Marvin Agustin wants to organize group of volunteers for Yolanda relief operations

Sa palagay ni Marvin Agustin, sapat na ang pinansiyal na tulong na natanggap ng Pilipinas mula sa iba’t ibang bansa para sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda. Kaya mas kailangan daw ngayon ang volunteers na mag-aabot ng tulong na ito sa mga nangangailangan.


Sa gitna ng matinding pinsalang idinulot ng super typhoon Yolanda, tuluy-tuloy naman ang pagdating ng tulong para sa mga biktima ng itinuturing na isa sa pinakamatinding bagyo sa kasaysayan.

Ayon sa opisyal na tala ng pamahalaan noong November 12, tinatayang $88.871 million na ang natatanggap na tulong ng Pilipinas para sa relief at search and rescue operations mula sa iba’t ibang bansa.

VOLUNTEERS. Habang ang karamihan ay patuloy na nagbibigay ng mga produktong puwedeng isama sa mga ipamamahaging relief goods, iba naman ang naisip ng aktor at businessman na si Marvin Agustin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marvin sa story conference ng upcoming TV5 series na Obsession kahapon, November 14.

Dito, naibahagi niya ang relief efforts na binabalak niya para sa mga biktima ng bagyo.

Aniya, “I just met with my team yesterday.

"Ang dami na kasi, to be honest, yung tulong—not just coming from our countrymen but also from different countries.

“Millions o billions na ang natatanggap natin. Kumpleto, actually.

“It’s just the organization—‘yon ang challenge na hinaharap natin ngayon.

“Of course, ang daming issues, like, yung sa kalye, kung saan dadaan, kung saan hahawak.

“I guess, in terms of donations, maraming-marami na.

“Organization ang kailangan right now.”

Kaya bukod sa pagbibigay ng karagdagang relief goods, naisip ni Marvin at ng kanyang team na bigyang-pansin din ang mga volunteer na tumutulong sa mga relief operations.

“What we want to focus on right now, my team, is the volunteers.

“Kasi, what they buy for food or allowance, galing din sa donations.

“So, sabi namin, para hindi na mabawasan ‘yon, we’re coordinating with Red Crosss and WFP [World Food Programme].

“We want to take care of the volunteers para at least masaya rin.

“Ano nila ‘yon, e, kusang-loob nilang pagtulog, wala naman silang kinikita.

“Kaya sana pagdating lang sa pagkain ay busog sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban sa pagiging aktor, part-owner din si Marvin ng ilang fine-dining restaurants tulad ng SumoSam, Marciano’s, John & Yoko, Johnny Chow, Kung Fu Kitchen, Tokyo Grill, Komrad, at Robotosan.

(Read: Marvin Agustin opens 25th branch of his Japanese restaurant)



LONG-TERM AID. Bukod sa pagtulong sa volunteers, nais din daw ni Marvin na makatulong sa pangmatagalang assistance sa mga biktima ng bagyong Yolanda, pati na sa mga naging biktima ng 7.2 magnitude earthquake noong isang buwan.

Saad niya, “What we want to organize right now is yung continuity ng tulong, not just in Tacloban, but also in other parts of the country that were affected—not only just by typhoon but also the earthquake.

“Mabilis nakakalimot, mabilis lumilipat yung attention, e.

“So, we are focusing doon sa continuity ng pagtulong in December, January, and the succeeding months, and probably years to come.

“‘Yon ang gusto naming i-organize na tulong sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN