Miss World 2013 Megan Young to grace series of U.S.-based fund-raising events for Yolanda typhoon victims

Ayon sa Miss World website, “The Miss World charity, Beauty With A Purpose, has made the decision to direct all of its fund-raising efforts into supporting the people of the Philippines. The newly crowned Miss World, Megan Young, who is from the Philippines, will be attending fund-raising events in the United States next week to raise as much money as possible to help her fellow Filipinos.”


Pangungunahan ni Miss World 2013 Megan Young ang ilang charity events sa U.S. sa darating na linggo para makapaglikom ng donasyon para sa mga biktima ng tropical cyclone Yolanda sa Pilipinas.

Ang Yolanda, na may international name na Haiyan, ay sinasabing pinakamalas ng typhoon na nag-landfall sa kasaysayan ng mundo.

Si Megan mismo ang pupunta sa Pilipinas para personal niyang dalhin ang mga matatanggap na donasyon sa tulong ng Miss World organization.

Ayon sa Miss World website, “The Miss World charity, Beauty With A Purpose, has made the decision to direct all of its fund-raising efforts into supporting the people of the Philippines.

“The newly crowned Miss World, Megan Young, who is from the Philippines, will be attending fund-raising events in the United States next week to raise as much money as possible to help her fellow Filipinos.”

Sa November 19 ay makakasama ni Megan ang Philippine Consul General sa New York na si Mario Lopez de Leon, Jr., sa isang charity dinner ng ilang miyembro ng Filipino community sa New York.

Sa November 20 naman, dadalo si Megan sa fund-raising dinner sa Doubletree Hilton I sa Newark, New Jersey.

Ayon sa news release ng Miss World organization, naunang plinano ang dinner bilang reception lamang para sa Filipina title-holder.

“Originally planned as a reception dinner celebrating the coronation of the Philippines first ever Miss World, the event will now focus on the fund-raising powers of the Miss World Organization, with everyone coming to the event making a donation to the relief funds,” ayon pa sa news release.

Sa November 21, tutungo naman si Megan sa Los Angeles, California, para sa isang fund-raising dinner sa Beverly Hills Country Club, na inorganisa ng Philippine Consul General sa Los Angeles na si Maria Hellen Barber De La Vega.

Ang magiging highlight ng naturang event ay ang auction ng mga gowns na sinuot ni Megan sa kanyang pakikipag-compete sa Miss World pageant sa Bali, Indonesia, noong nakaraang September 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The auction will feature some of the iconic dresses that she [Megan Young] wore on her journey to the Miss World Final and beyond, including her National Dress Costume, her homecoming gown and the outfit she wore when she was crowned Miss World in Bali,” saad pa sa website.

Magbabalik-Pilipinas si Megan para sa kanyang second homecoming sa November 27. Siya mismo ang magdadala ng mga cash donations na kanyang nalikom.

Sasamahan si Megan ng delegation mula sa Miss World organization sa pagbisita niya sa Tacloban City sa November 28, at sa Coron, Palawan, sa November 29.

Sobra nga raw naapektuhan si Megan nang mabalitaan niya sa TV ang matinding nangyari sa ating mga kababayan pagkatapos ng hagupit ni Yolanda.

Ang kanyang inang si Victoria Young ay taga-Antique, na isa sa mga probinsyang tinamaan ng super typhoon.

Lagi ngang nagpapadala ng mensahe si Megan sa kanyang Twitter account na magdasal at huwag mawalan ng pag-asa ang kanyang mga kababayan dahil hindi sila pababayaan ng Diyos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN