Angeline Quinto looks forward to performing again with Sarah Geronimo on ASAP 18

Naantig daw si Angeline Quinto dahil sa burol ng kanyang yumaong ama noong nakaraang buwan ay dumating si Sarah Geronimo para makiramay. “Alam ko naman na napaka-busy ng tao, so nagbigay siya ng konting oras para samahan ako doon sa wake ng papa ko,” kuwento ni Angeline.


Natutuwa raw si Angeline Quinto sa pagbabalik ni Sarah Geronimo sa ASAP 18, matapos mawala ng huli sa noontime variety show ng ABS-CBN sa loob nang higit isang taon.

Ginanap ang pag-welcome kay Sarah sa ASAP 18 noong October, 27, 2013.

February, 2012, nang magpaalam si Sarah sa ASAP upang mag-concentrate sa kanyang sariling musical variety show na Sarah G Live.

Pagkatapos ng isang taon, nagtapos ang Sarah G Live at naging judge naman ang Popstar Princess sa The Voice of the Philippines.


HAPPY WITH SARAH’S COMEBACK. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angeline noong November 7, Huwebes, sinabi niya na alam niyang importanteng bahagi ng ASAP 18 si Sarah.

“Nakakatuwa, kasi alam ko naman din po na marami din po talaga ang gusto na makabalik si Sarah sa ASAP,” pahayag ni Angeline.

“Alam ko naman po talaga na isa si Sarah sa mga inaantay ng mga tao linggo-linggo.

Laging ikinukumpara ang dalawa noon sa kung sino sa kanila ang mas magaling.

Isa sa mga inaabangan ng mga manonood noon sa ASAP ay ang "showdown" ng dalawa sa isang production number tuwing Linggo.

Sa muling pagbabalik ni Sarah, nabanggit ng PEP.ph kay Angeline na hindi malayong muli silang pagtapatin.

Pero hindi nababahala rito si Angeline.

Bagkus, umaasa pa raw siyang muli silang magkakaroon ng production numbers ni Sarah.

“Nilu-look forward ko po na magkaroon ulit kami ng prod [production numbers] na magkasama kami.

“Ganun po kasi si Sarah, sobrang nakakatuwa po, kasi simula pa lang po ay may mga issues po na gano’n about sa aming dalawa.

“Pero nakikita ko naman po talaga si Sarah, na hindi naman niya ‘yon pinepersonal.”

Inilahad pa ni Angeline na nung mamatay ang kanyang amang si Pop Quiros noong October 1, dumating sa burol si Sarah para makiramay.

“Nagpunta siya kasama yung mama niya at tatay niya, so ayun… sobrang nakakataba ng puso ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko naman na napaka-busy ng tao, so nagbigay siya ng konting oras para samahan ako doon sa wake ng papa ko,” kuwento ni Angeline.

Paniniyak ni Angeline, hindi na isyu sa kanya ang pagtatapat sa kanila ni Sarah.

"Opo, lalo na ngayon na mas unti-unti ko nang naiintindihan lahat.

“Noong una talaga, nagugulat talaga ako na bakit may mga ganitong nagtatanong sa akin.

“Siguro, hindi talaga maiiwasan ‘yon, pero nasa sa amin na lang din ni Sarah kung papansinin o babalewalain namin.”


NO TO ACTING PROJECTS FOR NOW. Ang huling teleserye ni Angeline ay ang Kahit Konting Pagtingin kasama sina Sam Milby at Paulo Avelino na umere ng Enero hanggang Hulyo ng 2013.

Gayunpaman, nagdesisyon daw siya na isantabi muna ang pag-arte at ituon ang pansin sa kanyang first love, ang pagkanta.

“Sa totoo lang po may mga offer pa po na dumarating pa sa akin sa pag-arte, kaya lang medyo naglay-low po muna ako sa pag-arte.

“Gusto ko talagang bigyan ng oras itong singing career ko… sobra talaga.

“Kumbaga, dumarating sa point na nagdadasal ako na maintindihan ako ng Diyos na itini-turn down ko yung mga blessings na dumarating sa akin," lahad niya na ang itinutukoy ay acting projects.

“Kumbaga gusto ko lang talaga na magpokus sa isang bagay na alam kong kailangang kong gawin ang best ko para doon.”

Masyado raw kasing demanding sa oras at trabaho ang teleserye, at nahihirapan daw siyang isabay ang kanyang pagkanta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN