UPDATED Korina Sanchez is on vacation, not suspended — source

Pumutok ang balitang suspendido raw ang ABS-CBN news anchor na si Korina Sanchez dahil sa naging pahayag niya laban sa CNN news anchor na si Anderson Cooper. Ngunit pinabulaanan ito ng isang ABS-CBN insider sa PEP. Ayon sa source, pinagbakasyon lamang si Korina at maaaring magtagal ito ng dalawang linggo.


Absent pa rin ngayon si Korina Sanchez sa Rated Korina, ang morning radio program niya sa dzMM.

Si Jasmin Romero ang pumalit pansamantala kay Korina mula pa noong Huwebes, November 14.

Kumalat kahapon, November 17, ang balitang sinuspinde raw ng ABS-CBN management si Korina.

Bungsod daw ito ng mga pahayag ng veteran ABS-CBN anchor laban sa reporting ng veteran CNN anchor na si Anderson Cooper tungkol sa halos hindi maramdamang relief work ng gobyerno sa Tacloban, Leyte.

Maaaring hindi minabuti ng Kapamilya management ang pagpasok ni Korina ng kanyang opinyon sa isang bagay na sangkot ang asawang si Mar Roxas, na siyang secretary ng Department of Interior and Local Government, at siyang namamahala nang mga panahong iyon sa government relief efforts.

Isang linggo raw na hindi mapapanood si Korina sa TV Patrol—ang primetime newscast ng Kapamilya Network.

Read: ABS-CBN anchor Korina Sanchez gets flak from netizens for slamming CNN news anchor Anderson Cooper

Nakapag-report pa si Korina para sa TV Patrol, mula Ormoc City, noong Huwebes, November 14.

Bukod dito ay nakapaghatid pa rin si Korina ng ngiti sa mga kababayan natin na biktima ng bagyong Yolanda, sa pamamagitan ng pagdadala ng mga tsinelas at relief goods.

Read: Korina Sanchez flies to Ormoc to "investigate" relief efforts there

Ngunit hindi na siya napakinggan sa Rated Korina, at hindi na rin siya napanood sa TV Patrol noong Biyernes, November 15.

Itinanggi naman ng isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa ABS-CBN ang balitang suspendido si Korina.

Ayon sa source, pinagbakasyon lamang si Korina, pero walang official o formal suspension mula sa management.

Sinabi rin ng PEP source na posibleng dalawang linggong hindi mapapanood si Korina sa TV Patrol.

Pero hindi raw apektado ng kanyang pagbabakasyon ang Rated K, ang Sunday night program niya sa ABS-CBN.

Noong Biyernes ng gabi, November 15, ay humingi ang PEP ng official statement mula sa ABS-CBN Corporate Communications tungkol sa pagliban ni Korina sa TV Patrol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sinabi nilang wala silang opisyal na pahayag tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN