U.S. aircraft carrier boosts typhoon relief operations in Central Visayas

Strike force commander Rear Admiral Mark Montgomery hastens transport of emergency supplies and relief goods in provinces hit by super typhoon Yolanda.


Mas pinaigting ang relief at rehabilitation efforts sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda, pagkatapos dumating ng U.S. aircraft carrier “strike group” sa Eastern Samar.

Ito ay ayon sa ulat ng Reuters, na nailathala sa GMA News online ngayong araw, November 15.

Dumating kagabi, November 14, ang nuclear-powered USS George Washington aircraft carrier at iba pang barko, na may lulan na 5,000 crew at 80 eroplano.

Pinamunuan ito ni strike force commander Rear Admiral Mark Montgomery, na sinabing sadyang binilisan ang paglayag ng kanyang grupo galing Hong Kong.



“OPERATION DAMAYAN.” Sinimulan na raw nila ang relief operations sa Tacloban, na tinawag nilang “Operation Damayan.”

Labing-isang pallet o transport platforms—na pinaglayan ng 1,920 galong tubig at mga ready-to-eat food—ang dinala nila sa Tacloban airfield.

Nagpadala rin sila ng supply ng tubig na inumin sa probinsiya ng Guiuan, Eastern Samar—isa sa mga pinakamatinding nasalanta ng bagyong Yolanda.

Bukod dito, nailipat na raw nila sa pampang ang ilang fixed-wing aircrafts na dala nila, upang bigyang-daan ang mga helicopter sa flight deck ng nabanggit na American aircraft carrier.

Ito ay upang mas mapabilis ang pagdadala ng kung anumang emergency supplies at iba pang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad sa Central Visayas.

Pahayag ni Rear Admiral Montgomery ukol dito, “One of the best capabilities the strike group brings is our twenty-one helicopters.

“These helicopters represent a good deal of lift to move emergency supplies around."

Nag-pledge din ang Great Britain na magpapadala ng helicopter carrier at HMS Illustrious (isang light aircraft carrier para sa Royal Navy) para makatulong sa relief operations.

Maging ang Japan ay planong magpadala ng 1,000 troops, naval vessels, at aircraft.

Mahalaga ang pagpapadala ng mga nabanggit na aircraft carrier, lalo pa’t limitado pa rin ang airport operation sa mga siyudad ng Tacloban, Ormoc, at iba pang mga lugar na nagtamo ng matinding pinsala dulot ng kalamidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MASS BURIALS. Samantala, sinimulan na rin ng mga lokal na awtoridad ang pagpapalibing sa mga nasawing biktima ng bagyo, na patuloy na nakakalat sa daanan.

Matatandaang ilang araw nang inirereklamo ng mga residente sa mga nasalantang lugar ang kawalan ng sistema sa pagkolekta ng mga bangkay.

Saad ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, "There are still bodies on the road. It’s scary.

“There is a request from a community to come and collect bodies.

“They say it’s five or ten. When we get there, it’s forty."

Mas natatagalan daw ang pagresponde sa mga nasalanta ng bagyo sa kanilang lugar dahil sa kakulangan ng petrolyo para sa mga truck na maaaring gamitin sa relief at rehabilitation efforts.

Karamihan daw kasi sa mga may-ari ng gas stations, na puwede na sanang muling magbigay-serbisyo, ay tumangging buksan ang kanilang negosyo sa publiko.

Sabi pa ni Mayor Romualdez, “The choice is to use the same truck either to distribute food or collect bodies.”

Ayon naman kay Tacloban City Administrator Tecson Jon Lim, may 300 bangkay na ang naipalibing sa isang mass grave sa labas ng Tacloban kahapon, November 14.

Nabanggit din niya na nakatakda silang gumawa ng isa pang mass grave na kakasya ang 1,000.

Paralisado pa rin daw ang city government dahil 70 workers lang nila ang natira, kumpara sa 2,500 na mayroon sila noon.

Karamihan sa mga empleyado nila ay naging biktima rin ng kalamidad.

Nakakapag-distribute na rin daw ang lokal na pamahalaan ng 50,000 food packs—na may lamang anim na kilong bigas at canned goods—kada araw.

Ngunit sadyang kulang pa rin ito dahil three percent lang daw ito ng 1.73 million families na naapektuhan ng bagyo.



STATUS OF AFFECTED AREAS. Maging ang mga international aid organizations, na nagpadala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Central Visayas, ay pilit na binibilisan ang kani-kanilang relief efforts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa United Nations, 544,600 ang bilang ng mga taong nawalan ng tirahan dahil sa bagyo.

At marami pa rin sa mga nasalanta ng bagyo ang hindi pa naaabutan ng tulong.

Saad ni UN humanitarian chief Valerie Amos ukol dito, "It’s true, there are still areas that we have not been able to get to where people are in desperate need.

"I very much hope that in the next forty-eight hours, that will change significantly.

"Yes, I do feel that we have let people down because we have not been able to get in more quickly."

Inilarawan din ni Alexis Moens, assessment team leader ng Medecins Sans Frontieres, ang kawalan ng maayos na matitirhan ng mga biktima ng bagyong Yolanda sa Guiuan.

"People are living out in the open...

“The needs are immense and there are a lot of surrounding villages that are not yet covered by any aid organizations.”

Kaugnay naman ng limitadong airport operation sa Tacloban, maraming stranded na pasahero ang nagrereklamo, dahil may special treatment diumano sa mga nakakasakay ng C-130 cargo planes ng Armed Forces of the Philippines paalis ng probinsiya.

"Kung may kaibigan o kamag-anak ka sa military, ikaw ang mabibigyan ng prayoridad," saad ni Violeta Duzar, 57, isa sa mga daan-daang stranded na pasahero sa airport ng Tacloban mula pa noong Linggo, November 10.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN