Danita Paner on new sexy image: "Basta, oh my God, hindi ko pa kayang mag-all the way sa screen!"

Ibinunyag ni Danita Paner na suportado ng kanyang inang si Daisy Romualdez ang pagpu-pose niya para sa FHM. Saad ni Danita, “Gusto talaga niya, siya talaga ang nag-push. Sabi ko, ‘Mommy, kailangan ko ng konting time para mag-prepare.’ Sabi naman niya, ‘Ay, hindi na, kailangang i-push muna ‘yan.’ So, ayun, nakakagulat."


Hudyat na ng tuluyang pagpapa-sexy ng singer-actress na si Danita Paner ang pagsabak niya bilang cover girl ng November 2013 issue ng FHM.

Sa autograph signing niya para sa men’s magazine noong November 15, natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Danita kung tuluyang na ang pagbabago ng kanyang imahe.

Tugon niya, “Noon kasi, kapag tinatanong nila ako, hindi pa ako ready. Now, I’m a bit older, so...

“Yun nga, sabi ko, ‘Baka puwede na nating gawin.’

"At si Mommy [Daisy Romualdez], she’s very supportive.

“Gusto talaga niya, siya talaga ang nag-push.

"Sabi ko, ‘Mommy, kailangan ko ng konting time para mag-prepare.’

“Sabi naman niya, ‘Ay, hindi na, kailangang i-push mo na ‘yan.’ So, ayun, nakakagulat.

“So ngayon, heto, lahat ng pegs ko dito, pinagbigyan ako ng FHM.

"Ano ba ako dito, parang nangangain? Hindi naman."



DIET AND WORKOUT. Kuwento pa ni Danita, lahat ng gusto niyang ipakita sa pictorial ay nasunod naman ng magazine.

Sabi ng 24-year-old actress-singer, “Lahat ng pegs, ako ang nag-suggest na parang indie, rock star vibe na... oo, ganoon. Amen.”

Paano ba siya nag-prepare para sa kanyang sexy pictorial?

Sagot ng Viva contract artist, “I have two weeks to prepare, so nag-workout ako.

“Nag-prepare ako, kasi ayaw ko namang mapahiya.

"Ayun, diet-diet ng konti, hindi masyadong kumakain.

“Yung mind ko, naka-set na talaga na kapag nag-pictorial na kami, I wanna make sure na handa ako mentally, physically, and emotionally.

“Kaya nang mag-start na kami, go na lang ako nang go.

"In-enjoy ko talaga siya, parang, ‘Moment ko ‘to!’ Ganoon.”

Hudyat na nga ba ito sa mas daring roles niya sa pelikula o telebisyon?

Sabi ni Danita, “Well, ngayon, kinu-consider ko na siya, unlike before na nalinya ako sa pa-sweet, very safe.

“Ngayon, nakausap ko na rin sina Boss Vic [del Rosario, Viva president].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May plans na sila, pero magmi-meeting pa rin uli kami tungkol dito.

“Basta, oh my God, hindi ko pa kayang mag-all the way sa screen!

"Iba kasi kapag sa movies and television, di ba, unlike sa pictorials?

“So, malalaman natin later, depende siguro sa istorya.”



MODELS’ FAN. Biro namin sa kanya na siya na ang papalit kay Rufa Mae Quinto na isa sa pinakaseksing artist ng Viva Entertainment.

Pahayag naman ni Danita, “Idol natin ‘yan si Ate P-chi [palayaw ni Rufa Mae].

“Pero siyempre, malaki na ang napatunayan niya... kakasimula ko lang.

"Hindi naman siguro ako. Baka may iba pa before me, di ba?

"Nag-iisa lang siya sa level na ‘yan, di ba?

“Ay, sana, magustuhan din ako ng mga tao,” asam pa niya.

Ayon pa kay Danita, maraming sexy stars ang hinangaan niya na naging FHM cover girls din.

“Lahat kasi ng FHM models, nagandahan talaga ako.

“Lalo na yung time ni Aubrey Miles, fan talaga ako ni Ate Aubrey.

“Kaya tinuturuan niya ako ng mga workout-workout. Sobrang sexy niya, di ba?

"Ever since naman, ang gaganda ng cover girls ng FHM.”


“PANTASYA NG BAYAN.” Sa pagbabago ng kanyang imahe, tuluyan nang mabubura ang dating image niya bilang “Rebellious Princess.”

Nag-ugat ang titulong ito mula raw nang magrebelde siya noon sa kanyang ina.

“Ay, hindi naman ganoon ang gusto ko!” natatawang tanggi niya.

“Minsan, naririnig-rinig ko pa rin kapag ini-intro ako.

“Hindi naman yun ang image ko, pero ewan ko, yun ang dating ko sa kanila.

“Well, I guess statement din yun, pero sana, not in a negative way.”

Ngayong ipinakita na niya kung anong meron siya, nagsisimula na rin siyang maging “Pantasya ng Bayan,” lalo na sa mga kalalakihan.

Ano ang masasabi niya rito?

Kaswal na sagot ng dating TV5 contract artist, “It’s a compliment na rin para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, marami nga ang nagti-text sa akin, marami ang nagulat.

“Kasi hindi raw nila alam na nag-FHM na pala ako, hindi raw nila akalain.

“Pero I want to reinvent myself paminsan-minsan. At heto, isa ito sa gusto kong gawin bago man lang matapos ang 2013.”

Ayon kay Danita, naging maganda ang taong ito sa kanyang personal na buhay at sa kanyang career.

Saad niya, “Oo, tahimik nga lang, pero masaya ako.

“Naging active ako sa music scene, but I’m more excited para sa 2014.

“Maraming plans sa akin ang Viva kaya mas lalo akong ginaganahan mag-work.

“Matagal din akong nagpahinga sa showbiz kaya next year, gusto ko ay bongga ako.”


ZERO LOVELIFE. Pati ang kanyang lovelife ay isinasantabi na niya muna.

“Yes, zero ang aking lovelife,” nangingiting sambit ni Danita.

“Maraming nagpaparamdam, pero ayoko muna.

“Two years na ako actually walang lovelife, okey lang naman sa akin.

“Si JC [de Vera, her ex-boyfriend], dyinu-joke nga ako... ba’t wala pa raw akong boyfriend uli.

“Kaibigan ko na rin kasi siya at talagang bumili siya ng isang copy ng FHM, tapos kinu-congratulate niya ako.

“Kung may dumating, let’s see, pero hindi ako nagmamadali.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN