Claudine Barretto admits missing sister Marjorie; sends feelers for possible reconciliation

Claudine Barretto on missing her sister Marjorie: “Uhm, I… yesterday, I found myself crying and crying and praying dahil na-miss ko yung Ate Marjorie ko. And uhm, and I wish and pray na if merong chance na magkausap kami balang araw, gusto kong malaman niya na kung anuman ang nakakarating sa kanya, hindi yun totoo. And uhm...yun.”


Matigas pa rin ang paninindigan ni Claudine Barretto sa pagsabing malabo na magkakaayos sila sa ngayon ng kanyang asawang si Raymart Santiago.

Pahayag ni Claudine tungkol dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng entertainment press kagabi, November 15: “Uhm, only time can tell talaga.

“You know, that’s something that I really pray hard for talaga. I pray for na, na bigyan sana ako ng Diyos ng grace to forgive, ’coz it’s not easy.

"Kasi, hindi naman niya, hindi naman niya pinapakita na, uhm, na gusto niya ng peace, e.

“Even in his interviews, although nag-mellow down na, laging may hirit, laging may patama, laging may ganun na.

"Kaya mahirap magtiwala ulit.

“I think it’s gonna take a lot of effort—a lot, a lot of effort. And I don’t think he’s willing to.”

Nagkaroon ng delubyo sa samahan ng dalawa nitong kalagitnaan ng 2013, na nauwi na sa demandahan.

July 29, 2013, nang magsampa ng Temporary Protection Order (TPO) si Claudine laban kay Raymart sa Marikina Regional Trial Court (RTC).

Pahayag pa ni Claudine noon, “I just want to be protected. I just want my children to be protected.”

Naaprubahan ng Marikina RTC ang TPO laban kay Raymart noong August 5, 2013.

Si Raymart naman ay nagsampa ng kanyang petisyon para sa writ of habeas corpus laban kay Claudine noong August 7, para sa kustudiya ng dalawang anak nila.

Kasunod noon, marami pang kasong isinampa si Claudine laban kay Raymart, hanggang sa nagsanga-sanga na ang mga kaso nila sa isa’t isa.

Nakausap ng PEP at ilang miyembro ng entertainment media si Claudine sa Centerstage Timog, sa idinaos na selebrasyon ng kanyang ika-21 taon sa mundo ng showbiz.

MISSING ATE MARJORIE. Sa kabila ng laban nito kay Raymart, may isa pang labang kinakaharap si Claudine—ang alitan nilang magkakapatid na sina Gretchen, Marjorie, at J.J.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalaman ng publiko ang awayan ng magkakapatid noong Abril 2013, nang makipagsagutan si Gretchen sa isang basher nito sa Instagram, na pinaghihinalaan niyang si Claudine.

Marami nang patutsadahan ang magkakapatid mula noon, hanggang sa dinamay na ang kanilang mga magulang na sina Mommy Inday at Daddy Mike.

Sa panahong ito ay handa na ba si Claudine na makipag-ayos sa mga kapatid?

Napabuntong-hininga muna ang bunso sa pitong magkakapatid na Barretto bago sumagot.

Lahad niya, “Uhm, I… yesterday, I found myself crying and crying and praying dahil na-miss ko yung Ate Marjorie ko.

“And, uhm, and I wish and pray na if merong chance na magkausap kami balang araw, gusto kong malaman niya na kung anuman ang nakakarating sa kanya, hindi yun totoo. And uhm… yun.”

Sa tono ng boses ni Claudine na gumagaralgal, mapapansing tila handa na siyang makipag-usap sa kanyang Ate Marjorie.

Pero, idinagdag rin nitong may ikinakatakot siya hinggil dito.

Paliwanag niya, “Natatakot ako dahil ayokong… ayokong ma-disappoint, ayoko.

"Ayoko talaga, ayoko ma-reject, ayokong ma-ano…

"Pero, as of yesterday, ganun. As of two days ago until kagabi, ganun yung pakiramdam ko… na sana kahit makapag-usap lang.”

I WILL NEVER DO ANYTHING TO HURT HER CHILDREN.” Naitanong din ng PEP contributor na si Gorgy Rula kung ano ang mensaheng gustong iparating ni Claudine kay Marjorie nung umiyak siya.

Maluha-luhang tugon nito, “Na, kung ano man yun, yung iniisip nila, hindi ako yun. Uhm… and I swear on my children’s lives, I will never do anything to hurt her children.”

Inusisa ng PEP kay Claudine kung yung pahayag niyang "I will never do anything to hurt her children" ay patukol sa Instagram post ng isang basher, na pinaghinalaan nila Gretchen at Marjorie na walang iba kundi si Claudine.

Nalathala ang naturang mga komento nina Marjorie at Gretchen dito sa PEP noong April 15, kung saan sinabi ni Gretchen, “That basher warned us that if Julia enters Star Magic she will do everything to ruin Julia because she claims she is the teleserye princess & will remain that way till the end of eternity.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mariin itong itinanggi ng dating Kapamilya Primetime Queen.

Saad niya, “No, no, no, no, no! And basta, any. Lahat, lahat ng mga anak niya. Lalo na yung mga girls, at saka si Leon.”

May limang anak si Marjorie—sina Dani, Claudia, Julia, Alexandra, at Leon.

SI MARJORIE LANG…” Sa tingin kaya niya ay open na si Marjorie sa isang reconciliation?

Pag-amin nito, “Hindi ko alam talaga. Hindi ko alam talaga. But, uhm, ipinagdarasal ko pa rin, na sana matandaan niya yung ako.”

Si Marjorie lang?

Mahinahon, pero may diin nitong tugon: “Si Marjorie lang.”

Kung willing na siyang makipag-ayos kay Marjorie, paano sina J.J. at Gretchen?

Maituturing ba niyang sila na lang ang bigat na dinadala niya sa ayawan nilang magkakapatid?

Hindi ito tuwirang sinagot ni Claudine.

Saad niya, “Si J.J., I will always love my brother through thick and thin.”

Wala siyang hinanakit kay J.J.?

Medyo may taas ang tono nitong sumagot ng, “Meron! Pero…”

Tanong ni Gorgy, “So, naintindihan mo kung bakit siya nagkaganun?”

Pagsang-ayon ni Claudine, “Iniintindi ko.”

INFLUENCED BY GRETCHEN? Masasabi ba niyang naimpluwensiyahan ang kanyang Kuya J.J. at Ate Marjorie ng kanilang Ate Gretchen?

Sagot ni Claudine, “Ayokong… ayoko namang sabihing nai-impluwensiyahan ng isang kapatid ko. Uhm, naniniwala ako na matatalino naman sila at may sari-sariling mga utak.

“Meron lang minsan talaga, uhm, di ba minsan, di ba alam naman natin lahat na, minsan yung lies of the enemy talaga malakas? Para, para masira ang isang pamilya?

"Yun naman ang goal talaga ng demonyo, di ba?

“And, uhm, nagkataon lang na parang nakikita ko sa family ko, namin, na parang nagpapasira kami dun. Nagpasira kami dun.”

Inaamin ni Claudine na hanggang ngayon ay masakit sa kanyang kalooban ang mga akusasyong ibinato sa kanya ng mga kapatid.

Sabi niya, “Oo, sobra.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi ba niyang meron lang isang tao sa kanilang pamilya ang nagpapasira nito?

Lahad nito, “Ayokong mag-isip ng masama, na itong tao lang na ’to o ano, pero kung sinuman ang nagfi-feed sa tao, mga kapatid ko o kung sila lang yun o kung anuman yun—sana lang lumabas rin yung totoo at ma-realize nila na hindi talaga ako yung iniisip nila.”

MESSAGE TO MARJORIE. Ano ang mensaheng nais niyang iparating kay Marjorie?

Sabi ni Claudine, “Ayoko na, kasi baka sabihin nila [ng publiko] na ano, ’Bakit hindi na lang tawagan?’

"Hindi ko po alam ang phone number ng kapatid ko. Uhm, hindi naman ho ganun lang kadali.”

Panigurado ni Claudine, na kung may pagkakataon, siya mismo ang unang tatawag sa Ate Marjorie niya o di kaya ay lalapit dito.

Dagdag pa niya, “Yes, yes.”

Nakiusap din si Claudine, na kung makarating ang kagustuhan niyang makipag-usap sa nakakatandang kapatid, sana raw ay huwag isiping idinaan niya sa media ang pakikipag-ayos.

Paliwanag niya, “Sana lang na huwag nila isipin na dinadaan ko sa [media], kasi wala naman akong ibang way na ipadaan sa kanila.

"Di naman sa parents ko, of course, hindi rin naman kahit kanino.”

Ano ang trigger para buksan niya ang sarili sa posibilidad ng pakikipag-ayos kay Marjorie?

Mahinahon nitong sabi, “Nagdadasal ako.”

CHRISTMAS WISH. Nalalapit na ang pagdiriwang ng Kapaskuhan. Ito rin kaya ang wish niya sa Pasko?

Saad nito, “Uhm, ang wish ko sa Christmas is good health. And long life para sa parents ko.”

Ano ang nakikita niya sa kanilang noche buena sa araw ng pasko?

Patotoo ni Claudine, “Ang tagal-tagal na, mga two, three years nang wala. So, hindi ko… wala.”

Sa huli, umaasa ba siyang mabuo ang pamilya nila sa noche buena?

Sagot ni Claudine, “Ayokong umasa. Hindi ako yung ganung klaseng tao e, umaasa ako, tapos…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’ll just expect the worst na lang, tapos kung maganda yung kinalabasan, thank you na lang sobra.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN