Jericho Rosales, Julia Barretto, Ella Cruz, Vicki Belo spearhead charity bazaars for typhoon victims

Celebrities take time off their busy schedules to organize fundraising events for Yolanda relief and rehabilitation efforts.


Nagkaisa ang local celebrities na maglunsad ng iba’t ibang fundraising activities upang makalikom ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Pinakapatok ang charity bazaar, kung saan mga personal na kagamitan ng mga artista ang ipinagbibili sa publiko.

Ngunit hindi lang basta branded na damit at sapatos ang mga ibinebenta ng mga artista.

Karamihan sa mga items ay may sentimental value para sa kanila, dahil ginamit nila ang mga ito sa espesyal na okasyon at mga di malilimutang proyekto.

Todo-suporta naman ang mga mamimili, na puspusan din ang pakikiramay at pagtulong sa mga kapwa-Pilipinong naging biktima ng kalamidad.

Narito ang ilang personalidad sa showbiz na naglaan ng kanilang oras upang pangunahan ang kani-kanilang fundraising efforts nitong nakaraang weekend:

JERICHO ROSALES. Tagumpay ang inilunsad ni Jericho Rosales na “Echo’s pre-loved pop-up store,” isang charity bazaar na ginanap sa activity center ng Market! Market! sa Taguig, noong Linggo, November 17.

Ilan sa mga ipinagbili ni Jericho ay ang kanyang paboritong ukulele, hats, belts, sunnies, leather shoes, sneakers, at coffee table books.

Bukod dito, balak din ni Jericho na magkaroon ng online charity auction para sa iba pa niyang collector’s items, tulad ng surf boards at life-sized portrait.

Siniguro rin ng aktor na lahat ng malilikom niyang pera mula sa kanyang fundraising activities ay mapupunta sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ang Operation Blessing Foundation Philippines, Inc. (OB Philippines) ang non-government organization na napili ni Jericho na pagbigyan ng proceeds mula sa kanyang isinagawang charity bazaar.



KIM JONES. Ang fiancée ni Jericho na si Kim Jones ay may sarili ring charity auction, kung saan ipinagbili niya ang ilan sa kanyang fashionable dresses, skirts, at tops.

Tuwang-tuwa si Kim dahil marami ang sumuporta sa kanyang online bidding noong nakaraang linggo.

Aniya, ang initial amount na nalikom niya ay maaari nang makabili ng 1,000 meals para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbenta rin siya ng iba pang personal items sa charity bazaar ni Jericho sa Market! Market! kahapon.

JULIA BARRETTO. Sold-out ang inilunsad na charity bazaar ni Julia Barretto kahapon, November 17.

Ginanap ito sa Green Street function room ng Capitol Golf Club sa Capitol Hills, Old Balara, Quezon City.

Walang entrance fee na siningil si Julia, ngunit hinikayat niya ang mga mamimili na magdala ng limang pirasong bottled water bilang karagdagang donasyon para sa mga nasalanta ng bagyo.

Ilan sa mga ipinagbili ni Julia ay ang fashionable short dresses na kanyang isinuot sa TV appearances at mall shows.

Ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto ay kasama sa pangangasiwa ng naturang fundraising event.

Tumulong din ang mga kapatid ni Julia na sina Dani, Claudia, at Leon Marcus.

Matapos ang maghapon na pagtitinda, masayang ibinalita ni Majorie ang resulta ng charity bazaar ni Julia.

Sabi ni Marjorie sa kanyang Instagram post kahapon: "Today my children raised over and beyond our target.

"Thank you to all who came to our garage sale...we all look so tired but unbelievably happy."



ELLA CRUZ. Dinumog din ng ilang kabataan ang charity garage sale ng former Aryana star na si Ella Cruz.

Ginanap ito sa Pepeton’s Bar and Grill restaurant sa Quezon City kahapon, November 17.

Base sa mga larawang ibinahagi ni Ella sa kanyang Twitter account, nagmistulang shoe shop ang napili niyang venue sa dami ng sneakers, rubber shoes, at sandals na ipinagbili niya.

Hiniling din ni Ella na magdala ng bottled water o canned goods ang mga mamimiling nakilahok sa naturang garage sale.

Ilan sa mga kasamahan ni Ella sa Star Magic na dumalo sa kanyang fundraising event ay sina Francis Magundayao, Paul Salas, at Jon Lucas.

VICKI BELO. Patok naman sa mga mahihilig sa luxury bags ang inilunsad na online charity auction ni Dra. Vicki Belo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gamit ang kanyang Instagram, isa-isang ipina-auction ng celebrity doctor ang mga paborito niyang Louis Vuitton at Chanel bags, na ang starting price ay nagkakahalaga ng P10, 000 hanggang P20,000.

Nakalikom ng initial amount na P190,000 si Dra. Belo mula sa ipina-auction niyang apat na Louis Vuitton bags at isang Chanel bag.

Bukod dito, pinamunuan din ni Dra. Vicki ang “Belo Gives Back” charity garage sale na ginanap sa Belo Medical Clinic sa Greenbelt, Makati, noong Sabado, November 16.

Masuwerte ang mga babaeng size 8 ang sukat ng paa, dahil ipinagbili ni Dra. Vicki ang ilang pares ng Gucci, Christian Dior, at Louis Vuitton shoes, for only P500.

Marami sa mga kaibigan ni Dra. Vicki mula sa showbiz ang nagpadala rin ng donasyon para sa inilunsad niyang garage sale.

Isa na rito si Jennylyn Mercado na nagbigay ng Prada bag at Balenciaga belt.

Sina Derek Ramsay at Alden Richards ay nag-donate ng signature long-sleeved polo shirts.

Si Angeline Quinto ay nag-donate ng fashionable dresses, shorts, at shoes na isinuot niya sa ASAP.

Mga damit din ang ibinigay nina Grace Lee, Sandy Andolong, at Bing Loyzaga.

Base sa Instagram post niya kahapon, sinabi ni Dra. Belo na nagbahagi siya ng P100,000 para sa relief operation na inorganisa nina Georgina Wilson at Raymond Gutierrez para sa mga nasalanta ng bagyo sa Ormoc.

Sabi ni Dra. Vicki, "100 k of the money we raised was used to buy good through the efforts organized by @ilovegeorgina and @mondgutiettez for Lucy Gomez ormoc."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN