Kris Aquino, Angel Locsin to lead Sagip Kapamilya relief operations in storm-devastated areas

Kris Aquino (right) on celebrities joining relief efforts: "Kasi minsan, nababasa ko din, ’Yung mga artista, may tulong ba silang nagagawa? O pampa-effect lang?’ Sabi ko, ‘Alam niyo ho, nagdadala ka, hindi lang ng goods, nagdadala ka ng reassurance at ng pag-asa at pagmamahal.’ Sa panahon ngayon, ‘yan talaga ang kailangan ng tao.”


Nagsalita si Kris Aquino tungkol sa mabagal na pag-usad ng relief operations sa Central Visayas, na hanggang ngayon ay kalunos-lunos pa rin ang sitwasyon dahil sa tindi ng pinsala ng bagyong Yolanda.

“I am sure lahat kayo nakikita niyo, ‘Bakit ang daming goods? Bakit hindi pa natra-transport?’

“Take turns po talaga,” sabi ng TV host-actress.

Sa live episode ng Kris TV kaninang umaga, November 15, nilinaw ni Kris na hindi madali ang pagdala ng relief goods sa mga apektadong lugar.

Sabi ni Kris, “It’s not like we can teleport these [Sagip Kapamilya’s packed goods].

“Yung iba, I know you mean well na, ‘Kris, ba’t hindi niyo ilipad? Ba’t hindi niyo i-helicopter?’

“Hindi ho ganun kasimple, dahil wala pong pagla-landingan.”

PNOY UNDER FIRE. Kaugnay nito, patuloy na napupulaan ng taong-bayan at maging ng international media si President Benigno "Noynoy" Aquino III dahil sa kakulangan diumano ng aksiyon ng gobyerno.

Bunsong kapatid ni PNoy si Kris.

Sabi ni Kris, personal niyang nakausap si PNoy tungkol sa proseso ng pagdadala ng relief goods sa mga lugar nasalanta ng bagyo, tulad ng Tacloban, Samar, Ormoc, at mga karatig-probinsiya.

“Yesterday, mahabang pagle-lecture at conversation talaga na meron kami ni PNoy.

“At ine-explain niya, at its fastest, ang truck na ni-roro mo that goes through Sorsogon, that will land in Samar, it takes forty-eight hours.

“So, of course, yesterday sa news, napanood natin that the aid is already arriving.

“Yung mga eroplano, take turns sila sa pag-land,” paliwanag ng Kapamilya star.

PAYS FOR AIR TRANSPORTATION. Isa si Kris sa mga artistang nanguna sa pagbibigay ng donasyon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Bukod dito, mula noong Lunes, November 11, ay nakasentro ang programa niyang Kris TV sa relief operations ng Sagip Kapamilya, ang emergency humanitarian assistance program ng ABS-CBN.

Nagkalap din si Kris ng donasyon mula sa kanyang endorsements, pati na rin sa iba’t ibang pribadong kumpanya na gustong makatulong sa mga biktima ng sakuna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Personal din niyang inasikaso ang pagrenta ng eroplanong magdadala ng relief goods sa Leyte ngayong darating na Linggo, November 17.

Kuwento ni Kris, “The good fortune na nabigay, because yesterday I was feeling desperate...

“Sabi ko, ‘Nakakahiya na tanggap tayo nang tanggap ng goods, pero hindi natin pa napapakita sa mga tao na umaabot sa kanila talaga na personal nating dinadala.

“Ang dami kong mga naging kaibigan recently.

"And AirAsia, which bought Zest Air, changed pala their fleet.

“They were so nice to me kasi may commitment ako on Sunday with Sagip Kapamilya to bring ten tons of these goods to Leyte.”

Sa pakikipag-usap niya sa naturang airline company, inako na raw ni Kris ang pagbayad ng minimal charge na sinisingil sa kanya para sa pagrenta ng isang eroplano.

“They gave it to me na ang cost lang for me was the fuel charge, the charter cost of that.

“Sabi ko, ‘Kung hindi ka bubunot sa sarili mong bulsa at maghihintay ka pa, kawawa naman ang mga nangangailangan.’

“So, ginawan ng paraan.

"On Sunday, we will at least be able to bring ten tons [of relief goods]."

GOING TO LEYTE. Gusto ni Kris na personal niyang maiabot ang relief goods mula sa mga donors na nagtiwala sa kanya at sa kanyang programa.

As of this morning, umabot na raw ng P53,103,149 ang kabuang cash donation at relief goods na nalikom ng Sagip Kapamilya via Kris TV.

Dagdag ni Kris, nag-volunteer din ang aktres na si Angel Locsin na sumama sa kanya sa Leyte.

“Nag-i-insist ako na sana ako ang makasama together with Ma’am Tina [Monzon-Palma, program director of Sagip Kapamilya].

“But, of course, we have to wait for approval kung puwede talaga.

"Kung makakadagdag ka lang sa gulo, ano yung wise decision to make?

“But I really want to be there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And Angel told me she’s joining. Si Angel Locsin, sasamahan ako."

Naniniwala si Kris na malaki ang maitutulong ng personal interaction ng mga artista, tulad niya at ni Angel, sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Aniya, “Kasi minsan, nababasa ko din, ’Yung mga artista, may tulong ba silang nagagawa? O pampa-effect lang?’

“Sabi ko, ‘Alam niyo ho, nagdadala ka, hindi lang ng goods, nagdadala ka ng reassurance at ng pag-asa at pagmamahal.

“Sa panahon ngayon, ‘yan talaga ang kailangan ng tao.”

Bukod sa paghiram ng eroplano, humingi rin si Kris ng tulong mula sa San Miguel Corporation, na pumayag na magpadala ng delivery trucks para sa relief operation ng Sagip Kapamilya sa mga nasalantang lugar sa Central Visayas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN