Angelica Panganiban not invited to friend Melai Cantiveros’s wedding to Jason Francisco

Ipinagkikibit-balikat na lamang ni Angelica Panganiban ang balitang may tampo diumano sa kanya si Jason Francisco, na posibleng rason kung bakit hindi siya imbitado sa kasal nina Jason at Melai Cantiveros. Sabi naman ni Angelica, "Hindi ko nakakausap si Jason Francisco, hindi ko rin alam ang number niya."


Hindi raw dadalo si Angelica Panganiban sa kasal nina Melai Cantiveros at Jason Francisco na gaganapin sa General Santos City, sa Disyembre.

“Hindi naman ako invited,” sagot ni Angelica nang tanungin kung pupunta siya sa kasal ng former Pinoy Big Brother housemates.

Matalik na magkaibigan at co-stars sa gag show na Banana Split sina Angelica at Melai.

Hindi ba nagtampo si Angelica na hindi siya imbitado sa kasal ni Melai?

Sagot niya, “Hindi.

“Alam mo, dyusko, wedding nila yun! I-enjoy nila.

“Pag wedding ko, ayoko rin may maririnig na may masama ang loob sa akin, di ba?

“So, dapat magpaganda siya, magpa-bongga siya.

“At ano… once in a lifetime, so dapat siya ang pinakamagandang bride.

“Kumbaga, dapat nasa world book of record si Melai sa ganda niya sa araw na yun.

"Yun ang wish ko para sa kanya.”

Dahil napag-uusapan na rin lang ang kasalan, sila ba ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruz ay nasa punto na ring nag-uusap ng kanilang wedding plans?

Natatawang biro ni Angelica: “After nila Melai. Kinabukasan agad. Kaya hindi ako makapunta, e!”

Nakausap ng press si Angelica kagabi, November 14, sa launching ng latest endorsement niya, ang Excelente Brandy, sa One Esplanade, Pasay City.

TAMPUHAN BLUES. Hinala ng iba, may kinalaman ang hindi pag-imbita kay Angelica sa kasal nina Melai at Jason dahil may tampo si Jason kay Angelica.

Ayon sa usap-usapan, nagsimula ang tampo ni Jason kay Angelica dahil sa naging pahayag ng aktres na nag-aalala siya sa magiging kinabukasan ni Melai sa showbiz ngayong magpapakasal na ito.

Sinabi ito ni Angelica sa October 11 episode ng morning talk show na Kris TV.

Guest din sa nasabing episode si Pooh, na kasamahan nila sa Banana Split.

Read: Kris Aquino and Angelica Panganiban worried about showbiz future of their common friend, Melai Cantiveros

Sinagot naman ito ni Jason sa isang panayam na lumabas dito sa PEP noong October 31.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jason, “Hindi talaga nila ako kilala.”

Ang tinutukoy ni Jason ay kung paano niya binuhay ang kanyang pamilya sa mahabang panahon, na dapat daw ay patunay ng kung paano niya aalagaan si Melai.

Aware ba si Angelica na may tampo sa kanya si Jason?

Sagot ng Kapamilya actress, “Hindi ko alam.

"Hindi ko nakakausap si Jason Francisco, hindi ko rin alam ang number niya.

“Uhm, well, siguro kung minasama niya yung nasabi ng kaibigan ko, si Pooh… opinion yun, e.

“And I don’t think dapat… hindi kasi masama yung intensiyon ni Pooh.

“Ang gustong sabihin ni Pooh at ng iba pang nagsabi nun, di ba, sobrang mahal namin si Melai.

“Sobrang mahal nila si Melai—and nag-aalala sila.

“Hindi naman siguro niya kinukuwestiyon, yun ang gusto niyang mangyari—talagang mapanindigan niya si Melai.”

Dagdag pa ni Angelica, “And buhay naman nila ’yan... oo, labas na kami diyan.

“Yun na lang ganun, sinabi ko sa kanila, nung may naririnig ako na masama daw yung loob sa amin.

“So, sinabi ko, ’Ako na yung lalabas sa buhay niyo. So, ipagdadasal ko kayo...’ yun naman ang sinabi ko.

“Na talaga namang gusto kong matagumpay sila sa larangan ng pag-ibig, ng pagbuo ng pamilya, di ba?

“Pero, ako siguro, tapos na yung obligasyon ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN