Ogie Diaz earns nomination for Best Male Showbiz-Oriented Talk Show Host in 27th Star Awards for Television

Ogie Diaz on his expectations about Star Awards’ nomination: “Kahit manalo o matalo, keri lang. Alam mo naman, hindi naman sa pag-ano. Na-appreciate ko yung recognition pero pansinin mo, generally speaking, yung awards ngayon lang ’yan. Pag nanalo ka, after a week, makakalimutan na naman ’yan ng mga tao, di ba? Parang teleserye na kapag napalitan na, nakakalimutan na ang luma kasi nakaabang ka na sa bago.”


Nominado sa darating na 27th Star Awards for Television ang entertainment writer-showbiz talk show host na si Ogie Diaz para sa kategoryang Best Male Showbiz-Oriented Talk Show Host.

Gaganapin ang awarding ceremonies sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo, Quezon City, sa November 24.

Ang nominasyon ay nakuha ni Ogie para sa kanyang paghu-host sa weekend showbiz talk show na Showbiz Inside Report ng ABS-CBN, na natapos nang umere noong nakaraang September 28, 2013.

Sa nasabing kategorya, makakalaban ni Ogie ang mga beteranong TV hosts—tulad nina Joey De Leon, Ricky Lo, at Butch Francisco para sa Startalk ng GMA Network; Jose Javier Reyes at Mr. Fu para sa Ang Latest ng TV5; at ang co-host niya sa Showbiz Inside Report na si Joey Marquez.

Nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie noong November 14, Biyernes, sa McDonald’s sa Timog Avenue, Quezon City, nagpahayag siya ng kanyang saloobin tungkol sa nasabing nominasyon.

Bungad ni Ogie na natatawa, “Heto, masaya. Actually, hindi ko alam.

“Hindi... noong sinabi sa akin ’yan, sabi nila kasi Hall of Famer na si Kuya Boy [Abunda].

“Buti, kasi kung hindi, wala naman kami. Parang... alam mo naman, pag si Ama [tawag ng iba kay Boy], alam naman natin na suko kami pag si Boy Abunda.

“E, wala na si Kuya Boy, labanan na ’to!”

Ibinigay na ng Philippine Movie Press Club (PMPC) kay Boy Abunda ang pinakamataas nilang karangalan—ang Hall of Fame award—noong 25th Star Awards for Television noong 2011.

Ang PMPC ang siyang nagbibigay ng taunang Star Awards.

Dugtong pa ni Ogie, “Ang malungkot nga lang na part, nawala na yung show. Nakansel na.

“Pero sabi ko, pag ako ay nanalo ay magsisilbing tulay na magkaroon uli ako ng show, although meron akong show na darating.

"Pero pang-TFC [The Filipino Channel ng ABS-CBN] siya na. As in, sa abroad lang ako mapapanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero masaya naman ako dun kasi marami akong magiging kaibigan sa abroad.

“One and a half hours siya na... parang ano, Buzz Ng Bayan Online.

"So, nasa studio sina Kuya Boy, Carmina [Villarroel], at Janice [de Belen], ako naman nasa labas.

“Parang ano ako e, TV on demand, kasi ang mga TFC subscriber, ang gusto nila ay balitang artista, e.

“Hindi ako talaga part ng Buzz Ng Bayan,” paglilinaw niya.

HIGH RESPECT FOR BOY ABUNDA. Napag-usapan ang pagiging Hall of Famer ni Boy Abunda. Para kay Ogie, nag-iisa lang si Boy pagdating sa showbiz TV hosting.

“Wala naman talagang tatalo kay Kuya Boy,” mariin niyang sabi.

“Dyusko naman, kahit ako, hindi ako kokontra kapag si Kuya Boy ang nananalo.

“Baka nga kung natalo siya noon, magtaka pa, ’Teka muna, ano yun?’ Baka marami ang nag-aklas, lalo na kung hindi naman deserving ang nanalo.

“Ngayon, a-attend ako [sa Award’s Night]. At least, kahit man lang nomination, ’Day.

“First nomination ko sa Star Awards, kasi dati, yung sa morning show ko na UKG [Umagang Kay Ganda], Magandang Umaga Bayan, lahat kami ay panalo.

“Hindi yung solo-solo.”

NOT EXPECTING TO WIN. Handa naman daw siya sa kung anuman ang maging resulta sa susunod na linggo.

“Kahit manalo o matalo, keri lang,” walang pasubaling saad niya.

“Alam mo naman, hindi naman sa pag-ano.

“Na-appreciate ko yung recognition, pero pansinin mo, generally speaking, yung awards ngayon lang ’yan.

“’Pag nanalo ka, after a week, makakalimutan na naman ’yan ng mga tao, di ba?

“Parang teleserye na kapag napalitan na, nakakalimutan na ang luma kasi nakaabang ka na sa bago.

“Ako naman, meron akong loyalty award sa ABS-CBN. Twenty-one years na ako sa kanila.

“Matagal na ako pala. Panahon pa ng Palibhasa Lalake bilang si Pekto, tapos nag-Showbiz Linggo pa ako.

“Kami ni Monti [Tirasol, isa ring movie columnist], sa Abangan Ang Susunod Na Kabanata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, ang huli ko ay yung Huwag Ka Lang Mawawala. Tapos heto, three months na akong walang show.

“Sabi naman ni Tita Cory [Vidañes, ABS-CBN channel head], ’Kelan ka ba naman pinabayaan? So, hintay ka lang.’

“So, okay. Hintay lang ako.”

VALUES RECOGNITION. Kahit trabaho ang priority niya, mahalaga raw para kay Ogie ang isang award.

Aniya, “Mahalaga sa akin kasi nare-recognize ang talent mo... kinikilala.

“Pero yun nga, katulad ko, tatay na ako, e. Meron na akong pamilya, mas kailangan ko ang trabaho.

“Masarap isipin na pareho nasa sa iyo ang dalawa—meron kang trabaho, tapos nasusuklian pa ng award ang mga pinagpaguran mo. Bongga yun.”

Bahagi siya ng pelikulang Call Center Girl ng Star Cinema, na ipalalabas na sa November 27.

Kasama niya rito, bukod sa bidang si Pokwang, ang dalawa pang kilalang beking komedyante sa showbiz—sina John "Sweet" Lapus at Chokoleit.

Mabuti nga raw at hindi sila nagpapatalbugan o nag-aagawan sa mga eksena.

“Ay hindi,” bulalas niya. “Unang-una, hindi kami magkakasama sa eksena.

“Sina Sweet at Chokoleit, sila ang laging magka-eksena, kasi sila yung nasa call center.

“Ako,ako y ung nasa bahay na may karamihang eksena with Pokwang.

“Basta ang sabi ko kay Poke [palayaw ni Pokwang], gawin na nating bonggang-bongga ang mga eksena natin.

“Masaya ang pelikulang ito, kaya, panoorin nila, ’noh?”

NO ILLUSIONS. Si "Sweet" ay hindi na raw umaasa na magkakaroon pa ng launching movie. Si Ogie ba, bilang komedyante, ay nangangarap magkaroon ng solo movie balang araw?

“Yung si Sweet, alam ko kanya yung Boy Girl Bakla Tomboy movie e,” sabi ni Ogie.

“Pero, ang alam ko ay siya na yung... kaya napunta sa lola mo [Vice Ganda].

“Ako naman, bukas ako sa katotohanan na pang-support lang ako, ’Day. Wala akong ilusyon na magbida.

“Pero kahit support lang ako, nagkakaroon naman ng marka yung mga teleseryeng nilalabasan ko, katulad noong May Bukas Pa, Walang Hanggan, parehong naka-one year sa airing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang makapagtrabaho ay okay na ako, kasi ang pinaka-trophy ko naman ay yung mga anak ko.

“Kaya hindi ako naiinip, e, kasi yung mga anak ko ay nakikita ko every day at talagang nakikita kong lumaki.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN