Maricel Laxa-Pangilinan keeps her relief efforts low key: “It’s not something that should be announced.”

Maricel Laxa-Pangilinan on not letting herself get ruffled by negative reports on typhoon relief efforts: “You know, ang focus ko now is what is positive, what is working. I don’t want to think of what is not working. We just do what we can and stop pointing fingers on who’s doing nothing, who’s better, kasi, as Filipinos, we have to be one. We cannot have that crab mentality, we have to help each other. We’re just wasting our time trying to


Isa si Maricel Laxa-Pangilinan sa mga artistang lubhang naapektuhan sa nakitang paghihirap ng mga kababayan natin sa Leyte dulot ng tropical cyclone Yolanda.

Kasama ang kanyang pamilya, nagbabalak si Maricel ng isang fund raiser. Lima ang anak nina Maricel at Anthony Pangilinan, kapatid ng dating Senador Francis "Kiko" Pangilinan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maricel sa nakaraang Uratex Kensington event, na ginanap sa Our Home, SM Megamall, noong nakaraang November 14, kung saan naging host ang aktres.

Dito ay pinahayag ni Maricel kung gaano siya naapektuhan ng trahedya bilang isang Pilipino at bilang isang ina.

Kuwento niya, “Kadarating lang namin ni Anthony from the New York marathon, tumakbo kami dun. After coming back here, sinalubong kami ng tragedy na nangyari sa Pilipinas.

“All of the efforts of the family, we are helping in whatever happened in this devastation.

“My children are the ones mounting it, but we’re also doing other things now. We’re not announcing kasi it’s not something that should be announced.

"All our efforts right now are towards them, kasi nanay ako, nakikita ko na maraming pamilya ang nasalanta.

“Kahit wala ako dun umiiyak ako nang umiiyak, ano pa kung nandun ako? Saka nung tumatakbo kami sa New York, it was just last week, nung pauwi kami dito, yun ang pagdating ni Yolanda.

“Last year, di kami nakatakbo sa New York kasi nandun yung Hurricane Sandy, pagbalik naman namin mula sa New York, pagbalik namin, itong Yolanda.

“Tumatakbo ako sa New York, ang ginaw-ginaw, that was 10 degrees. Ilang oras lang akong giniginaw pero ang utak ko feeling ko magiging frozen na, what more yung mga kababayan natin na ilang araw na sa ginaw.

“Naiintindihan ko, at saka nanay ako, I know what it feels na mawalan ka ng bahay, na may mga anak ka na hindi mo mahanap. Mahirap. So yung efforts namin ngayon is tumulong."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FOCUS ON THE POSITIVE. Hiningan din ng PEP ng reaksyon ang aktres sa puna ng marami na mabagal ang aksyon at kulang ng koordinasyon sa loob ng gobyerno upang rumesponde sa kalamidad na kumitil na ng ilang libong buhay.

“You know, ang focus ko now is what is positive, what is working. I don’t want to think of what is not working.

"We just do what we can and stop pointing fingers on who’s doing nothing, who’s better, kasi, as Filipinos, we have to be one.

“We cannot have that crab mentality, we have to help each other. We’re just wasting our time trying to find out who’s not doing what they’re supposed to do.”

Tulad ng lahat, labis-labis din ang pasasalamat ng actress/host sa tulong na pinagkakaloob ng ibang bansa sa mga kaababayan natin sa Central Visayas.

Saad niya, “Of course, siyempre. We are one world, we have to help each other out. At one point or another, lahat naman ‘yan may mga pagdadaanan din, kanya-kanyang trahedya. Pagtutulungan lang talaga.”



FOCUS ON FAMILY. Matatandaang noong kasagsagan ng kanyang showbiz career, kasabay ni Maricel ang mga tulad nina Dawn Zulueta at Richard Gomez.

Bagamat hindi na masyadong aktibo si Maricel sa showbiz, marami pa rin ang nagtatanong kung kailan siya mapapanood muli sa pelikula o teleserye.

Sagot ni Maricel, “I’ve never really left, kaya lang there are seasons in a person’s life.

"I’m enjoying my show in DZMM, it’s a teleradyo about family.

“I do a lot of hosting jobs and we do training for parents, so I am in consultancy. But my main focus is my family, lima yung anak ko!

“That’s my season in my life right now and my focus, so it takes a lot of my time. Di puwede masyado yung mga puyatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, nami-miss ko, pero may iba akong season ng buhay ko ngayon.

"I have many offers but the offers are not yet swak to my schedule. Eventually, magkakatugma din ‘yan, pero kasi my focus right now is my family.”

Dagdag paliwanag nito, “It has to be really the right time, the right place, and the perfect project.

"I am easy to call, they know how to reach me, it’s just that timing is everything. Right now, it’s a season na iba yung prayoridad ko.

“Di ko masasabi na I regret it ’coz I’m having a great time in my life, enjoying my family and my advocacy... In time, of course.”

FULL SUPPORT FOR KIDS. Siniguro naman ni Maricel na kung may mga anak siyang magiging interesadong pasukin ang showbiz, di sila hahadlang na mag-asawa.

Pakli niya, “Ay, lahat sila mahilig mag-showbiz, pero inclination nila more on broadcasting, more on behind-the-scenes. Mayroong hilig mag-artista na singer, guitarist.

“Sususportahan namin, kasi kami, kung ano ang hilig ng mga bata, we will support them. Kasi yun naman ang role ng mga magulang. Eventually, mahahanap nila ang sarili nila, ikaw support ka lang."

FORMULA FOR HAPPY MARRIAGE. Tinanong din namin si Maricel kung sa palagay niya, para magtagumpay ang pagsasama ng isang showbiz couple, ay dapat mag-lie low ang isa sa kanila, o silang dalawa, gaya ng nangyari sa kanilang mag-asawa.

Pagtanggi ni Maricel, “I don’t think that’s the formula for a happy marriage. Formula for me is, magkasundo kayo ng asawa mo, pareho kayo ng pananaw, at saka naka-anchor kayo sa Panginoon.

“Kung kailangan ninyong bigyan ng pansin yung, halimbawa, yung career ko, kung yun ang gusto kong gawin, full support ang asawa ko.

“Kailangan you bring out the best in each other, and my husband never stops me from doing my showbiz career. No.1 fan ko pa nga ‘yan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s just that my priority as a mother of five children, it’s something na kina-career ko. When I get into something, whatever it is, full passion ko ‘yan.

“Di biro ang magpalaki ng mga anak, and I think my main contribution to society is bringing up my children to be an asset to society. Dapat mabuti silang miyembro ng society.

“Yun na ang ’giveback’ ko sa Panginoon, na pinaalaga niya sa akin ang mga anak ko. Yung mga needs ko, wants ko, career, options ko—God will take care of everything.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN