Marian Rivera on relief efforts for Yolanda victims: “Huwag na lang nating pag-usapan kung ano yung mga naitutulong.”

Marian Rivera on blessings coming her way: “Not all the time, nasa itaas ka, nasa gilid ka, nasa ibaba ka—so, umiikot naman ’yan. Kaya dapat, kung may pagkakataon, gina-grab mo ’yan at minamahal, at ina-appreciate mo kung anong meron ka.”


Tulad ng kasintahan niyang si Dingdong Dantes, aktibo rin ngayon si Marian Rivera sa pagtulong para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda—sa sarili niyang paraan.

Pahayag ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, si Dong at ang mga miyembro ng Navy ang nandiyan.

"Siyempre, kami yung mga nasa likod, na nagpa-pack kami, tapos yung mga donations siyempre.

“At hangga’t kaya namin, o ni Dong mismo, na pumunta sa mga napinsala nitong bagyo e gagawin nila ’yan.”

Kung pupunta ba si Dong ay sasama siya?

Sagot ng aktres, “Well, ayokong mangako, pero siyempre gusto kong sumama.

“Kung puwedeng makasama, bakit hindi?”

Si Marian ay nag-donate ng mga personal niyang mga gamit para mai-auction, at ang mapagbibilhan dito ay gagamitin para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Sabi niya, “Actually, hindi lang ako, maraming artista, maraming mga hindi artista, may mga reporters, kung anuman ’yan, lahat tayo tumutulong.

“So siguro, mas maganda na huwag na lang nating pag-usapan kung ano yung mga naitutulong.

"Ang maganda niyan e nagtitipun-tipon ang mga Pilipino para tumulong sa kapwa Pilipino.

“Iyon ang mahalaga dun,” diin niya.

Nakausap ng PEP si Marian sa launching niya bilang Ginebra San Miguel calendar girl for 2014, noong November 13, sa Historia Bar and Restaurant, sa Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City.

CALENDAR GIRL. Sa buong kasaysayan ng Ginebra San Miguel (GSM)—na tinataya sa isang daan at walumpung taon—si Marian pa lang ang umulit bilang calendar girl nito.

Una siyang napiling GSM calendar girl noong 2009.

Pagkatapos ng limang taon, si Marian ulit ang napiling calendar girl para sa 2014.

Saad niya, “Nakaka-flatter, at masaya ako siyempre dahil sa pagkakataong ito.

"Pangalawang beses ko na ito, tapos 180th anniversary pa nila.

“So, salamat sa pagtitiwala nila, di ba?

"Iyon naman ang mahalaga dun, e—yung nagtitiwala, at nagtitiwala sila.”

Dahil naka-two piece swimsuit si Marian sa mga pictorial niya for GSM, lahat ng mga mata, lalo na ng mga kalalakihan, ay muling tututok sa kanyang mga litrato, na tiyak na kakalat sa lahat ng dako ng bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pakiramdam nito? Hindi ba siya naiilang?

Sagot niya, “Hindi naman. Iba na ang generation ngayon.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin.”

BAGONG PANTASYA NG BAYAN? Kung dati’y umani na siya ng libu-libong kalalakihang tagahanga dahil sa kanyang FHM January 2013 cover pictorial, mas lalo pa sigurong pagpapantasyahan si Marian dahil sa kanyang mga sensuwal na litrato para sa GSM.

Ano ang masasabi niya rito?

“Hindi ko alam kung ano’ng magiging feeling.

"Basta, ang hirap sagutin niyan... hindi ko alam!” ang natatawang reaksiyon ni Marian.

Pero masarap ba ang feeling na iyon para sa kanya?

Tugon niya, “Hindi masarap dahil... kung anuman ang nasa isip ninyo.

“Ang hirap sagutin na, ‘O, pinagpapantasyahan ka!’ ‘Oo!’

“Alangan namang gumanun ako?”



LOOKING BACK AT 2013. Paano ilalarawan ni Marian ang kanyang taong 2013?

Pagbabalik-tanaw ng Kapuso Primetime Queen, “Paano ba? Ang hirap isa-isahin.

“Basta habang nagtatagal, mas maraming natututunan.

"Mas marami mang pinagdaraanan, pero mas masaya, mas natututo ka.

"At ang importante diyan, sa lahat ng aspeto, masaya ako—sa pamilya ko, kabilang na ang mama ko, si Papa ko, si Nanay [lola], sa career ko, masaya din ako...

"Sa mga kaibigan ko, sa mga fans na nagmamahal sa akin.

“Higit lalo, mas malalim yung pagmamahalan namin ni Dong at iyon ang mahalaga din sa akin.”

Bongga rin ang pagtatapos ng taon niya sa lahat ng aspeto.

Sabi ni Marian tungkol dito, “Nagpapasalamat ako kay Lord dahil binigyan ulit Niya ako ng pagkakataon para...

"Ganun ang mundo, e, ganun talaga ang buhay ng tao.

“Not all the time, nasa itaas ka, nasa gilid ka, nasa ibaba ka—so, umiikot naman ’yan.

“Kaya dapat, kung may pagkakataon, gina-grab mo ’yan at minamahal, at ina-appreciate mo kung anong meron ka.”

Masasabi ba niyang naibigay na sa kanya ang lahat ngayong taong ito?

“Hindi naman,” sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOOKING AHEAD. Mas may pasabog ba siya sa 2014?

Sagot ni Marian, “Depende, ano bang project meron ako?

"May soap opera ako, may sitcom ako, tapos alam ko may gagawin ulit akong projects na talagang sa bigat, ewan ko.

“At ang dami ko pang pupuntahan na mga lugar para iano [i-promote] ang GMA.”

Sa personal?

“Personal? Sabi ko naman, mahalaga ang media sa akin, mahalaga kayong mga reporter.

"At siyempre, ang GMA station ko, at ang mga nagmamahal sa amin.

“So, kung ano man ang mangyari sa buhay ko ay magiging honest po ako at magkakaroon ako ng presscon kung meron mang pagbabago,” sabi pa niya, na tila may ibang nais ipahiwatig.

Para diretsuhin niya, may nagtanong kay Marian kung next year kaya ay Rivera pa rin ang apelyido niya.

Tumawa muna ang aktres bago sinabing, “Kayo talaga, segue kayo nang segue!”

Ano naman ang masasabi ni Marian na sila raw ni Dingdong ang "Brad Pitt at Angelina Jolie ng Pilipinas"?

“Ha? Basta DongYan, iyon na yun. Basta DongYan na lang kami.

"Kung anuman, kung kinu-compare man kami sa ibang mga loveteam o sa ibang couple...

“E, ano, e, ganyan talaga ang artista, public property ka.

"Anuman ang sabihin nila, anuman ang anuhin nila, wala kang magagawa dun siyempre.

“Mas maganda kung minamahal ka nila at tinatangkilik ka nila at bini-buildup nila yung personalidad ninyo parehas.

"Wala akong nakikitang masama dun,” saad ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN