Ruru Madrid on possibility of being more than friends with Julie Anne San Jose: “Naniniwala naman ako sa destiny.”

Ruru Madrid on why he is being teased about Julie Anne San Jose: “Nung first cycle po kasi sa Sunday All Stars, magka-team po kami. So parang sila Sef [Cadayona], maloko po kasi yung mga yun e, parang kahit sino na lang lolokohin po. So kaming dalawa po yung tinukso. So ayun po, lagi kaming tinutukso.”


“Ang target po talaga ng direktor namin at producer, isali sa Venice Film Festival, so excited po ako,” kuwento ni Ruru Madrid tungkol sa indie movie niyang Above The Clouds.

Mabigat ba ang akting na ginawa niya sa Above The Clouds?

“Opo! Kasi yung role ko po kasi dito sobrang ano ito e, parang, sobrang mabigat na kung tawagin.

“Kasi, heavy drama yung story. Like yung mga magulang ko, namatay dahil sa Ondoy, tapos sinisisi ko yung sarili ko. So parang ganun po, medyo masakit po siya.

"’Tapos, sobrang galing po kasi ng staff.

“Kasi nga medyo bata pa ’ko, so nakakasakay po ako sa kanila. ’Tapos pagka po medyo nahihirapan ako, tatanungin ko lang po yung direktor namin, alam po niya lahat,” kuwento ni Ruru sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naganap ang kuwentuhan sa taping ng Dormitoryo, noong Nobyembre 7, sa Divine Word Seminary sa Tagaytay City.

Kapag heavy drama scenes, paano niya namo-motivate ang sarili? Saan siya humuhugot ng emosyon?

“Ako po kasi, parang bago pa lang po ako mag-take o kaya bago pa lang mag-start yung shooting namin, iniisip ko nandun ako sa character ko na, ‘Ay, patay na yung mga magulang ko dito!’

“So madali na lang po para sa akin na, ’Okay, o ano, action!’

“Madali na lang po para sa akin yung ganun po. Sana nga po yung ilalaban nga po sa Venice, sana may pag-asa po akong manalo dun,” banggit niya.

Pupunta sila sa Venice sa 2014.

“Siguro po, pati raw po yung dubbing, doon gagawin.”

Ang direktor nila ay si Pepe Diokno, na kabilang sa angkan ng yumao at tinitingalang Senador Jose W. Diokno.

Ayon kay Ruru, nakuha siya para sa Above The Clouds dahil katipo niya ang Pinoy Rock legend na si Joey "Pepe" Smith.

Aniya, “Nung nakita po nila ako, tapos yung salita ko raw po at saka yung porma.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Payag siya na maging kamukha ni Pepe Smith?

“E sila po nagsabi e, at saka okay lang naman po,” natatawa niyang sagot.

May mga nagsasabi rin daw na kamukha niya si Matteo Guidicelli, Enrique Gil, at Borgy Manotoc.

BRAVING THE COLD. Isang taon pa lamang sa showbiz si Ruru.

Pero hindi siya nawawalan ng project. Ngayon nga ay tatlo ang projects niya—ang Akin Pa Rin Ang Bukas, ang Sunday All Stars, at ang Dormitoryo.

“Matagal po akong hindi nag-teleserye, like after ng Paroa [Ang Kuwento Ni Mariposa], kasi nga po nag-indie nga po ako, e.

“Tumira po ako sa Baguio, sa Sagada, sa Mount Pulag po ng one month.

“Nag-trekking po kami ng seven hours paakyat para po dun sa movie,” dagdag pa ni Ruru.

Inamin ni Ruru na nahirapan siya sa kabuuan ng shooting.

“Mahirap po, kasi sobrang lamig po, e. Nung nandun po kami sa Pulag, sa tent po kami,” detalye pa niya.

Kasama raw niya ang buong staff ng pelikula, at dalawa lang silang artista sa pelikula.

“Kami lang pong dalawa, pero si Pepe Smith hindi niya po kayang umakyat.

“Nahirapan po talaga ako, tapos sinabi ko sa sarili ko, parang ‘Once lang ako pupunta sa lugar na ito!’

“Kasi sobrang hirap po, as in nilagnat po ako, malamig, sobra po, tapos parang ang nipis ng hangin pag umaakyat ako kaya mabilis mapagod,” pag-amin pa niya.



CRUSHES. Tinanong ng PEP si Ruru kung sino ang mga crushes niya sa showbiz.

“Medyo marami po,” at natawa ang male teenstar.

“Siguro si Barbie [Forteza], tapos si Julie Anne [San Jose], tapos yung isa po sa ibang channel, si Julia Barretto.”

Natsitsismis sila ni Julie Anne.

Paglinaw niya, “Si Julie po kasi, parang ano lang po, kaibigan lang po talaga.”

Bakit sila tinutukso?

“Ewan ko lang po, pero para sa akin po, friends lang talaga kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tsaka... pero ewan ko, kung may mangyari mang ano, kasi naniniwala naman ako sa destiny,” at tumawa si Ruru.

May pinanggagalingan ang tuksuhan?

Kuwento ni Ruru, “Wala naman po. Nung first cycle po kasi sa Sunday All Stars, magka-team po kami, so parang sila Sef [Cadayona], maloko po kasi yung mga yun e, parang kahit sino na lang lolokohin po.

“So kaming dalawa po yung tinukso, so ayun po, lagi kaming tinutukso.”

Pareho silang walang karelasyon, pero tatlong taon ang agwat ng edad nila, 18 anyos si Julie Anne at 15 naman si Ruru.

LIKES OLDER WOMEN? Okay lang ba kay Ruru na magkaroon ng karelasyon na mas matanda sa kanya?

“Ako po kasi, mas gusto ko po kasi talaga yung older girl, kasi... Hindi ko po alam. Parang mas comfortable ako pagdating sa ganun,” saad niya.

Ano ang meron sa older girls?

Aniya, “Hindi ko po alam, parang siguro po, hindi kasi ako... Mukha po akong mature e. So pagka may nakita, kunyari mas bata sa akin na kasama ko, parang magmumukha na akong kuya, ganun.”

Nagkaroon na siya ng girlfriend dati.

“Pero hindi naman po yung tipong seryoso kasi bata pa po ako nun, e.”

Thirteen siya nang magka-first girlfriend si Ruru.

“Puppy love lang siguro, two months ’ata o one month.”

BEING GROOMED FOR BIGGER BREAK? May balitang pagkatapos ni Alden Richards ay si Ruru naman ang ibi-build up ng GMA Network.

Ano ang comment niya tungkol dito?

“Sana po,” at natawa uli si Ruru.

“Nae-excite po ako dun, pero siyempre po, nape-pressure rin po ako.

“Kailangan kong mas ibigay pa yung best ko, at kailangan kong isipin na parang itong taping na ito, last na ito, e.

“Parang lagi kong iniisip na ganun, so sana po mangyari po yung sinasabi nila.”

SETTING GOALS. Ano pa ang gusto niyang ma-achieve sa showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako po, ang gusto ko lang po, yung hanggang tumanda ako nasa showbiz pa rin po ako. Ayoko nung katulad sa iba na nawawala agad.

“Siguro iiwasan ko po talaga yung barkada, siguro hahanap ako ng tamang barkada.

“Iiwasan ko yung mga bisyo, ayoko po talaga,” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN