Ryan Cayabyab mounts all-star tribute song project for calamity victims; gears up for PhilPop 2014

Ryan Cayabyab on the all-star tribute song project being conceptualized by the PhilPop MusicFest Foundation: “The song is for the Loboc [Bohol earthquake] and the [typhoon] Yolanda victims. Ia-announce ko na: we are using the Loboc Children’s Choir with all the name singers and we are using ’The Prayer.’ The song ’The Prayer,’ but we are infusing it with the Filipino lyrics.

"Right now, the reason why we can&a


Marami nang taga-show business at music industries ang kumikilos para makatulong sa mga nasalanta ng tropical cyclone Yolanda sa Central Visayas.

Hindi nawawala sa tagpong ito ang PhilPop MusicFest Foundation, kunsaan chairman ang businessman at TV5 big boss na si Manuel V. Pangilinan.

Sa pangunguna ng executive director ng PhilPop Music Fest Foundation na si Maestro Ryan Cayabyab, gumagawa ang foundation ng paraan upang makalikom ng pondo para sa paglingap sa mga biktima ng kalamidad.

Ayon sa pamosong musical arranger, “Actually, mayroon kaming project na ginagawa sa PhilPop na beyond [the songwriting contest].

"Siguro, hindi pa namin ia-announce, pero ginagawa namin ito for the victims of Yolanda.

“Pero, definitely katulad noong 2013 album, yung binebenta po namin diyan, malaking percentage po ang pumupunta sa Philippine disaster fund.”

Nakausap si Mr. C, palayaw ni Ryan, ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media, kasabay ng pag-anunsiyo ng pagbubukas ng PhilPop 2014, sa presscon na ginanap kahapon, Nobyembre 15, sa Cerchio restaurant sa Scout Limbaga, Quezon City.

Ang PhilPop, ang songwriting contest na nasa ikatlong taon na, ang main project ng PhilPop MusicFest Foundation.

Tinanong si Mr. C kung benefit concert ba ang gagawin nila.

“Hindi siya benefit concert, kasi ang Philippine Pop Music is recorded music.

"So, siguro ang pinaka-clue ko lang na masasabi ay we’re trying to gather name people to participate in one project na recorded song.

“Hindi ko pa masabi kung ano yung recorded song na iyon,” paliwanag niya.

Tila bitin ang media sa sagot ni Mr. C, kaya tinanong ng PEP writer na si Rey Pumaloy, kung para ba itong “We Are The World?”

Ang “We Are The World” ay isang charity single na ini-record ng pinagsama-samang sikat na mga American singers, at binansagang USA for Africa.

Kabilang dito sina Michael Jackson, Lionel Richie, Diana Ross, Cyndi Lauper, Stevie Wonder, Kenny Rogers, James Ingram, Tina Turner, Billy Idol at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanta ay ginamit sa paglikom ng pondo para sa famine relief sa Africa, partikular na sa Ethiopia noong 1985.

Sumang-ayon naman si Mr. C dito, “Parang ganun siya, at kung puwedeng ipagsama-sama sila [singers]. At yung one hundred percent ng kikitain doon ay mapupunta sa Philippine disaster fund.”

Kailan magma-materialize ito?

“Next week na, kasi alam niyo, iniipon na namin yung mga taong umu-oo, e. Ngayon pa lang [nakukumpirma yung ibang kasali]… kaya hindi pa namin masabi, kasi wala pang roster na kumpleto,” paliwanag ng maestro.

THE SONG & THE SINGERS. Ano ang kantang gagamitin?

“The song is for the Loboc [Bohol earthquake] and the [typhoon] Yolanda victims.

"Ia-announce ko na: we are using the Loboc Children’s Choir with all the name singers, and we are using ’The Prayer.’ The song ’The Prayer,’ but we are infusing it with the Filipino lyrics.

“Right now, the reason why we can’t talk about it much is because we’re still asking permission from the publishers kung iye-yes, igo-go nila, yung aming mga Filipino translations.

"Kasi... international ang hinihingi naming publishing e,” patuloy niya.

Sino ang gumawa ng Filipino lyrics?

Ayon kay Mr. C., “I think we’re basing it from the other Filipino lyrics na ginawa na dati.

“But we’re also trying to use, humihingi pa kami ng permiso kung magagamit—we’re trying to use Philippine languages, dialects.

"Kunwari, yung words na ’this is our prayer’ in Ilocano, in Kapampangan, something like that.”

Sinu-sino na ang mga singer na nagkumpirma?

Aniya, “Wala sa akin yung listahan, e. Pero ang sasabihin ko sa inyo, umoo na ang mga kasama naming partners na recording companies.

"Of course, they will field their best names there—Universal Records, Warner, MCA, and Viva.

“Hinihintay pa namin yung final word from them, pero medyo nakontak na namin sila halos lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang magre-release nito?

“This is a PhilPop release. Will be released through Spinner. Hindi siya CD ha, magiging uploading… parang sa iTunes lang siya, na ida-download mo lang.

“And lahat ng bibili nun, yung lahat ng funds doon, mapupunta sa Philippine disaster fund,” kuwento rin ni Mr. C.

Sigurado na raw ang involvement nina Ogie Alcasid at Noel Cabangon.

“Yes, definitely si Ogie kasama diyan, si Noel Cabangon definitely kasama diyan—kasi they’re part of our board,” pakli niya.

Nilinaw din ni Mr. C ang pagkakaroon ng TV network association. Ang PhilPop coverage kasi ay napapanood sa TV5.

Paglilinaw niya, “Of course, a lot of people are asking if this is [with] a network. May network ba rito?

"Wala hong network. Kasi, this is a PhilPop initiative. Wala, kasi this is a recording.”

Natutuwa raw si Mr. C na hindi sila nahirapan sa pagkumbinsi ng mga artists na sasali sa proyektong ito.

“Ang nakakatuwa, walang ni ho, ni ha. Ang nababalitaan ko, umo-oo lahat ng managers. E, ang hinihingi lang naman namin kasi, ‘Puwede bang isang line [ang aawitin sa kanta]?’

“Sa sobrang daming gustong sumali, hindi naman puwedeng mapagbibigyan lahat na makapag-isang line.

“But, ang pinaka ano namin [main singers], yung Loboc Children’s Choir. So, bukas pupunta na si Ito Rapadas, ang aming producer from Warner.

"Si Ito ang pupunta sa Cebu to record the Loboc Children’s Choir.”

GEARING UP FOR PHILPOP 2014. Bukod sa proyekto para sa mga biktima ng lindol at bagyo, magiging abala na rin si Mr. C sa pagbubukas ng PhilPop 2014.

Nagsimula nang tumanggap ang kanilang website, ang www.philpop.com.ph., ng song entries kahapon, Nobyembre 15, at magtatapos ang pagtanggap sa Pebrero 28, 2014.

Open ito sa mga amateur at professional Filipino songwriters.

Naging matagumpay ang PhilPop 2013 grand finals noong July 20, kung saan nanalo ang kantang “Dati,” na isinulat nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana, at inawit naman nina Sam Concepcion, Tippy dos Santos, at Quest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya raw si Mr. C na magbubukas na ang pangatlong taon ng songwriting contest.

Sang-ayon sa kilalang music-industry veteran: “Masayang-masaya kami kasi this is our third year, and hindi namin akalain na umabot na ngayon ng pangatlong taon. Very successful po kasi yung second year namin.

“Lagi po naming sinasabi sa mga judges na kung puwede pumili kayo ng kanta na hindi lang mananalo, kung hindi magiging big hit din.

“This has been the problem sa ating song competitions, na yung nananalo ay hindi pinapansin ng publiko, dahil parang ang feeling nila, parang hindi akma sa pandinig ng publiko.

“Pero, for the first time, including the 1978 “Kay Ganda ng Ating Musika,” ngayon lang na ang isang nanalong grand prize winner ay kinikilala ring isang hit—hit sa radyo, hit sa iTunes, hit sa YouTube."

Ang “Kay Ganda ng Ating Musika” ang winning entry mismo ni Mr. C sa 1978 Metropop, na inawit at pinasikat ni Hajji Alejandro.

Pag-amin ni Mr. C sa public success ng "Dati": “Hindi namin ine-expect na ganun ang mangyayari, pero ganun ang nangyari.

"So, nagpapasalamat kami [na nasa] PhilPop sa inyong lahat [media], kasi kasama namin kayo doon sa pagpapalaganap ng Philippine music.

“We are the PhilPop MusicFest Foundation at una sa aming… ang gusto talaga naming mangyari ay to push Filipino music in the forefront of our culture, our society, para ang tangkilikin muna natin ay original Pilipino music [OPM].”



SUCCESSFUL ENTRIES. Ipinagmamalaki nang husto ni Mr. C ang pagiging big hit ng grand winner na “Dati” at maging ng iba pang entries sa PhilPop 2013.

“Phenomenal para sa amin sa PhilPop ang ’Dati,’ kasi eto talaga’ng in-embrace ng malawak na spectrum, dahil almost twelve million hits [sa YouTube]. Malawak na malawak yung spectrum.

“Sana makahanap ulit kami ng ganitong klaseng set ng songs, na by the way, hindi lang ’Dati’ ang hit sa YouTube.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung ’Sana Pinatay Mo Na Lang Ako’ umabot sa six million views sa YouTube. Isa rin iyan sa malakas na malakas sa YouTube.”

Ang “Sana Pinatay Mo Na Lang Ako” ay nilikha ni Myrus Apacible at inawit ni Kimpoy Feliciano.

May maganda rin daw kinapuntahan ang iba pang entries.

“Meron pang iba, tulad ng inawit ni Karylle, yung ’Sa ‘Yo Na Lang Ako.’ Ngayon ay isa ng theme song ng For Love Or Money, at ang kumanta ay ang original composer nito na si Lara Maigue."

For Love Or Money ang weekly primetime drama series ng TV5, na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Ritz Azul, at Alice Dixson.

“Yung awitin na inawit ni Christian Bautista, yung ’Araw, Ulap, Langit’ ay may lalabas na bagong cover para sa bagong CD.

"Si Regine [Velasquez], meron siyang version ng ’Araw, Ulap, Langit’ at ’Sa ’Yo Na Lang Ako.””


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN